Sila Marj ang nagpaalam para sa kanya. Pumayag ang kanyang Tita Mary Jane dahil ang sinabi ng mga ito ay magmo-movie marathon lang sila sa bahay nina Marj. Alam niyang gusto lang din ng Tita Mary Jane niya na mag-enjoy siya para makalimutan ang lahat ng nangyari kaya ito pumayag.
Kulay gray na tank top, itim na skinny jeans at itim na Doc Martens ang sinuot niya. Simple pa nga iyon sa mga ayos nina Gia, Marj at Bianca. Ang buhok niya ay hinayaan niya lang na nakalugay.
Nilagyan niya din ng concealer ang mga pasang nakikita pa. Ayaw naman niyang masyadong balutin ang sarili kaya ito ang sinuot niya. Sinuot niya din ang paborito niyang pulang cap saka sila umalis.
Hindi naman ganoon kalayo ang bahay nina CJ mula sa kanila. Lalo pa't dala nina Marco at Paul ang kanya-kanyang kotse. Doon siya kay Marco sumabay dahil maingay doon kanila Paul. Sa passenger seat siya naupo dahil nasa backseat na sina Igi at CJ.
"Periodical exams na pala this week, 'di ba?" ani Marco sa kanya.
Sinapo niya ang mukha. Nawala iyon sa isip niya, "Oh, shit."
Tumawa si Marco sa naging reaksiyon niya. "What's with your reaction, Shirley? Noon pa naman hindi na tayo nag-aalala sa test."
"May motto nga tayo na 'Bahala na si Batman'," tawanan nina CJ sa likod.
"Hindi ba kayo nag-aalala na hindi maka-graduate?" tanong niya sa mga ito.
Ngumisi si Marco, "That's not going to happen. Sinigurado na ni Paul iyon."
Bakit ba siya nakakaramdam ng mali sa mga naririnig sa mga ito? Ganito din naman siya noon 'di ba? Hindi nag-aaral. Iyong test days ay parang ordinaryong mga araw lang. Pero ngayon nakakaramdam siya ng kaba na baka bumagsak siya.
Is she becoming one of the know-it-alls already? Nakakapangilabot.
"Huwag niyo na ngang pag-usapan iyong exams! Tingnan mo namumutla na si Shirley. Alam mo namang pilot section na 'tong kaibigan natin, e." tinapik ni CJ ang balikat niya. "Magpa-party lang tayo ngayon. Iyon lang. Tapos!"
Nakisakay na lamang siya sa mga ito. Ito naman ang dahilan kung bakit siya sumama hindi ba? Ang makalimutan ang problema. Ang bumalik sa dating siya. Kung iisipin niya ang mga prinsipyong unti-unti niyang na-a-adopt kay Drake ay hindi posibleng bumalik siya sa dati.
Huminto ang sasakyan sa labas ng bahay nina CJ. Bumaba na sila. Sa unahan ay bumababa na din sila Marj mula sa kotse ni Paul. Hindi lamang sila ang bisita pero sila ang pinaka-malaking grupo.
"Talagang sumama ka pa sa pagsundo sa'kin. May mga bisita ka na pala dito," kausap niya kay CJ.
"Wala naman sila kanina, e."
Dahil wala naman gate ang bahay ay kita ang mga kaganapan sa tapat. May mga mesa na okupado na ng mga bisita, may videoke machine kung saan may kumakanta at isa pang mahabang mesa na puno ng mga pagkain.
Binati si CJ ng mga naroon. Mga grade school friends nito at ilang kalaro ng basketball o kakilala. Naupo siya sa mesang pinagtabi-tabi nina Paul para sa kanila. Ito ang katabi niya. Sa kabilang gilid naman nito ay sina Marj.
Nilapitan sila ng tiya ni CJ na siyang nagpapa-aral dito at kinumusta isa-isa habang si CJ ay nasa ibang mesa pa.
"Bakit hindi pa kayo kumuha ng pagkain?" tanong nito sa kanila.
"Nakakahiya po kasi," si Paul ang sumagot.
Natawa siya at binatukan ito. Ganoon din ang ginawa ng iba pa dahil sa sinabi nito. Si Paul Salas mahihiya? "Iba ang lokohin mo, Paul. 'Wag kami!"
BINABASA MO ANG
Pakisabi Na Lang (A JaiLene Fanfiction)
FanficSa kabila ng pang-MMK na istorya ng kanyang buhay ay nanatiling kalog at maloko si Shirley. Ba't ba niya kailangang indain ang mga problema? Malulungkot lang siya. At wala na din namang magbabago kung iiyakan niya pa ang mga bagay na hindi niya na m...