CHAPTER 6

1.1K 40 16
                                    


"Isang coke nga, Manang," aniya sa tinder saka nag-abot ng sampung pisong barya.

Nang ibigay sa kanya ang plastic na naglalaman ng malamig na softdrinks ay naupo na muna siya sa mahabang kahoy na upuang naroon saka iyon sinimsim. Uwian na nila pero hindi pa rin siya umuuwi.

Ayaw niyang makasabay si Drake.

Hindi kasi ito lubusang maka-intindi. Kanina nang sabihin niya ditong 'Stop talking to me' ay pansamantala lang itong nanahimik pagkatapos ay umandar na naman ang kakulitan at kadaldalan. Umiiwas lang siya na makasabay ito sa jeep at daldalin ng daldalin hanggang sa makarating sila sa kanya-kanya nilang destinasyon.

Nawala ang tingin niya sa gate ng kanilang school at lumipat sa dalawang batang palaboy na nasa kabilang panig ng kalsada. Gusgusin ang mga ito at sobrang payat. Nag-aagawan pa ang dalawa sa isang maliit na monay.

Saan ba ang mga magulang ng mga ito? Hindi niya maiwasang mahabag kapag nakakakita ng mga batang palaboy sa daan at walang mga magulang na kasama. Somehow she's just like them. She's also an orphan. Oo, nandiyan pa ang tatay niya pero parang wala naman. Palaboy din siya. May bahay siya, oo, pero pakiramdam niya nawawala siya. May tinutuluyan siya pero hindi niya matawag na tahanan iyon.

Tatlong palaboy na bata iyong lumapit sa dalawa. Hindi niya madinig iyong sinasabi no'ng mga bagong dating sa dalawa pero napatayo siya noong basta na lamang kunin ng mga ito iyong pagkain tapos ay mabilis na tumakbo.

Umiyak iyong mas maliit na babae sa kuya nito.

"Ate pabili nga ho ng tinapay. Iyong pinaka-malalaki niyong monay," baling niya sa tindera.

Nang makuha ang pinamili ay mabilis siyang tumawid patungo doon sa mga pulubi.

"Tsk," itinaas niya ang sombrero sa ulo upang ipakita ang kanyang mukha.

Yumukod siya sa harapan ng mga ito upang magpantay ang mga mata nila. Tumitig sa kanya ang mga ito. Marahil ay nagtataka sa biglang paglapit niya.

"Gusto niyo ba nito?" itinaas niya sa mukha ng dalawa ang tinapay na hawak niya.

Napa-upo ng tuwid iyong batang babae saka tuloy-tuloy na tumango. "Opo!"

"Sa amin na po 'yan?" nagniningning din ang mga mata no'ng lalaki.

"Sa inyo na," she shrugged. "Kung mangangako kayo sa'kin..."

Nagkatinginan iyong dalawa bago bumaling sa kanya. "Mangangako po? Ano pong pangako?" tanong no'ng batang babae.

"Sa susunod kapag sinindak kayo ulit no'ng mga iyon, lumaban na kayo. Huwag niyong hahayaang kayanin kayo ng mga ugok na 'yon. Gusto niyo ba'ng palaging makuhanan ng pagkain?" tanong niya sa mga ito.

"Hindi po," sagot ng dalawa.

"'Yun naman pala, e." Tinignan niya iyong batang babae. "At ikaw, huwag ka na ulit iiyak. Kahit ano'ng mangyari huwag na huwag ka na ulit iiyak."

Tinignan siya ng batang babae na nagtataka. Napatitig siya sa inosente nitong mukha. Hindi niya alam kung may sapat na isip na ba ito para maintindihan ang sinasabi niya.

At age seven, she learned how to fight for herself. At age ten she stopped crying for every wrong thing in her life. Maaga siyang namulat sa sakit, sa pait, sa kabiguan kaya maaga niyang natutunan na lumakas at patatagin ang sarili.

Kaya kung gusto ng mga batang ito na makipagsapalaran sa daan, dapat matutunan din ng mga ito na maging matatag.

Pinunasan ng batang babae ang luha sa mga mata nito saka tumango.

Pakisabi Na Lang (A JaiLene Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon