Sa sumunod na linggo ay nagsimula na ang Intrams.
Iba ang aura ng paligid kapag ganitong may kaganapan. Walang regular classes dahil sa iba't-ibang events na magaganap ngunit required ang panonood at pag-suporta sa representative ng bawat section o year level.
Kapag ganito ay hindi na sila pumapasok nina Marj. Minsan magmo-movie marathon sila sa kung kaninong bahay ang available o kaya ay maghapon sa mall para tumambay.
Pero ngayon ay nasa school siya. Kahit sila Marj.
Sinabi ng mga ito sa kanya na kasali pala sila Paul, Igi, Marco at CJ sa basketball game na gaganapin sa umaga kaya nayaya siyang manood. Sumama na siya kay Marj dahil naka-grupo din naman ang Section A sa kanya-kanyang kaibigan ng mga ito sa panonood ng mga laro.
"Go Paul!" hiyaw niya kasama nina Marj. Kalaban ng mga ito ang isang team ng mga juniors para sa basketball.
Speaking of basketball, hindi niya pa nakikita sila Drake na maglaro. No'ng Monday ay may schedule ito ng laro ngunit hindi siya nanood. Sigurado kasi siyang nandoon sila Allie. At kung saan nandoon sila Allie ay paniguradong nandoon din si Benj.
Baka iba na naman ang isipin nito kapag nandoon siya para suportahan si Drake. And Allie will be there so it will be really awkward. Bahala na ito'ng suportahan si Drake. Ito'ng sina Paul na lang ang itsi-cheer niya tutal ay wala namang problema kung gawin niya iyon.
Dumaan ang mga araw na halos naubos niya lang din sa pagpa-practice para sa Miss Intrams kaya wala na talaga siyang balita sa mga nagaganap na laro. Bakit niya pa iintindihin iyon gayong may sariling laban siyang kailangang pagtuonan ng pansin.
Ngayong Thursday na at bukas na ang Miss Intrams ay parang gusto niyang himatayin sa sobrang kaba. Bukas na. Bukas na talaga. Kung noon ay parang wala pa rin sa kanya ito, ngayon ay saka pa lang tuluyang nagsi-sink in sa kanya.
Mababaliw yata siya sa labis na pressure!
"Shirley! Lambutan mo pa ang galaw mo! 'Yan ka na naman! Akala ko ba'y maayos na tayo ngayon! O, Barbie! Bakit nalilihis ka na naman sa pila? Sabi ko ay sundan mo lang si Cathy 'di ba?"
Patuloy ang pagtalak ng baklang choreographer nila. Mukhang kahit ito ay nate-tensiyon na rin para sa big day bukas.
"O, ready ka na ba, Lacsamana?" tanong ng kanyang P.E. teacher nang mag-water break sila.
Gusto niyang sabihing hindi dahil sa totoo lang ay hindi pa talaga! Hindi niya alam kung ready na ba talaga siyang rumampa bukas at magpo-project-project. Sa tanang buhay niya ay ngayon lang niya iyon gagawin at sisiguruhin niyang hindi na talaga ito mauulit!
"Sir, basta iyong grade ko ha!" sabi niya dito.
"Oo na! Napag-usapan natin 'yan. Basta ba't galingan mo bukas at ipanalo mo ang title. Talunin mo iyong si Imperial..." mas mahina ang boses nito habang naniningkit ang mga mata kay Barbie na kasalukuyang kausap naman ang sariling teacher. Na mukhang binabae din.
"H-Ha? Siya talaga?"
"Oo! Ilampaso mo. Para hindi magyabang ang Ferrer na 'yan sa akin. Ka-imbiyerna, e."
So, ito pala iyon. Kaya pala mukhang napaka-dedicated ng kanyang guro sa pagsali niya sa Miss Intrams ay para pala may mai-pagmalaki sa kalabang teacher nito. Wow. Siya pa talaga ang naipit.
Nagpatuloy ang maghapong practice. Kanina pa ito'ng alas-otso ng umaga nagsimula pero hanggang ngayong alas-tres ay nagpa-practice pa din sila.
"One hour break! Tapos ay uwi na ng mga five para maghanda bukas!" anunsiyo ni Kuya Lester.
BINABASA MO ANG
Pakisabi Na Lang (A JaiLene Fanfiction)
FanfictionSa kabila ng pang-MMK na istorya ng kanyang buhay ay nanatiling kalog at maloko si Shirley. Ba't ba niya kailangang indain ang mga problema? Malulungkot lang siya. At wala na din namang magbabago kung iiyakan niya pa ang mga bagay na hindi niya na m...