Lumipas ang isang linggo nilang parusa hanggang sa matapos iyon. Pininturahan na lang nila ng puti iyong mga dingding. Nakakapagod kayang mag-tanggal ng pintura gamit ang basahan at thinner. Kaya iyon na lang ang ginawa nila. Wala na rin namang nagawa ang Tito Spencer niya at si Mang Ariel dahil tapos na.
Isang araw bago ang paparating na examination week nila ay nagpaalala ang tito niya sa kanya.
"Review for your exams, Shirley Faye. Kung iniisip mo'ng ibagsak ang mga tests mo upang hindi ko tuluyang ilipat ka sa pilot section sa susunod na taon ay burahin mo na. Magtatagal ka lang ng isang taon sa high school dahil sa 3-A kita ililipat."
Pinuno niya ang bibig niya ng pagkain no'n para pigilang mapasigaw sa frustration. 'Yung feeling na pina-plano niya pa lang talaga ay naunahan na siya ng tito niya!
Dumaan na lang din ang finals nila ng hindi niya namamalayan. Ang naaalala niya lang sa tatlong araw na examination days nila ay nakatunganga siya sa labas ng room nila. Ang ganda kasi ng panahon. Paano'y papalapit na ang summer kaya asul na asul ang langit at mataas ang araw.
Iyong test paper niya? 'Yun. Tulad ng dati ay napuno ng doodle at kung ano-ano'ng sketches sa likod. Kapag kasi wala na siyang maisagot ay ginuguhitan na lang niya ng kung ano-ano ang test paper niya para naman malibang.
Ang sama tuloy ng tingin sa kanya ng mga proctor.
"This is a test paper, Miss Lacsamana," anito na parang hindi niya alam. "Not scratch paper. Sagot ang inilalagay rito at hindi drawings."
Inikutan niya lang ito ng mga mata. Please. Nagmamalasakit lang naman siya. Ayaw niyang masayang ang papel na 'yon na blangko sa mga sagot niya. Well, iyong math lang naman talaga ang halos walang sagot. Sa ibang subjects ay nag-review naman siya ng mga isang oras.
And that's saying something dahil hindi pa siya nagsasayang ng isang oras sa pagre-review simula nang tumuntong siya ng high school.
Uwian na at nagtaka sila Marj nang nakalabas na sila ng gate ng school ay hindi pa siya humihiwalay para magtungo sa daan niya.
"Kanila Papa ako ngayon,"aniya.
Biyernes naman at bakasyon na rin. Kapag ganoon naman ay umuuwi siya. O kaya depende sa mood niya. Kahit naman mabuti sa kanya ang Tito Spencer at Tita Mary Jane niya at walang reklamo ang mga ito kung doon siya sa bahay ng mga ito mamalagi ay ayaw naman niyang abusuhin iyon.
"Bakit?" tanong ni Marj. "Dahil kay Mr. Pogi sa Jeepney? Iniiwasan mo?" binuntutan pa nito iyon ng tawa.
Napa-iling siya doon. Ikinuwento niya kasi sa mga ito ang tungkol doon sa lalaking pogi pero weird na dalawang beses na niyang nakakasabay sa uwian. Nahihiwagaan lang talaga siya sa isang iyon. Sinabi nga nila Marj na baka daw crush siya kaya imbis na maasar sa kanya ay naka-ngisi pa.
Agad-agad?
And please, nobody will like her at first meeting. Siya kasi iyong tipo ng tao na sa ayos pa lang ay makikita mo nang walang plano sa buhay. Iyong sumasabay lang sa agos. Iyong hindi seryoso at walang balak seryosohin ang mga bagay-bagay.
"Hindi ko kailangan iwasan iyon 'no. Hindi sa kanya ang terminal ng jeep na 'yon. Kung may dapat umiwas sa aming dalawa, siya iyon." Isa pa ay hindi na din naman niya ito nakakasabay nitong mga nagdaang mga araw.
"Pretty mo kasi, e, 'no!" sigaw nina Gia at Bianca sa kanya bago inalis ng mga ito ang kanyang cap upang guluhin ng matindi ang kanyang buhok.
'Di pa nakontento ang mga ito at kiniliti siya sa leeg. Humagalpak tuloy siya ng tawa at napa-upo pa sa sementadong kalsada. Malakas ang kiliti niya doon! Mga baliw talaga!
BINABASA MO ANG
Pakisabi Na Lang (A JaiLene Fanfiction)
FanfictionSa kabila ng pang-MMK na istorya ng kanyang buhay ay nanatiling kalog at maloko si Shirley. Ba't ba niya kailangang indain ang mga problema? Malulungkot lang siya. At wala na din namang magbabago kung iiyakan niya pa ang mga bagay na hindi niya na m...