CHAPTER 22

937 36 3
                                    

"You didn't attend your group meeting...for this."

Tinignan niya si Drake na nakatayo sa kanyang kaliwang gilid. She can't tell if he's pissed or what. May himig lang sa boses nito na parang hindi makapaniwala sa kanya. Iyong pagkakasabi ba naman niya ng may mahalaga siyang gagawin kanina, e!

Natawa siya saka ito tinuro, "Got you!"

Bumuntong-hininga si Drake bago pumihit upang humarap sa kanya. Tumigil siya sa pagtawa nang makita na 'medyo' seryoso ito. Tumuwid siya ng tayo at inayos ang sombrero niya sa ulo.

"Okay, kung nainis ka dahil dinala kita dito, 'di umuwi ka na. Ito naman...masama na ba talagang mag-joke sa panahon ngayon?" umiling siya at iniwan na si Drake sa kinatatayuan nito.

Dumiretso siya sa bilihan ng token. Nag-abot siya ng singkwenta pesos sa kahera.

"Lahat 'yan," aniya.

Inabot nito sa kanya ang lahat ng tokens niya. Kinuha niya ang mga iyon at nilagay sa bulsa ng kanyang palda. Pagkatalikod niya ay nakita niya si Drake nakahalukipkip. Naka-bukas na ang polo nito kaya kita ang t-shirt na nasa ilalim no'n.

"O, akala ko uuwi ka na?"

Lumapit ito sa kanya at inilapat ang palad sa bumbunan niya na parang bata. Sa pagkabigla niya ay hindi niya na iyon nagawang hawiin.

"Shirley..." pamilyar na pamilyar na sa kanya ang tono na iyon. Ang ibig sabihin ay may sermon na kasunod. Bago pa man nito masimulan ang panenermon ay itinaas niya na ang palad upang pigilan ito.

"Gusto ko lang mag-unwind, okay?" tinapik niya na ang braso nito para ialis ang kamay sa ulo niya. Nang alisin na ni Drake ang palad nito sa bumbunan niya ay saka niya sinundan ang sinabi. "Ilang araw na kaya ako'ng puro review. Nakakabaliw na! Kaya pabayaan mo na muna ako na maglibang."

Nakikita niya sa mga mata ni Drake ang malalim nitong pag-iisip. Mukhang kino-consider din nito ang sinabi niya. Sa huli ay sumalampak ang mga balikat nito hudyat ng pagsuko.

"Okay," ngumiti na ito. At this time bumalik na ang kislap sa mga mata nito. "I'll join you."

"Bumili ka ng tokens mo! Ano ka? Sinusuwerte? Kaya nga kita sinama dito para may manlilibre sa'kin, e. Pero dahil nag-inarte ka kanina..." umismid siya.

Tumawa si Drake bago siya nilagpasan at nagtungo sa bilihan ng token. Pagkatapos no'n ay naghanap na sila ng maaaring game na laruin. Itinuro niya ang shooting game kung saan kailangang pumatay ng mga zombies.

Tumakbo siya palapit doon. Kasunod niya si Drake na nakamasid sa console na parang ngayon lang nito iyon nakita. Naghulog siya ng token sa slot bago kinuha ang baril. Kinuha din ni Drake ang baril pero walang token na hinuhulog.

Nilingon niya ito. "Insert token daw."

"Oh..." anito na parang ngayon lang iyon naisip. Bumunot ito ng token sa bulsa saka nilusot sa sariling slot.

Nagsimula na ang laro. Nasa isang abandunadong bahay sila kung saan maraming zombies. Feel na feel niya ang pagbaril sa mga ito. Ganito ang madalas nilang nilalaro nina Paul kapag nandito. Sila Gia naman ay iyong Dance Revo.

"Wala na ako'ng bala!" nagpa-panic na sabi ni Drake.

"Ibaba mo ang baril mo para ma-reload." Turo niya.

Ginawa ni Drake iyon at nakita niya ang pagkamangha sa mga mata nito nang mapuno na ng bala ang baril. Napa-kunot noo siya. Pero hindi niya ito masyadong mapagtuunan ng pansin dahil sa game.

Nang ma-game over na ay saka niya ito hinarap.

"You've never been in an arcade center before?" tanong niya.

Pakisabi Na Lang (A JaiLene Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon