CHAPTER 59

1K 35 11
                                    

Inilapag niya ang bowl ng umuusok na sinigang sa gitna ng mesa bago niya inalis ang suot na apron at naupo sa silyang katabi ni Drake. May nakasandok nang kanin sa kanyang plato. At nang balakin niyang magsandok naman ng ulam ay naunahan na naman siya nito.

Nilingon niya si Drake. Hindi nito sinasalubong ang kanyang mga mata ngunit kita niya ang pagkislap ng mga iyon. Binalingan niya na lamang ang kanyang plato habang nangi-ngisi na parang timang sa hindi niya malamang dahilan.

Nang masalinan na ni Drake ng sabaw at baboy ang mas maliit na bowls nila ay nagsimula na siya sa pagkain. Ngunit sa totoo niyan ay nag-aalala siya. Hindi niya alam kung magugustuhan ba ni Drake ang timpla niya.

Kaya isang kutsara pa lang ng kanin ang nakakain niya ay nilingon niya na ito'ng muli. Humihigop ito ng sabaw. Nang ibaba nito ang bowl ay kita niya ang pagtaas nito ng dalawang kilay at ang ngiting kumawala sa mga labi nito.

He looked at her. Mabilis siyang nag-iwas at nagpatuloy sa pagkain.

"Kung gusto mo'ng malaman kung ano'ng hatol ko sa luto mo...masarap, Shirley. Hindi ko alam na nagluluto ka. At mas lalong hindi ko alam na masarap kang magluto."

Pinag-initan siya ng pisngi sa sinabi nito. Ngumuso siya para pigilan ang pag-ngiti, "Ang ingay mo. Kumain ka na nga lang diyan."

Humalakhak si Drake at hindi na muli pang nagsalita.

Sa kalagitnaan ng pagkain nila ay dumating ang Tita MJ niya. Mukha ito'ng hapong-hapo. Mabilis siyang kumuha ng plato at nagsandok para maka-kain na ito.

"Salamat, Shirley. Pasensiya ka na at dapat ako ang nag-aasikaso sa inyo. Abalang-abala talaga sa salon ngayon," hinging paumanhin nito.

"Ayos lang iyon, Tita. Malaki na ako," giit niya.

Ngumiti ito. "Oo nga, e. Naliligawan na, 'no Drake?"

Napaubo siya sa sinabi ng tiya niya. Natawa ito. At ang tinamaan ng lintik na si Drake ay nakitawa din sa sinabi ng tita niya. Napailing na lang siya at hindi na pinuna pa ang sinabi nito.

Napuno ng kuwentuhan sa mesa habang kumakain. Lahat ay dahil sa magiliw na pagku-kuwento ng tita niya at kay Drake na game na game na makinig dito. Napapa-ngiti na lang siya sa gilid dahil sa kuwentuhan at, siyempre, dahil mukhang nakuha kaagad ni Drake ang loob ng Tita MJ niya.

Of course, who wouldn't like Drake? He's smart and charming. Idagdag pa ang pagiging tunay nitong magiliw sa lahat ng bagay. Kita rito ang pagiging interesado sa kahit na ano'ng sabihin ng kausap kaya masarap ka-kuwentuhan.

Umalis din kaagad ang tiya niya matapos nilang magpang-himagas. Pinabili nila si Drake ng tigbe-benteng ice cream sa drug store na malapit. Matagal pa ngang nagtalo ang tita niya at si Drake sa kung sino'ng magbabayad.

"Hindi na puwedeng ligawan si Shirley kung ikaw ang magbabayad sa ice cream," sabi ng tiya niya. Ginamit siyang pang-argumento. Then she instantly won the battle when Drake didn't say anything.

Hindi nga niya alam kung mapapa-facepalm o matatawa sa mga ito.

Si Drake ang naghugas ng mga plato. Hindi na siya nakipagtalo pa dito dahil kita niya ang disappointment ni Drake kanina nang matalo sa debate nito sa kanyang tita kaya pinabayaan niya na lang.

Pagkatapos nitong maghugas ay nagsimula na sila sa pag-aaral. Hindi niya naintindihan ang ibang lessons nila nang ang teacher ang nagturo pero nang si Drake na ang nagpaliwanag ay agad niyang nakuha iyon.

Nakaka-distract nga lang minsan. Lalo na kung ilalapit ni Drake ang mukha nito sa kanya at maaamoy niya ang pinaghalong pabango at fabric conditioner ng damit nito. Her heart will beat really fast. Kailangang ulit-ulitin ni Drake sa kanya ang isang paragraph para lang ma-gets niya iyon.

Pakisabi Na Lang (A JaiLene Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon