Nagkatinginan sila ni Marj sa sinabi ni Sebastian.
Ibinalik niya ang pansin dito, "How did you know me?"
"You're this year's Miss Intrams, right?" seryoso pa din nitong sabi.
Ah, iyon naman pala. "Yeah, she is!" sagot ni Marj na may malapad na ngiti sa mga labi. "Alam mo ba? Kaklase namin ito'ng si Shirley sa Section F simula first year pero ngayon ay nasa Section A na 'to! Nakakabilib 'di ba?"
Gusto niyang sampal-sampalin si Marj dahil sa pinagsasasabi nito kay Sebastian. Well, the guy seemed unimpressed though. Parang gusto niyang gatungan ang mga papuri ni Marj para sa kanya.
"That's not surprising. Kung ang kamag-anak mo ay isa sa may matataas na katungkulan sa school, kahit saang section ka siguro ilipat ay posible," anito na hindi man lang kumurap.
Natahimik sila ni Marj sa sinabi ng lalaking ito. Ang yabang! Kahit na totoo naman ang sinabi nito na ginamit lang ng tiyo niya ang kapangyarihan nito para ilipat siya sa section A ay nabubuwisit pa rin siya dito!
Aambaan na sana niya ito ng sapak nang pigilan ni Marj ang kanyang braso, "Tara na sa loob? Naghihintay na sila doon. Tara na, Shirley." Baling nito sa kanya. Sinenyasan siya nito gamit ang mga mata.
Bakit ba nandito ang lalaking ito? Kaibigan na ba ito nina Paul? Puwes, dapat na nila ito'ng alisin dahil hindi niya gusto ang aura ng isang ito! Masyadong mayabang at pa-bida!
Nakasimangot siya habang tinutunton ang kuwartong nilabasan ni Marj kanina. Nauuna ito'ng maglakad kaya silang dalawa ng mukhang ex-convict na si Sebastian ang magka-agapay sa likod nito.
Pasimple niya ito'ng tinignan sa gilid ng kanyang mga mata.
Nakahalukipkip ito. Kita niya sa kanang braso nito ang dulo ng sa tingin niya'y tattoo. Hindi niya alam kung paanong nakapasok ang isang tulad nito sa St. Thomas. Mukhang pasaway sina Paul, oo, pero wala namang piercings at mas lalong walang tattoo ang mga ito!
"It's rude to stare."
Bahagya siyang napalundag nang magsalita ito. Napalingon siya kay Marj na tumingin sa kanilang dalawa ni Sebastian. Ibinalik niya ang tingin dito.
"You're staring at me a while ago," balik niya.
Lumingon na ito ng tuluyan sa kanya, "Nagtataka lang kasi ako..."
Kumunot ang kanyang noo sa sinabi nito. "Nagtataka saan?"
"Nagtataka ako kung bakit ikaw ang nanalong Miss Intrams. You're not that pretty."
Umakyat yata ang lahat ng kanyang dugo sa ulo! Did this jackal really tell her that?! Susugurin niya na sana ito nang pumagitna na naman si Marj. Natatawa ito kahit na kitang inis na inis na siya!
"Did you hear that, Marj?" tanong niya sa kaibigan. "Bakit ba kasi nandito 'yan?! Kaibigan niyo ba 'yan, ha? I want to talk to Paul! Now!"
"Calm down, Shirley! He's just joking!" tumatawa nitong sinabi.
Nagpumiglas siya sa kapit ni Marj sa kanya at nagmartsa dire-diretso sa loob ng VIP Lounge. May tatlong billiard pool sa loob no'n. May mga couches, mesa at silya sa paligid at may sarili pang bar at platform sa gilid kung saan may musical instruments.
Hinanap niya si Paul. Natagpuan niya ito'ng naglalaro ng darts. Sa isang couch ay sina Marco, Igi at CJ na may akbay-akbay na mga babae. May ilan pang taga-Section F na naroon at mga babaeng hindi niya alam kung saan nagmula.
"Paul!" sigaw niya dahilan para lumipat sa kanya ang pansin ng lahat.
Naka-ngiting bumaling si Paul sa kanya. "Hello—"
BINABASA MO ANG
Pakisabi Na Lang (A JaiLene Fanfiction)
FanfictionSa kabila ng pang-MMK na istorya ng kanyang buhay ay nanatiling kalog at maloko si Shirley. Ba't ba niya kailangang indain ang mga problema? Malulungkot lang siya. At wala na din namang magbabago kung iiyakan niya pa ang mga bagay na hindi niya na m...