Kumalat ang balita tungkol sa pagsali niya sa Miss Intrams. Sa sumunod na linggo ay iyon yata ang palaging pang-asar nina Mika sa kanya. Sinabi pa ng mga ito na aabangan ng mga ito ang pageant at manonood talaga.
"Magku-quit na ako!" singhal niya nang napikon na sa pang-aasar ni Paul.
Tinawanan lang siya ng mga kaibigan. Alam niya ding hilaw iyong sinabi niya dahil hindi siya pupuwedeng mag-quit. She just can't.
"May damit ka na ba, Shirley?" tanong ni Gia. Himala at nakasama ang mga ito sa kanila. Nitong nakaraan ay madalas abala ang mga ito sa kanya-kanyang boyfriend.
"Oo..." nababagot niyang sinabi habang nakasandal sa sanga ng punong mangga. Dito sila nag-recess ngayong araw dahil may dala-dalang alak sina Paul at nais mag-inuman.
"Sino magme-make-up sa'yo?" ani Bianca.
"Si Tita." Her aunt is so all over this. Mas excited pa nga yata ito kaysa sa kanya. Ito ang mas nagpa-plano at mas naghahanda habang siya ay walang kagana-gana sa usapin na tungkol doon. Gusto niya na matalo kaagad sa araw na iyon.
"Panigurado marami ang magkakagusto niyan sa'yo," natatawang sabi ni Paul bago uminom ng alak. Hindi lang ito kapangalan ng tatay niya, magkapareho pa ang dalawa na lasenggo. Nailing siya.
"Bakit? Kahit naman hindi na sumali si Shirley doon ay marami na talagang nagkakagusto sa kanya," sabi ni Igi.
Inirapan niya na lang ang mga ito at nagpatuloy sa pagkain ng chips.
"Nakakatamad pumasok! Ano, cutting tayo?" pagyaya ni Marj sa kanila.
Masaya sina Paul dahil doon at nagkasundo sa kung saan pupunta pagkatapos dito.
"Hindi ako sasama," aniya nang humupa ang usapan.
Bumaling ang lahat sa kanya. Punong-puno ng pagtataka dahil sa sinabi niya. Hindi niya alam kung bakit ayaw niyang mag-cutting. Hindi naman ganoon kasaya sa classroom pero ayaw din naman niyang lumiban sa susunod na klase.
"Ha? Bakit naman?" tanong ni Marj.
"Dalawang linggo na ako'ng absent, e," nagkibit-balikat siya at kaswal na nagpatuloy sa pagkain.
"Ano naman? Parang dati ay wala kang pakealam kung a-absent ng matagal o hindi," sabi ni Gia.
Hindi na siya nagsalita pa. Actually, it's Drake. Kakabati lang nga nila tapos ay magka-cutting classes siya? Paano kung mag-away silang muli dahil dito. Ayaw niya na.
Kinunutan niya ng noo sa sarili. At kailan ka pa naging alipin sa isang iyon, Shirley? Hindi niya na inisip. Kung iisipin niya pa ay baka mas lalo lamang siyang malito dahil doon.
"Sige na, Shirley! Ang KJ naman nito!" iritadong sabi ni Paul. "Ano, nagiging utak pilot section ka na din gano'n?" ngumisi ito ng nang-aasar pagkatapos.
"Basta. Tinatamad ako..."
"Tinatamad mag-cutting classes? Aba! Iba ka na nga talaga! Tignan mo nga. Ang tagal na bago noong may pag-trip-an ka tapos ngayon ay ayaw mo nang mag-cutting classes? Magma-madre ka na ba?"
Hindi niya na pinansin pa ang remark ni Paul. Pinagpag niya ang kamay saka dinampot ang bag at tumayo. Kung magtatagal pa siya dito ay baka tuluyan na siyang mapilit. Mahirap na.
"Sige na! Aalis na ako!" kumaway siya sa mga ito at naglakad palayo doon sa kabila ng pag-angal nina Marj.
Tama ang mga kaibigan niya. Nagbabago na nga talaga siya. Nitong nagdaang mga araw ay abala siya sa school works at sa practice para sa Miss Intrams. Parang noon ay wala talaga siyang pakealam. Noon ay wala lang sa kanya ang lahat ng ito.
BINABASA MO ANG
Pakisabi Na Lang (A JaiLene Fanfiction)
FanfictionSa kabila ng pang-MMK na istorya ng kanyang buhay ay nanatiling kalog at maloko si Shirley. Ba't ba niya kailangang indain ang mga problema? Malulungkot lang siya. At wala na din namang magbabago kung iiyakan niya pa ang mga bagay na hindi niya na m...