Hindi na naman siya makatulog sa dami ng kanyang iniisip. Pagkatapos niyang aminin sa kanyang sarili ang tunay na nararamdaman para kay Drake ay gulong-gulo na ang isip niya sa kung ano ang dapat na gawin.
Kung bakit naman kasi niya hinayaan na magkaganito! Kung sana noong una ay hindi na niya hinayaan si Drake na makalapit sa kanya ay hindi na sana siya nahulog dito. Naghanap pa siya ng sakit ng ulo! Para bang hindi pa sapat ang gulo sa buhay niya at dinagdagan pa niya ng panibago.
Naupo siya sa kama na magulong-magulo ang buhok. Itinaas niya ang kanyang braso kung saan sinuot ni Drake ang bracelet kanina. Humugot siya ng malalim na hininga saka muling ginulo ang buhok.
She doesn't want to lose Drake. Hindi nga ba ay sinabi niya na ito lamang ang nag-iisang tamang dumating sa buhay niya? Minsan lang siya maging masaya kaya ayaw niya ito'ng pakawalan.
Pero ayaw din naman niya na maging hadlang sa kaligayahan ni Drake. Ayaw niya na dahil dito sa nararamdaman niya ay mahirapan ito. Noon ngang hindi pa niya ito inaamin sa sarili ay naging problema na siya nito at ni Allie, paano pa ngayon na totoo pala ang bintang ni Benj sa kanya na may gusto talaga siya kay Drake?
T'ngina. Si Benj nga pala! Hindi ito puwede. Hindi pupuwedeng lumalim ito'ng nararamdaman niya. Hindi puwedeng may makaalam nito! Kailangan niya ito'ng ihinto. Sa lalong madaling panahon ay kailangang mawala ito'ng nararamdaman niya para kay Drake.
It's hopeless anyway. Walang dahilan upang panatilihin ang pagmamahal na ito para kay Drake. There's no reason to dream that maybe someday he would reciprocate her feelings. Because, truth is, he won't. She's not his type of girl and she will never be.
Tanggapin mo 'yan, Shirley. Kausap niya sa sarili. Tanggapin mo dahil iyan ang katotohanan. Diyan ka naman magaling 'di ba? Sa pagtanggap at pagkalimot.
Tama.
"Nakausap mo na ba si Belle?" tanong niya kay Andre habang kumakain ng pandesal sa tapat ng bakery ng mga ito. Maaga na naman kasi siyang nagising at saktong hindi pa ito naglalako ng tinapay sa buong baranggay.
Tumingin ito sa kanya mula sa pagsasa-ayos ng side car, "Bakit ko kakausapin iyon? Iniiwasan ko nga."
Napahinto siya sa pagsawsaw ng pandesal sa kape dahil sa sinabi nito, "Iniiwasan? Bakit mo iniiwasan si Belle? Dahil ba sa nangyari kagabi?"
Umiling ito saka muling bumaling sa ginagawa, "Hindi ko alam kung paano pero nakuha ni Belle ang number ko. Mga isang linggo siguro pagkatapos no'ng unang beses naming magkita, tine-text niya na ako."
Napa-ubo siya doon, "Ano?!" Tinamaan nga yata talaga ang kapatid ni Drake sa kanyang kaibigan! Alam ba ni Drake ito?!
"Huwag kang magalit sa'kin. Gaya nga ng sabi ko, iniiwasan ko si Belle. Hindi ako nagre-reply kapag hindi kailangan."
"Kapag hindi kailangan?" napataas ang kilay niya doon.
"Minsan kasi tinatanong niya ako tungkol sa school. Kapag may subject na nahihirapan siya. Doon lang ako nagre-reply sa kanya. Pero kapag wala nang kuwenta iyong tanong tulad ng pagtatanong niya kung may nililigawan ba ako at kung ano-ano pa, hindi ko pinapansin."
Napangiwi siya sa sinabi ni Andre. Hindi naman niya masisisi ang kaibigan niyang ito. Masipag talaga si Andre sa pag-aaral noon pa man at may mataas na pangarap sa buhay. Hindi ito papatol sa isang musmos na nagpapahayag ng pagmamahal.
"Basta maging mabait ka na lang. Siguro natutuwa lang sa'yo si Belle kaya ganoon iyon." She doesn't want Belle to get hurt of course. Drake won't like it.
BINABASA MO ANG
Pakisabi Na Lang (A JaiLene Fanfiction)
FanfictionSa kabila ng pang-MMK na istorya ng kanyang buhay ay nanatiling kalog at maloko si Shirley. Ba't ba niya kailangang indain ang mga problema? Malulungkot lang siya. At wala na din namang magbabago kung iiyakan niya pa ang mga bagay na hindi niya na m...