CHAPTER 34

1.2K 38 12
                                    

DRAKE

Tumahimik ang buong classroom kaya napatingin siya sa pintuan. There, Shirley Faye Lacsamana walked in looking bored. Diretso ang tingin at tila walang pakealam sa mga matang sumusunod dito ng tingin.

Siyempre, nabigla ang lahat sa kanyang pagpasok. Para bang multo na bigla na lamang muling lumitaw.

"Wow, the devil's back. Aga mo'ng mag-sembreak, Lacsamana. July pa lang, a?" si Joaquin na naka-upo sa desk nito ang nagsalita.

"Drake..." tawag ni Allie upang kunin muli ang kanyang atensiyon. Naka-upo siya sa tabi nito habang iyong seatmate naman ni Allie ay nagtungo sa mga kaibigan nito sa likod.

"Hmm?" may pinag-uusapan sila kaninang movie ngunit hindi niya alam kung iyon pa rin ang topic hanggang ngayon.

"Sa tingin mo magugustuhan ni Belle ang make-up kit na ibibigay ko sa kanya?" malambing nitong tanong.

She'd been trying to tame his sister. Sinabi niya na kay Allie na hayaan na lang si Belle at siguro'y nangingilala lang pero gusto talaga nitong makuha ang loob ng kanyang kapatid.

"I think she's still too young for that. She just turned thirteen this year."

Impit na tumawa si Allie. May sasabihin sana ito ngunit ang ingay ng boses mula kay Mikaylla ay naka-agaw ng kanyang pansin. Nilingon niya si Mikaylla na naroon sa tapat ni Shirley.

"Alam mo ba ang nangyari sa Physics, ha? Alam mo ba kung ano'ng grade namin nang dahil sa katamaran mo?"

Hindi ito pinapansin ni Shirley. Kung nais nitong inisin si Mikaylla sa pamamagitan ng hindi pagbibigay ng atensiyon dito ay mukhang tagumpay ito.

"Ano nakikinig ka ba? Malas ka talaga kahit kailan! Sana hindi na talaga kita maging ka-grupo! Ikaw pa itong may ganang magyabang sa'kin no'n pero i-injan-in mo lang pala kami pagdating ng reporting!"

"My god, Reyes is such a war freak. Palengkera kahit kailan," si Erika iyon. Nanonood din ngunit nang mapagtantong hindi worth ng atensiyon nito ang nagaganap ay bumalik na sa pakikipag-usap sa katabi.

"Drake..." tawag sa kanya muli ni Allie pero hindi niya ito magawang balingan. His eyes stayed on Shirley. Nais niyang tumayo upang tulungan ito pero labis ang pagpipigil niya sa sarili. Naalala niyang may problema pa nga pala sila.

Mabilis ang sumunod na nangyari. Hinablot ni Mikaylla ang notebook na dino-drawing-an ni Shirley at ibinato iyon dito. Huminto si Allie sa pagkalabit sa kanya dahil siguro sa nakita.

He heard collective gasps. Ang mga mata ng mga kaklase niya ay kabado sa kung ano'ng susunod na mangyayari. Si Joaquin lang yata ang nadinggan niya ng tawa.

"Sige, Mikaylla!" he even cheered Reyes.

Shirley isn't the type who'll let things like this pass. Gaganti ito. Sigurado niya gaganti ito. Ngunit sa halip na iyon ang gawin ay tahimik nitong dinampot ang notebook. Sa pagkabigla niya at ng lahat, pinagpatuloy nito ang pagguhit na para ba'ng walang naganap.

He clenched his fist before exhaling. Hindi niya alam na kanina pa pala siya nagpipigil ng hininga. Binalingan niya si Allie na nasa kanila Shirley pa din ang mga mata, "Balik na ako sa upuan ko." paalam niya.

Tila wala sa sariling tumango si Allie sa kanya.

Naglakad siya patungo sa silya niya. Nandoon pa din si Mikaylla na siguro'y nabigla din kaya hindi kaagad nakapagsalita at naka-alis.

"Excuse me," aniya rito. Kung mauupo siya sa kanyang silya ay mapipilitan ito'ng umalis.

Tumabi si Mikaylla upang makadaan siya. Nang maka-upo ay nagtaas siya ng tingin dito. Umalis si Mikaylla doon na pulang-pula ang mukha.

Pakisabi Na Lang (A JaiLene Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon