"No."
Iyon ang tumataginting na sagot ng tito niya nang makiusap siya ditong huwag na lang ituloy ang plano nitong paglilipat sa kanya sa ibang section next year. She even made a bargain. Sinabi niyang gawing isang taon ang community service na parusa niya kung gusto talaga nitong magtino siya.
"Pero tito ayaw ko na po'ng mag-adjust pa! Nasanay na ako sa section na kinabibilangan ko. I have a lot of friends there..."
"The more reason I should transfer you to another section," walang gana nitong sabi habang may kung ano'ng binabasa sa laptop computer nito. Ang Tita Mary Jane niya ay nasa kusina na abala sa pagluluto ng kanilang hapunan.
Napabuga siya ng hangin. "Last year ko na lang sa high school, o. Ipagdadamot niyo pa ba sa'kin ang makapiling ko ang mga kaklase ko sa huling sandali?" pagda-drama niya ditong muli.
Inikutan lang siya nito ng mga mata.
"Kaya nga mas kailangan kitang ilipat," mariing sabi nito. "Fourth year ka na next year. Ga-graduate ka na at magko-kolehiyo. Hindi ako papayag na lalabas ka ng paaralan na walang natutunang kahit ano. Ayaw ko'ng maging salot ka sa lipunan."
Napahawak siya sa dibdib. "Ouch..." irap niya rito. "Kung makapagsalita naman kayo para ako'ng nagdo-droga. O kaya isa sa mga snatchers sa Quiapo o Divisoria."
"You need to learn some manners, young lady," sabi nito ngunit ang mga mata ay nakatuon sa screen ng computer nito. Nagsisimula na itong magtipa.
"I just want you to become a good person someday. Kaya kita dini-disiplina. Obviously, your own father can't do that to you. Halos hindi ka pansinin no'n. Kapag nagising naman sa kabilang panig ng kama at pansinin ka, bugbog at masasakit na salita naman ang ibinibigay sa'yo."
Napa-iwas siya ng tingin sa tiyo.
"Isa pa ay napag-usapan na namin ng iba mo pa'ng teachers ang tungkol dito. Pumayag na din silang paghiwa-hiwalayin kayong apat."
Doon siya muling napalingon sa tiyo, "Ibig mo'ng sabihin matagal niyo na itong plano?"
"Uh-huh. Nagkataon lang na nasangkot na naman kayo sa kalokohan ng mga kaibigan mo kaya napa-aga ang balita."
Ibig sabihin wala na pala talaga siyang magagawa? Kasi all this time iyon na talaga ang plano ng Tito Spencer niya sa kanila nina Marj? Napahilamos siya ng palad sa kanyang mukha.
"Bakit mo pa ba pinapahirapan iyang bata?" tanong ng Tita Mary Jane niya na nag-aayos ng mesa. Tumayo siya upang magtungo sa tabi nito at tulungan ito sa paghahanda ng hapag. "Kung gusto ni Shirley na manatili sa klase kung saan kumportable siya, 'di pagbigyan mo na..."
Tumango siya ng ma-drama sa sinabi ng kanyang Tiya.
"Hay, nako, naghanap lang ng kakampi iyang pamangkin mo," seryoso pa ding sabi ng kanyang tiyo. "Pero kahit na mahal na mahal kita, sweetheart, 'di ko ii-spoil ang batang iyan..."
Grrr!
Naramdaman na lang niya ang marahang paghaplos ng tita niya sa kanyang buhok. Napabaling siya dito at ang masungit na anyong ibinibigay niya sa tito niya ay napalitan ng lambot. Tita Mary Jane's like a mother she never had.
Ito na ang naging kapalit ng ina niyang umabanduna sa kanila noon ng ama niya at siyang dahilan kung bakit ni hindi siya matignan ng kanyang ama ng walang matinding poot sa mga mata.
She looks like her mother. Mula sa itim na itim at bagsak niyang buhok. Maputing balat at mamula-mulang labi. Ang bilugan niyang mga mata at hugis ng katawan. She's the spitting image of her mom.
BINABASA MO ANG
Pakisabi Na Lang (A JaiLene Fanfiction)
FanfictionSa kabila ng pang-MMK na istorya ng kanyang buhay ay nanatiling kalog at maloko si Shirley. Ba't ba niya kailangang indain ang mga problema? Malulungkot lang siya. At wala na din namang magbabago kung iiyakan niya pa ang mga bagay na hindi niya na m...