CHAPTER 51

1.1K 39 9
                                    

DRAKE

Bigo na naman siyang yayain si Shirley na makasabay sa pag-uwi ngayong araw. May gagawin daw. Sa mga sumunod na araw ay ganoon pa rin ang dahilan nito. O kung hindi naman ay bigla na lamang mawawala na parang bula.

He's really close to thinking that she's avoiding him on purpose. Kung hindi lang niya iniisip na wala namang dahilan si Shirley para gawin iyon ay baka isipin niya na talagang iniiwasan siya nito.

Pero bakit nga? Ano ba iyong mahalagang bagay na pinagkaka-abalahan nito at kahit iyong simpleng pakiusap niyang makasabay ito sa pag-uwi ay hindi nito mapagbigyan? Mas mabuti pa pala noon dahil halos araw-araw ay nakakasabay niya ito sa jeep.

Biyernes ngayon at mukha na namang nagmamadali si Shirley na maka-uwi. Pasimple niyang inayos ang kanyang gamit kasabay nito. Hindi na siya magpapaalam kay Shirley habang nasa room sila dahil nasisiguro niyang tatakasan lang siya nito ngayon.

Nang lumabas si Shirley ay doon lamang siya naglakad upang sundan ito. Napangiti siya nang makitang mukhang didiretso ito pauwi dahil hindi nagtungo sa building kung saan ang classroom ng mga kaibigan.

Doon siya nagmadaling maglakad para umagapay dito. Nang medyo makalapit ay humugot siya ng malalim na hininga at sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri. Tinuwid niya din ang suot na uniform saka nagpanggap na naglalakad-takbo muli para makalapit.

"Shirley, sandali. Sabay na tayo," aniya habang medyo nahuhuli pa sa likod nito.

Tumingin si Shirley sa kanya na bakas na bakas sa anyo ang gulat. Pasimple siyang ngumiti sa sarili nang sa wakas ay makatabi na ito sa paglalakad.

"Bakit uuwi ka? Wala ba kayong practice, Drake?" tanong ni Shirley sa kanya na inaasahan niya na.

Madalas naman talagang may practice ang basketball team tuwing Friday. Kaya nga noon ay hindi sila masyadong nagkakasabay ni Shirley kapag Biyernes. Sa katunayan niyan ay may practice talaga sila ngayon pero mamaya pa naman iyon kaya sasabay na muna siya.

Wala siyang pakealam kahit na mag-triple pa siya ng pamasahe basta makasama lang ito.

"Mamaya pang three. Uwi na muna ta—ako."

Napayuko siya ng bahagya ng sabihin iyon. Sana lumusot itong excuse niya.

Ilang sandaling binalot sila ng katahimikang dalawa. Doon siya lumingon kay Shirley. Nagtama ang mga mata nila. Nakatingin pala ito sa kanya!

Napaiwas siya ng tingin nang sipain ang dibdib niya ng matinding kaba. Is this how it supposed to feel when you're looking in the eyes of the person you're in love with? Parang magic. Hindi niya ma-explain ang nararamdaman.

""May...pupuntahan pa kasi ako, e."

Agad namang gumuho ang mundo niya sa narinig mula dito. Napalingon siya kay Shirley. Now she's looking straight. "Saan na naman?"

Hindi niya sinasadya na lumabas ng ganoon ang mga salitang iyon. It's just that...these past days were really frustrating. He wants to be with her but she seems so busy with whatever that is! Hindi ba talaga siya puwedeng sumama doon? Hindi ba nito puwedeng sabihin man lang?

Ano ba ang pinagkaka-abalahan nito!

Nakasimangot na lumingon si Shirley sa kanya, "Ano'ng tono naman 'yan Drake?"

Napakurap siya nang tila sampalin ng mga salita nito. Para na rin nitong sinabi sa kanyang wala siyang karapatang magtanong dahil labas siya sa buhay nito. Nag-iwas siya ng tingin kay Shirley at napabuga ng hangin.

Pakisabi Na Lang (A JaiLene Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon