Mahigpit ang hawak ni Drake sa kanyang kamay habang naglalakad sila palayo sa Ferris Wheel. Tumitingin-tingin ito sa gawi niya at hindi niya mapigilan ang paglukso ng puso tuwing ngini-ngitian siya nito.
"Pupunta ako sa inyo bukas," sabi nito habang papalapit na sila sa gate. Hudyat na kasi ng uwian oras na matapos ang fireworks display.
"Sunday bukas, Drake," paalala niya. Tuwing Linggo ay family day ng mga ito. Magsisimba. Kakain sa labas. Mga bagay na hindi niya nagawa kasama ang sarili niyang mga magulang.
"Free na ako kapag hapon. Sandali lang ako sa inyo," giit nito. At alam niyang kapag may naisipang gawin si Drake ay hindi niya na nababali pa ang desisyon nito.
"I-Ikaw ang bahala."
Napahinto siya sa paglalakad nang mamataan si Sebastian paglabas na paglabas pa lamang nila ni Drake ng Exit. Nakatiim bagang ito habang nakahalukipkip. Pinagmasdan nito ang magkahawak nilang kamay ni Drake bago ibinalik ang tingin sa kanya.
"Sana nagpaalam ka man lang bago ka biglang naglaho," malamig nitong sabi nang tuluyan silang makalapit ni Drake sa kinalulugaran nito.
Napangiwi siya dahil ito nga pala ang kasama niya kanina. Ang paalam niya lang ay magre-restroom siya pero hindi na siya bumalik. Bumitaw siya kay Drake ngunit hindi siya nito hinayaan. Mas humigpit lang ang kapit nito.
Napatingin siya kay Drake at kita niya ang pagsalubong nito ng tingin kay Sebastian, "Hindi niya kailangang magpaalam kahit kanino."
"She's with me the whole time. Siguro tama lang namang magpaalam siya hindi ba?" ani Sebastian.
Naramdaman niya ang tensiyon sa dalawa. Drake's eyes were twitching. Nakatiim-bagang din ito at parang nagpipigil lang na sumugod.
"Sige na, Drake. Bumalik ka na sa bus niyo," lumipat siya sa harapan nito para makuha ang atensiyon ni Drake. Ayaw niyang magkaroon pa ng pagtatalo doon. Kasalanan naman talaga niya dahil bigla na lang siyang nawala.
Humugot ito ng malalim na hininga bago tumingin sa kanya. Tumango ito. He was about to say something when somebody called his name.
"Drake!"
Napalundag siya nang makita ang grupo nina Erika sa 'di kalayuan. Ngayon lang yata niya nakitang buo ang mga ito simula noong kumalat ang balitang wala na si Allie at si Drake. Benj and Allie were even there! Humakbang siya palayo kay Drake, pilit pa ring binabawi ang kanyang kamay. "D-Drake, bitawan mo na ako."
Pero parang walang pakealam si Drake kung naroon man ang pinsan o si Allie. Sa halip ay hinapit pa siya upang yakapin saka siya ginawaran ng halik sa noo. Narinig niya ang pagsinghap ni Erika sa nangyari.
"See you tomorrow. I love you," bulong nito sa kanya.
"Drake..." pilit niya na ito'ng itinutulak. Ayos lang sana kung nasa Ferris Wheel pa rin silang dalawa. Doon ay wala namang nakaka-kita at nakakarinig sa mga sinasabi nila. Sa taas ay malayo sila sa mata ng lahat.
Pero ngayong nasa baba na sila, hudyat na rin iyon para bumalik sa dating gawi.
Nagbuga ito ng hangin saka bumitaw. Naglakad ito patungo kanila Erika. May sinasabi si Erika dito ngunit lumagpas lang si Drake sa grupo ng pinsan nito. Kaya mas lalo lamang umasim ang reaksiyon ni Erika. Napalingon ito sa kanya.
Inalis niya na ang tingin doon at ibinalik kay Sebastian na naka-abang ang tingin sa kanya.
"Sorry..." hinging-paumanhin niya dito.
Nailing ito at walang sabing tinalikuran at iniwan siya doon. Bumuntong-hininga siya saka sumunod dito patungo sa kanilang bus. Maingay na doon pagdating nila kahit na halos lahat ay pagod sa paglibot at pagsakay sa rides.
BINABASA MO ANG
Pakisabi Na Lang (A JaiLene Fanfiction)
FanfictionSa kabila ng pang-MMK na istorya ng kanyang buhay ay nanatiling kalog at maloko si Shirley. Ba't ba niya kailangang indain ang mga problema? Malulungkot lang siya. At wala na din namang magbabago kung iiyakan niya pa ang mga bagay na hindi niya na m...