CHAPTER 9

1.2K 52 38
                                    

Nasa may tagong parte sila malapit sa gate ng school. Ngayong araw na niya sisimulan ang pambu-bully kay Drake at naroon si Marj bilang saksi. Napagkasunduan nilang huwag sabihin kanila Gia at Bianca ang tungkol sa plano nila dahil nasisiguro nilang sa pagitan nila at ni Drake, kay Drake ang loyalty ng mga iyon.

"'Yan lang?" natatawang tanong ni Marj habang nakaturo sa bond paper na hawak niya na may nakasulat na 'PAKISS AKO KOYA'.

"Ano'ng ito lang? Hindi ito basta nila-'lang' 'no."

Nothing beats the classic, they say. Ilalagay niya ito sa likuran ni Drake mamaya pagdating nito. Nasisiguro niyang mapagkakatuwaan si Drake dahil malayo-layo pa naman mula sa gate ang building kung saan ang room nila.

Umiling si Marj. "I think you're holding back."

Napa-ikot siya ng mga mata kay Marj. Heto nga't pagkakatuwaan na niya si Drake hindi ba? Ano pa ba'ng ebidensiya ang nais nito para lang mapatunayan niya na hindi niya gusto si Drake? Na kahit sa imahinasyon niya ay hindi niya nagustuhan ito?

Well, he's cute.

And he's nice.

And—Ba't pinupuri ko 'yon?

"Just watch, okay? Isa pa hindi lang ito ang hinanda ko para sa kanya." napabungisngis siya nang maalala ang mga larawan na ipinost niya sa bulletin board sa buong campus habang hinihintay si Marj kanina.

Picture ni Drake iyon habang akbay-akbay si Joaquin upang balutin ito ng tuwalya. Nagpakahirap pa siya sa paghahanap no'n sa ilang Friendster account ng mga ka-eskwela nila. Mabuti na lang at may nahanap siyang magandang kuha.

"He's here..." bulong ni Marj sa kanya.

Tumingin siya sa direksiyong tinitignan nito at doon ay nakita niya nga ang papasok na si Drake. His face is serious. Siyempre, alangan namang naka-ngiti ito o nakatawa pero wala namang kasama. Napansin niya ang pagpukaw nito ng atensiyon ng ilang estudyanteng pumapasok din sa St. Thomas.

"Guwapo niya ha. No wonder you don't want to touch him."

Binatukan niya si Marj pero tumawa lang ito. "Una na ako. Diyan ka lang sa likod. Just watch and learn."

Umalis na siya sa pinagtataguan nila at sumunod sa paglalakad kay Drake. Damn her heart is beating so fast. Kinakabahan siya! Bakit ba siya kinakabahan? She's been doing this for years! Mas malala pa nga sa pagdidikit ng note sa likod ng isang tao ang mga nagawa niya noon!

Bago tumabi kay Drake ay lumingon muna siya sa kanyang likod. She saw Marj smiling devilishly. Loka-lokang 'to.

Humarap na siyang muli kay Drake at humugot ng malalim na hininga.

One...two...three...

"Uy, Drake!" bati niya sabay dikit ng note sa likuran nito.

Napalingon si Drake sa kanya. Napangiwi siya ng mahagip ng kanyang mga mata ang sugat sa gilid ng labi nito na sanhi no'ng pagkakasapak niya kahapon. Parang gusto niya tuloy umatras sa usapan nila ni Marj dahil sa nakita.

"Shirley, good morning," naka-ngiti pa ring bati nito.

Napipilan na siya. Hindi na niya alam kung ano ang sunod na sasabihin niya. Gusto niyang tanungin ito kung masakit ba iyong ginawa niya pero sa tingin niya ay iyon na ang pinaka-estupidang tanong sa lahat. Pumutok ang gilid ng labi ni Drake, natural nasaktan ito!

Hinawakan niya ang strap ng bag niya at bumaling sa harapan. Dapat aalis na siya ngayon para iwan itong mag-isa pero hindi siya makahanap ng lakas para tumakbo.

Pakisabi Na Lang (A JaiLene Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon