CHAPTER 65

1.1K 37 57
                                    

Halos sabay nang dumating ang tito at tita niya. Masaya pa ang tita niya nang mauwi ngunit nang siguro ay madama ang bigat ng tensiyong namamayani sa kanila ng kanyang Tito Spencer ay nagsimula na ito'ng magtanong.

Sinabi niya dito ang nangyari. Nakamasid ang Tito Spencer niya sa kanya habang inuulit niya ang kuwento sa harapan ng kanyang Tita.

"Diyos ko..." bulong ng tiya niya habang hinahaplos ang leeg nito.

"Hindi nga ba ikaw ang tunay na may kagagawan no'n?"

"Spencer!" sigaw ng tita MJ niya dito.

Pumikit siya ng mariin. Napapagod na siyang paulit-ulit na magpaliwanag pero kung iyon ang kailangan upang maniwala ang lahat sa kanya ay gagawin niya, "Hindi ko ginawa iyon tito. Maniwala ka sa'kin. Wala ako'ng dahilan para gawin iyon!"

"Pero nagawa mo kay Joaquin noon hindi ba?"

Napanganga siya sa sinabi ng tito niya. Iyong kay Joaquin? Paano nito nalaman?

"Drake told me about that the day after the incident," blangko nitong sabi.

Of course, Drake. Bakit ba siya naniwala noon na hindi ito magsusumbong sa kanyang tito?

Bumagsak ang kanyang balikat. Drake won't stand up for her in this case. Doon si Drake sa tama. At hangga't hindi napapatunayan sa kasong ito ang tunay na may sala, wala sa panig niya si Drake. Kung kanina'y iniisip niya pang baka kampihan siya nito, baka ipagtanggol siya nito, gumuho na ang pag-asang iyon ngayon.

"Iba 'yong kay Joaquin, Tito. May kasalanan siya sa'kin. Pagkatapos no'ng pandadapa niya sa'kin noong unang araw ng klase, paulit-ulit niya ako'ng in-insulto. Pero si Allie wala siyang atraso sa'kin. Wala ako'ng rason para saktan siya," nanghihina niyang sinabi.

"Si Drake..." sabi ng tito niya na para bang sapat na ang pangalan na iyon bilang rason.

Umiling siya. "Tito, matagal na ako'ng may gusto kay Drake. Inaamin ko, sila pa ni Allie no'n. Kung galit ako kay Allie dahil nagse-selos ako o nai-inggit sa kanya, sana noon ko pa siya ginawan ng masama hindi ba? Noong hindi pa kami ni Drake?"

"Pero niyaya ni Drake si Allie noong prom. Magkasama silang dalawa noon. Iyan ang sinabi ni Ma'am Buenaventura sa'kin na itinuturong dahilan ni Erika ng pagse-selos mo?"

"That was weeks ago!" bumagsak ang luha sa kanyang mga mata.

She can't believe her tito! Talaga bang naniniwala ito'ng gagawin niya iyon? Oh, yes. She had done things before. Pero...nailing na lamang siya. Ito na ang kapalit ng lahat ng kalokohan niya noon. She's like the boy who cried wolf. Nobody wants to believe her stories anymore.

"At ako ang nagsabi kay Drake na yayain si Allie doon!"

Niyakap siya ng kanyang Tita MJ. Hindi na siya makapagsalita sa dami ng luhang pumapatak sa mga mata niya. "Spencer tama na." nabasag ang boses ng tiya niya. "Maniwala ka kay Shirley. Hindi niya na magagawa iyon. Hindi mo ba nakita ang pagbabago sa kanya dahil kay Drake?"

Nanatiling tikom ang bibig ng kanyang tiyo. Naiintindihan niya ang kagustuhan nitong lutasin ang kaso nang hindi nagiging biased dahil pamangkin siya nito. Pilit niyang iniintindi iyon. Pero hindi niya maiwasang masaktan.

Nasa ospital pa din daw si Allie. Iyon ang balita sa kanya ng kanyang tiyo. Matagal pa bago naging conscious ito dahil sa lakas ng impact ng balde sa ulo nito. Kailangan na magdaan sa napakaraming pagsusuri upang masiguro na walang malalang injury na naidulot sa ulo ni Allie.

"Drake's in the hospital with Allie's parents," iyon ang panghuling sinabi ng kanyang tiyo.

Sinikap niyang magpakamanhid pero kahit ano'ng isip niya na walang malisya iyon ay matindi ang hapdi sa kanyang puso. She needs Drake right now. Gusto niyang magsumbong kung gaano kabigat ang nararamdaman niya pero hindi niya magawa dahil wala ito. Dahil hindi niya alam kung maniniwala ba ito.

Pakisabi Na Lang (A JaiLene Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon