DRAKE
"If you want to win, always give your all and your best. Give your everything as if you're not going to have another chance. And you'll see, Drake, you'll see...makukuha mo ang kahit na ano'ng gustuhin mo."
Tandang-tanda niya pa ang paalala sa kanya ng kanyang ina simula pa pagkabata. Iyon ang dahilan kung bakit sa kahit na ano'ng kompetisyon ay madalas siyang manalo. He gives his everything. Sa simula pa lang ay sinisiguro niya nang sa huli ay panalo siya.
Hindi niya inakalang ang payong iyon ng kanyang ina, na madalas nitong ipaalala sa kanya tuwing may sasalihang kompetisyon sa school, ay gagamitin niya sa pangliligaw ng babae.
Well, he could explain that part. Shirley Faye Lacsamana isn't the typical girl. She's awesome, alright, but this girl's also complicated in more ways than one. Kaya nga isang malaking challenge talaga para sa ang ma-figure out kung paano makukuha ang puso nito.
Mas madali pa ang math, e. Kabisado niya ang formulas kaya kahit mag-iba-iba ang word problem o ang equation ay madali niyang nasasagot. And there will always be a right answer. There will always be a sure answer.
But there's no specific formula for getting anybody's love. Bukod sa magkakaiba ang mga tao, hindi rin sigurado kung may makukuha ka bang tamang sagot sa huli. At mas lalong walang formula ang maaring magamit para mapagtanto niya kung paano mapapa-ibig ang isang tulad ni Shirley.
She's stronger than him. She's a fighter. She's independent. Paano naman mapapasagot ng isang tulad niya ang isang tulad nito kung minsan pa nga siya nitong sinagip noon? This is hopeless. His feelings for Shirley are hopeless.
No. Hindi ba sabi niya hindi siya susuko? Hindi ba sabi niya gagawin niya ang lahat? Failure is never an option for him. Mapa-quiz bee man iyan o mapa-pangliligaw sa babaeng matagal niya nang pinapangarap.
Kaya ginawa niya ang lahat ng paraang alam niya para makapasok sa puso ni Shirley. Ibinigay niya ang lahat ng maaari niyang ibigay.
Oras. Nag-quit siya sa basketball team kahit na ito na ang kanyang huling taon at kahit na kaibigan niya na ang lahat ng miyembro no'n para lang magkaroon ng mas maraming oras na kasama si Shirley.
Atensiyon. Mali, pero kay Shirley umikot ang mundo niya no'ng mga panahong nanliligaw siya. He doesn't mind that though. Kung si Shirley na ang buong mundo niya, ayos na ayos iyon sa kanya.
Pagmamahal. His love for Shirley is so strong and so intense that he is not sure now if he could love again after her. No, Drake. There's no 'after Shirley'. It will always be her. Ibinigay niya na ng buong-buo ang puso niya dito. Oo, wala na siyang tinira. He's just seventeen years old but he's damn sure that there will be no one other than Shirley. No one.
Kaya siguro tama na din talaga ang nangyari sa kanilang dalawa ni Allie. Ang nararamdaman niya kay Shirley ngayon ang patunay na kahit ano'ng hintay niya ay hindi niya magagawang ipilit sa sarili ang magmahal ng iba.
'Cause sometimes falling in love is not a choice. Darating at darating iyon sa'yo na kahit ayaw mo ay mahuhulog ka. Na kahit gusto mo'ng ipilit sa iba ay doon at doon ka sa taong tunay na nagpapatibok sa'yong puso.
And it's worth it. Ang effort niya sa pagsusulat ng mga love letters, ang pagbangon niya ng mas maaga para lang maihatid ang rosas at ang sulat kanila Shirley at ang lahat ng bagay na ginawa niya para lang mahulog ito sa kanya ay worth it lahat nang dumating ang araw na iyon...
"I love you Fredrick Reuel Lagdameo," naiiyak na sabi ni Shirley bago inilapit ang labi nito sa kanya upang dampian siya ng halik.
Hindi niya maipaliwanag ang sayang naramdaman nang mga panahong iyon. Iyong pakiramdam tuwing nananalo siya sa quiz bee competition o kaya basketball match? Walang-wala ang mga iyon nang gabing sagutin siya ni Shirley at tugunan ang mga salitang paulit-ulit niyang sinasabi dito.
BINABASA MO ANG
Pakisabi Na Lang (A JaiLene Fanfiction)
FanfictionSa kabila ng pang-MMK na istorya ng kanyang buhay ay nanatiling kalog at maloko si Shirley. Ba't ba niya kailangang indain ang mga problema? Malulungkot lang siya. At wala na din namang magbabago kung iiyakan niya pa ang mga bagay na hindi niya na m...