CHAPTER 39

818 38 4
                                    

Napipilan siya sa sinabi ni Drake. Hindi din ito nagsasalita. Ang tanging naririnig niya ay ang tunog ng traysikel sa labas, tahol ng aso at ang paghinga nilang dalawa. Mainit ang kanyang pisngi at mabilis ang tibok ng kanyang puso. Para siyang nakipag-karera sa bilis ng tibok.

"Ano, ikaw na ang inatake sa puso diyan?" natatawang sabi ni Drake matapos ng mahabang katahimikan.

Nagising siya dahil sa tawang iyon. Niloloko lang ba siya ni Drake? Kainis, ha! Tapos siya naman ito'ng...kilig na kilig. Oo, inaamin niya iyon. Kinilig siya. Pero slight lang. Kahit na gusto niyang maglupasay sa sahig at magsisi-sigaw, slight na kilig lang ang naramdaman niya.

"Kapal mo! Bakit naman ako aatakihin sa puso dahil sa sinabi mo? Kala mo tuwang-tuwa ako dahil do'n? Sus. Pake ko sa'yo. Hindi nga kita naisip ng isang buong linggo, e." Bitter na bitter lang ang tunog niya.

Nabuwisit talaga siya kay Drake. Ang sarap nitong pagbabaan ng cellphone at i-block sa Facebook.

Tumahimik si Drake sa kabilang linya. Ang akala niya nga ay tinapos na nito ang tawag kung hindi niya lang nakita na naka-konekta pa rin pala siya dito.

"Ah...okay," anito sa mababang tono. Oh, akala niya ba nagbibiruan lang sila? Bakit tunog nasaktan at malungkot ito?

Isang awkward na katahimikan muli ang pumagitna sa kanila. Ang sarap babaan ng cellphone si Drake. Ginugulo kasi nito ang usapan. Ang ayos-ayos nila kanina tapos bibiruin siya nito ng 'na-miss kita'? Siyempre, gumanti lang siya.

"Matutulog na ako!" sigaw niya dito.

"Hindi mo man lang itatanong kung nanalo ba kami o hindi?" pagbubukas nito sa panibagong usapan.

"Nanalo ba kayo o hindi?"

Natawa si Drake. Ang sarap pala pakinggan ng tawa ni sa telepono? Masyadong malalim ang boses at tunog masaya talaga. Gumaan na kahit paano ang pakiramdam niya.

"Panalo kami, Shirley," anito.

She knew it. Magaling ang paglalaro nito kanina. Na-hook nga siya kahit na hindi siya masyadong fan ng basketball hindi ba? Kung hindi lang dahil doon sa babaeng sumigaw ng 'I love you' kay Drake at kung hindi lang siya nito nakita ay baka nagtagal pa siya.

"Congrats..." simpleng sabi niya sabay yuko sa unan.

"Good luck bukas. I'll watch you..."

Nakaramdam na naman siya ng hiya. Sana nga huwag ito'ng manood, e! Feeling niya mas lalo lang siyang mako-conscious kapag gagawin nito iyon!

"S-Sige..."

"Pupunta ka ba sa awarding bukas? Para sa mga nag-champion sa iba't-ibang events?" he sounded hopeful. Na para bang gusto nitong pumunta siya.

"H-Hindi na 'no. Maaga iyon 'di ba? Naghahanda na ako para sa Miss Intrams no'n."

"Oh...sorry...oo nga pala," tunog mababa na naman ito.

"Sige, good night na?" aniya bago pa man sila makulong muli sa isang awkward na katahimikan.

"S-Sige...good night, Shirley. See you tomorrow."

Ilang sandali pa ang hinintay niya bago niya tuluyang ibinaba ang tawag. Ipinatong niya ang phone sa bedside table saka humiga. Tumitig siya sa kisame. Mabilis pa din ang tibok ng puso niya. Malalalim na hininga ang hinugot niya para lang tuluyang kumalma.

Yes. She missed Drake.

Maaga siyang nagising kinabukasan. Naligo siya at nagbihis pero hindi na siya kumain pa ng agahan. Sa bahay na lang ng kanyang tita. Sinilip niya sa kuwarto ang kanyang ama. Mahimbing na mahimbing pa rin ang tulog nito.

Pakisabi Na Lang (A JaiLene Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon