The roses keep on coming. Every day she would always expect one in the mail box. Sa lumipas na mga araw ay walang mintis iyon. Kahit ang pagsundo't paghatid sa kanya ni Drake sa kanyang bahay ay ganoon din. No matter how hard she tries to avoid or push him away, nakakagawa ito ng paraan para magkalapit sila.
Hindi na nga niya alam kung talaga bang nage-effort siyang itaboy si Drake. Pakiramdam niya ay may mas ilalamig pa ang pakikitungo niya ngunit tuwing ngi-ngitian siya ni Drake at hahawakan ang kamay niya, wala siyang ibang magawa kung hindi ang hayaan ito.
She's really in a big trouble. Habang lumilipas ang mga araw ay mas lalo lang nagiging mahirap sa kanya ang tiisin si Drake. Baka isang araw niyan, magising na lang siya na hinahayaan ang sariling damdamin na pangunahan siya kaysa sa kanyang isip.
Mula sa kanyang ginagawa ay dahan-dahan siyang sumulyap kay Drake na nasa kanyang tabi. Tulad niya ay nagsusulat din ito ng questions para sa questionnaire nila na ipapasa bukas sa kanilang English teacher. Dahil doon, puno na naman ang library kaya dito sila ulit sa puno sa likuran ng school gumagawa.
Marahang pinisil ni Drake ang ibabang labi habang mataman ang ginagawang pag-iisip. Hindi niya tuloy magawang iiwas ang tingin niya rito. Nakaharap man o nakatagilid, ang sarap nitong pagmasdan lalo na kapag seryosong-seryoso at nag-iisip.
"Baka ma-in love ka na niyan," biglang sabi nito.
Napabaling tuloy siya kaagad sa papel niya. "Kapal mo..."
"Kapag ikaw ang tumititig, okay lang. Kapag ako, galit ka kaagad. Dapat puwede din kitang titigan para fair tayo."
Binalik niya ang tingin niya rito. Nagsusulat si Drake ngunit naka-ngiti naman. "Gusto mo ihampas ko 'yang pad paper mo sa mukha mo? Tumahimik na nga! Gumagawa ng tahimik ang tao dito, e."
Natawa si Drake, "Sorry po. Kasalanan ko na naman po."
Pinilig niya ang ulo at binuhos na ang buong atensiyon sa paggawa ng mga tanong. Ngunit kahit na ano'ng gawin niyang pagfo-focus ay nate-tempt siyang tignan si Drake sa kanyang tabi! Lechugas na 'yan!
In-encode na ni Drake ang mga gawa nila sa laptop nito nang matapos sila. Pinanood niya ito habang nagtitipa. She saw that his eyes were already tired and droopy. At mayamaya nga ay humikab na ito.
Kinuha niya ang laptop sa kandungan ni Drake, "A-Ako na lang. Tulog ka na muna diyan. Masyado ka kasing pa-bida, e." Halos dalawang-linggo na itong hatid-sundo sa kanya. Idagdag pa ang bulaklak na umagang-umaga ay nasa labas na ng bahay nila.
Nahinto siya sa pag-type nang maramdaman ang bigat ng ulo nito sa kanyang balikat. Napalingon siya roon. His eyes were already closed. His left leg was stretched out while the other one is propped up. Nakadantay doon ang isang braso ni Drake.
Ginalaw niya ang braso para alisin doon si Drake, "S-Sabi ko matulog ka! 'Di ko sinabing sumandal ka sa'kin!" inis niyang sabi dito.
"Sorry," ani Drake saka yumuko sa sariling mga braso na pinagpatong.
Shet, konsensiya naman! Puwede ba'ng umalis ka muna sandali para mapanindigan ko ang pagiging 'Ice Queen' at 'Heartless' kay Drake? Please lang?!
Nagbuga siya ng hangin. Ibinaba niya sandali ang laptop nito sa kanyang tabi saka hinawakan ang braso ni Drake. Nang mag-angat ito ng tingin sa kanya ay saka niya inalalayan ang ulo nito pabalik sa kanyang balikat.
"S-Sorry, Drake," hinging paumanhin niya.
"Bakit nagso-sorry ka?" dinig niya ang pang-aasar sa tonong gamit nito.
BINABASA MO ANG
Pakisabi Na Lang (A JaiLene Fanfiction)
FanfictionSa kabila ng pang-MMK na istorya ng kanyang buhay ay nanatiling kalog at maloko si Shirley. Ba't ba niya kailangang indain ang mga problema? Malulungkot lang siya. At wala na din namang magbabago kung iiyakan niya pa ang mga bagay na hindi niya na m...