CHAPTER 64

1.2K 37 24
                                    

Nagpunta si Drake sa kanila kinabukasan. She tried to act normal as much as possible. Ayaw niyang may mahalata ito'ng kakaiba sa kanya. But Drake seemed to be bothered about something. At hindi niya na kailangang manghula para malamang siya iyon.

"You saw the box?" malumanay na tanong nito habang nilalaro ang kanyang buhok. Naka-upo silang dalawa sa sahig habang nakasandal sa sofa. Sa harap ay nagpe-play ang isang pelikula.

Lumunok siya saka tumango. Binalingan niya si Drake at ngumiti dito, "Thank you."

He smiled. But it didn't reach his eyes. "You're always welcome..."

Hinintay niyang banggitin nito ang tungkol sa nakasulat sa loob ng box at hindi nga siya nabigo, "So...what's your answer? Payag ka bang...maging date ako sa prom?"

Inabot niya ang pisngi ni Drake. He leaned to her touch. Parang pinipiga ang kanyang puso sa pagmamakaawang nakikita sa mga mata nito, "Oo naman..." she lied.

May naiisip na siyang plano. Papayag siyang maging date nito ngunit kapag mismong gabi ng prom na ay saka siya gagawa ng paraan para hindi makarating sa school at para mapilitan ito'ng si Allie na lang ang maging date.

Nadurog ang puso niya sa tuwa na nakikita niya sa mga mata ni Drake. Habang lumalaki ito'ng kasinungalingan niya ay mas lalo lang nagiging mahirap sa kanya na makasama ito.

Pagpasok niya nang Monday ay naramdaman niya na kaagad ang pagbabantay ni Erika sa bawat kilos niya. Kaya naman ginagawa niya ang lahat para lang iwasan na makasama si Drake sa school gaya ng nais mangyari ni Erika. Tuwing break time ay gumagawa siya ng dahilan para hindi sila magsabay. Ngunit tuwing uwian naman ay doon lang siya pumapayag na makasabay ito.

"Ano'ng ginagawa mo?" inis na sambit ni Erika nang mag-Biyernes muli. Kapag may P.E. lang sila malayang nakakapag-usap dahil madalas ay nasa paligid lang niya si Drake. "Akala ko ba nagkasundo na tayo?"

"Ginagawa ko naman, Erika. Lumalayo ako sa kanya."

"Lumalayo? Paglayo na ba ang tingin mo do'n? Hindi pa rin bumabalik si Drake sa grupo namin! He's still always with you!" duro nito sa kanya.

Sa likod nito ay ang tahimik na si Allie. Siguro ay natatakot na bigla na lamang niyang isiwalat ang tungkol dito at kay Benj. Pero hindi niya gagawin. Alam niyang hindi magugustuhan ni Drake oras na gawin niya iyon.

"Bumubuwelo lang ako, Erika."

"Pwes, dahilan mo! Napaka-walang silbi mo talaga. O baka naman hindi mo naiintindihan iyong sitwasyon? Ganyan ka ba kabobo? Kailan ba ulit-ulitin pa sa'yo?"

Umiling siya, "Naiintindihan ko."

"Gawin mo! Hindi 'yang puro ka salita. Mamaya magla-lunch kami sa bahay nina Allie. Dapat papuntahin mo si Drake doon dahil nandoon ang parents ni Allie. Naiintindihan mo?"

Tumango siya.

Naiwan siyang muling mag-isa doon nang lumabas na ang mga ito.

Humugot siya ng malalim na hininga at kinalma ang sarili bago lumabas ng locker. Pinag-iisipan niyang umalis muli pero baka maulit na naman iyong nangyari noong isang linggo. Ngayon pang medyo mabuti na ulit ang mood ni Drake.

Paglabas niya ay nabigla siya nang makita na nasa labas si Drake at naka-abang sa kanya. Kinabahan siyang baka may narinig ito pero nawala din iyon nang unti-unti ito'ng ngumiti.

"Sabay na tayo?" anito habang naglalakad palapit. Pinagsalikop nito ang mga kamay nila bago nito iyon dinala sa labi nito upang halikan.

Pagbaba ni Drake ng mga kamay nila ay bumitiw siya. Ngumiti siya upang pagtakpan ang ginawa. "S-Sige. Tara na?" nagpatiuna siya sa paglalakad.

Pakisabi Na Lang (A JaiLene Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon