Siniguro niyang hapon na siya aalis sa 'taguan' niya para makasigurong naka-uwi na talaga ang lahat ng kanyang kaklase. Ayaw niyang ma-kompronta ngayon sa rambol na nangyari sa pagitan nina Drake at Joaquin kanina.
Pumasok siya sa C.R. ng mga babae at tinignan ang sarili sa salamin. Her face was pale and her eyes were puffy and red from crying. Naghilamos siya. Ilang beses niyang binasa ng tubig ang mukha para mawala ang bakas ng kanyang pag-iyak.
Nang ma-kontento ay saka siya nag-ayos ng kanyang sarili. Pinunasan niya ang mukha ng dalang panyo saka sinuklay ang buhok. Kinagat-kagat niya din ang labi para naman hindi maputla iyon.
Lumabas siya pagkatapos at dumiretso sa cafeteria upang kumain ng lunch. Lagpas alas-dose na at nararamdaman niya na ang pag-aalburoto ng kanyang tiyan.
Hindi niya alam kung ano na ang nangyari kanila Drake. Na-suspend ba ang mga ito? Kailangan ba'ng ipatawag ang mga magulang? Hindi niya talaga maiwasang matakot at mag-alala kay Drake. Kung sa kanya lang ay ayos lang. Sanay siyang maparusahan.
Sana pala ay gumanti na lang siya. Kung gumanti siguro siya kay Joaquin kanina ay baka siya talaga ang nasa katayuan ni Drake at hindi ito. Kung siya iyong pumatol, baka siya ang mapaparusahan. Sana pala hindi niya na lang inisip ang pangko niya kay Drake. Hindi din naman nito naisip iyon, e.
Pinigil niya ang pag-iisip ng tungkol sa kanina nang maramdaman ang muling pag-iinit ng gilid ng mga mata. Nagiging iyakin siya masyado ngayong araw. Hindi niya akalain na magagawa siyang paiyakin ng pag-aalala niya kay Drake.
Mabilis na pagkain lang ang ginawa niya tapos ay lumabas na ulit doon upang umuwi.
"O, Lacsamana..."
Napatalon siya sa gulat nang marinig ang nagsalita. Napatingin siya sa kaharap at napabuntong-hininga nang makita na ang P.E. teacher lang pala niya na si Sir Bautista iyon.
Nakalimutan niyang pinapapunta nga pala siya nito sa faculty ngayong Biyernes para kausapin. Sa mga teachers niya ay ito lang ang walang binigay na special quiz para sa kanya.
"Sir," aniya. Wala pa siya sa huwisyo.
"Kanina pa ako naghihintay sa'yo. Nakalimutan mo ba'ng pinapapunta kita ngayon?" nasa tono nito ang pag-aakusa.
Nag-isang linya ang kanyang labi. "Sorry, Sir."
"Well, anyway. I have something to discuss with you. Let's go."
Sinundan niya si Sir Bautista na naglalakad. Pansin niyang sa halip na sa faculty room sila ng MAPEH department ay ang daan patungo sa gym ang kanilang tinatahak. Ano'ng araw nga ngayon? Biyernes?
Nakaramdam siya kaagad ng kaba. Paano kung naroon sina Drake sa gym at nagpa-practice ng basketball? Iyon ay kung hindi ito pinauwi ng maaga dahil sa nangyari kanina.
Pagpasok nila sa gym ay nakahinga siya ng maluwag nang masuyod ng tingin ang paligid at makitang wala doon sina Drake. Ang naroon ay ang cheering squad na nagpa-practice. Maingay ang mga ito.
Binalik niya ang tingin sa likuran ni Sir Bautista. Patungo sila sa malayo-layong bleachers sa maingay na grupo ng cheering team. Mula sa malayo ay nakikita niya na ang isang pamilyar na pigura.
"Mr. Jalbuena, I'm sorry for making you wait," ani Sir Bautista sa hindi inaasahang kasama nila.
Nagtama ang mga mata nila ni Benj. Mabilis siyang nag-iwas bago pa man niya makita ang pag-aakusa sa mga iyon. Sa ginawa ni Drake kanina ay parang may pinatunayan lang ito kay Benj.
"Sit down please," inilahad ni Sir Bautista ang upuan na kadikit no'ng kay Benj. Naupo siya doon nang walang sinasabi. "I have a proposition for the both of you to make up for the days you missed my class and for the grades you lost for failing to meet my requirements."
BINABASA MO ANG
Pakisabi Na Lang (A JaiLene Fanfiction)
FanfictionSa kabila ng pang-MMK na istorya ng kanyang buhay ay nanatiling kalog at maloko si Shirley. Ba't ba niya kailangang indain ang mga problema? Malulungkot lang siya. At wala na din namang magbabago kung iiyakan niya pa ang mga bagay na hindi niya na m...