CHAPTER 24

825 37 1
                                    

DRAKE

Hindi pa rin siya makapaniwala na kaibigan niya na talaga si Shirley Faye Lacsamana. Kahit pa hindi nito deretsahang sinabi iyon pero nararamdaman niya kahit hindi pa man nito aminin sa kanya.

Pagkatapos ng ilang taong pag-iwas niya dito dahil lamang nahihiya siya, ngayon madalas niya na ito'ng nakakasama at lubusang nakikilala. He really likes her personality. She's tough. She's brave. She's funny. She's real. And she's good.

Kahit na iyong huli ay parang ayaw ni Shirley ipakita sa lahat, naniniwala siya na mayroon talagang kabutihan sa puso nito na nakatago. You just have to know her, understand her, for you to see that.

Napakasaya niya habang inaalala ang mga nangyari kahapon. Shirley is really funny. Lalo na kapag naaalala niya kung paano siya nito naisama sa mall para mag-arcade dahil lamang inaakala niya na mahalaga talaga ang sadya nito. Pati iyong pagtuturo nito sa kanyang maglaro no'ng mga games na dinadaanan lang niya noon. 'Tsaka iyong pagda-drama nito doon sa security guard ng event center para lang makapasok sa loob.

Hindi niya mapigilang matawa sa parteng iyon. Shirley has a future in acting and writing. Bukod sa napakahusay nitong umarte ay napakagaling pang gumawa ng istorya. He knows it's bad. At dapat hindi niya pinagtatawanan lang pero hindi niya talaga mapigilan.

Pero ang pinaka-highlight ng pangyayari kahapon ay iyong sa lugawan. Kung paano siya nito pinagsilbihan. Maybe she has a sweet bone after all. Kung wala ay bakit pa siya nito hahayaang sumandal sa balikat nito noong magkasabay sila sa jeep at mapansin nitong inaantok siya hindi ba?

Sana nga lang talaga walang magbago sa kanila ni Shirley. Sana hindi na sila bumalik sa dati. Iyong inaaway at pinagti-trip-an lang siya nito at ginagawang katatawanan. Gusto niyang maging kaibigan siya nito. Gusto niyang ituring siyang kaibigan ni Shirley.

Hindi niya alam kung dahil ba 'to sa pagtatanggol nito sa kanya no'ng Grade School o dahil sa pakiusap ng Tito Spencer nito. Ito'ng kagustuhan niya ngayon na maging kaibigan ni Shirley, sa tingin niya, ay dahil sa mas nakikilala niya ito at nagugustuhan niya ang pagkatao nito.

Gaya nga ng sinabi niya kay Shirley kahapon. Hindi man siya kasing astig o maloko ng mga kaibigan nito ay sisikapin niyang hindi ito mabagot sa kanya. Hindi niya alam kung paano niya gagawin iyon basta ang alam niya...he'll do everything just to keep Shirley in his life.

Biglang bumukas ang pintuan ng kanyang kuwarto dahilan kaya siya napalundag sa kanyang swivel chair. Nilingon niya si Belle, "I told you to knock first before coming in here."

"Masakit kaya sa knuckles kumatok," pilosopong sabi ng kanyang kapatid. "'Tsaka nagbabasa ka lang naman diyan, e."

Tinignan niya ang librong nasa study table niya. Nakalimutan niyang may libro pala siyang binabasa. Napakalayo ng nililipad ng kanyang utak. Binalik niya ang tingin sa kapatid, "You need something?"

"Wala naman. Iyong girlfriend mo kasi nasa labas kasama ni Ate Erika. Hinahanap ka."

Isinara niya ang libro saka tumayo. Ginulo niya ang buhok ng kapatid, "Bakit hindi mo naman sinabi kaagad?"

"Kuya!" reklamo nito saka lumayo sa kanya upang ayusin ang buhok na ginulo niya. "Ikaw kasi, e. Nanermon ka kaagad."

Bumuntong-hininga siya sa kapatid niya. She's so much like Shirley. "Just don't do it again."

"Okay, fine!"

Naglakad na siya palabas. Kasunod niya ang nakababatang kapatid sa likod. Naabutan niya sina Allie at Erika na nasa sala at nag-uusap. May nakapatong na box ng cake sa center table.

Pakisabi Na Lang (A JaiLene Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon