CHAPTER 28

856 37 4
                                    

Matapos umalis ni Drake ay panay ang tanong nina Marj sa kanya tungkol sa nangyari. Of course, they could see it in her face that something really happened. Napapa-isip at naguguluhan siya sa mga naging pahayag ni Drake sa kanya.

"Uwi na ako," anunsiyo niya sa mga kaibigan. Dinampot niya ang kanyang mga gamit sa mesa.

"Ha? 'Di pa tapos ang party! Ano ba kasi ang sinabi no'ng Lagdameo na 'yon? Huwag mo ngang pakinggan ang gagong iyon!" ani Paul.

"Masyado nang mayabang ang Lagdameo na 'yun, a. Sarap turuan ng leksiyon," sabi naman ni Igi.

Sinimangutan niya ang mga ito. Marj, maybe sensing her mood, smacked them both in the head, "Magtigil na nga kayo! Ano ba'ng pakealam niyo sa sinabi ni Drake kay Shirley? Ipagpatuloy na lang ang party! Pauwiin na natin ito'ng si Shirley dahil baka hinahanap na 'to ng tita niya."

Sa huli ay wala nang nagawa sina Paul kung hindi ang pabayaan siya. They even asked her for a ride ngunit tumanggi na siya. Gusto niya munang mapag-isa kaya magco-commute siya.

Habang sakay ng jeep ay bumalik sa kanya ang mga ala-ala ng nangyari kanina. Nabigla siya sa mga sinabi ni Drake tungkol sa kanya. Iniisip talaga nitong hindi ang tunay na Shirley ang ipinapakita niya sa mga ito? Na mabait siya? Na matalino? Na magaling?

Where did he get those ideas? Bakit naman nito iyon iisipin? Nakakabigla lang na sa kabila ng lahat ng ipinapakita niya ay may taong mag-iisip ng mabuti sa kanya. That's so Drake.

At iyong kuwento nito sa kung paano talaga sila unang nagkakilala. She saved him before? Hindi niya maalala. Sa dami ng nakasalamuha niya at sa tagal ng panahon paano niya maaalala?

Although, no'ng unang beses niya itong nakasabay sa jeep ay minsan niya nang naisip na pamilyar ang mukha nito. Pero siguro dahil nakikita niya na ito sa school o nakakasabay sa terminal ngunit hindi niya pinagtutuunan ng pansin?

Napa-buntong-hininga na lang siya. Hindi niya alam kung pang-ilan na iyon hanggang sa makarating siya sa kanila. Naabutan niya ang tiyong nanonood ng TV sa sala habang may laptop sa kandungan nito.

Ang Tiya niya naman ay nasa gilid nito. Maraming box ang nagkalat sa sahig. Nang maki-usyoso siya ay nakita niyang iba't-ibang brand iyon ng shampoo, conditioner at kung ano-ano pa'ng para sa buhok at pagpapaganda.

Oo nga pala. Unti-unti nang sinisimulan ang salon nito.

"Kumain ka na, Shirley?" tanong ng kanyang tiya.

Her uncle adjusted his eyeglasses as he looked at her and waited for her answer.

Tumango siya sa mga ito. "Tapos na tita."

Ngumiti ito sa kanya, "Sige na, hija. Magpahinga ka na sa kuwarto mo."

Tinanguan niya itong muli.

"Ah, Shirley..."

Napahinto siya sa paglalakad nang madinig ang pagtawag ng kanyang tito sa kanya.

"Tito?"

"Naka-usap ko na ang mga teachers mo para i-excuse ka at bigyan ng special quizzes para makabawi. Hindi ko sinabi ang mga nangyari, ang ipinakita ko lang ay medical certificate mo kaya huwag kang mag-alala. Puntahan mo sila sa Monday para dito."

"Okay, tito."

Pumasok siya sa kuwarto niya nang wala na itong sasabihin.

Ini-lock niya ang pinto saka dumiretso sa banyo upang maglinis ng katawan at magpalit ng damit. Nang matapos ay basta na lang niyang ibinagsak ang katawan sa kama. Akala niya magiging magaan na ang pakiramdam niya oras na makaligo at makapagpalit pero hindi pa rin pala.

Pakisabi Na Lang (A JaiLene Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon