Second to the last subject nila nang ipatawag siya ng Tito niya mula sa room. She's half expecting this actually. Alam niyang kukunin ang panig niya sa istorya dahil siya ang nasa tuktok ng listahan ni Joaquin na maaaring gumawa no'n. Hindi ito nagkakamali.
Nang marating niya ang Principal's office ay naroon na si Joaquin at ang ina nito. Isang matankad, balingkinitan at maputing babae na may tsinitang mga mata. Mukha itong aktres dahil sa ganda ng mukha at ng kutis.
"Siya ba iyon? Ha? Anak?" tanong nito kay Joaquin pero nananatili ang tingin sa kanya.
"Yes, mommy. That's her," sumbong ni Joaquin sa nanay nito.
What a baby, she thought. Hindi pumasok si Joaquin ng klase kaya hindi ito nakasuot ng uniporme. Walang pinagbago sa anyo nito. Mukha pa rin itong batang hindi napakain ng am.
"What am I doing here?" tanong niya sa mga ito saka sumalampak sa couch na nasa malayong panig nina Joaquin.
"Ikaw ang may pakana noong nangyari sa'kin noong Biyernes! Umamin ka na, Shirley!" sigaw ni Joaquin sa kanya.
Tinaasan niya ito ng kilay pero hindi niya pinansin. Bumaling siya sa kanyang tiyo na maingat siyang ino-obserbahan. Everyone thinks she did it. It's true anyway. Ang kailangan lang ng mga ito ay ebidensiyang magdidiin sa kanya.
"Sinabi ko na. Hindi ako ang may pakana no'ng nangyari," it really feels shit to lie over and over again but she has to do it. Hindi lang siya ang sabit dito, pati sila Marj na dinamay niya lang din dito ay mapapahamak.
"Sinungaling! Ikaw ang may kagagawan no'n! Kasi dinapa kita noong unang araw ng klase at tinawag na 'stupid'—"
Natigilan din si Joaquin sa ibinulalas nito. Mula sa kanya ay lumipat ang tingin ni Principal Spencer dito. Maging ang ina ni Joaquin ay tumingin dito na parang hindi makapaniwala.
Nilingon niya ang kanyang black shoes at inalis ang ilang dumi na naroon.
"Ano'ng sinabi mo, Joaqy?" mas mahinang tanong ng ina nito dito.
"K-Kasi m-mommy..."
"Mr. Joaquin, you did that?" ang baritonong tinig ng kanyang Tito naman ang nagtanong. Hindi nito mapapalampas ang nalaman nasisiguro niya. Hindi lamang iyon dahil pamangkin siya nito pero dahil wala itong patawad sa mga alam nitong nagkasala.
"S-Sir...kasi...pero. Hindi naman po iyon ang pinag-uusapan dito! Ang pinag-uusapan dito ay iyong nangyari noong Biyernes na—"
"Wala kang ebidensiya," putol niya kay Joaquin. "Hindi mo puwedeng sabihin na ako ang may kagagawan no'n, Joaquin. You need to prove it. Pero hindi mo magawa hindi ba? Pero may ebidensiya ako na ikaw ang namatid at nang-insulto sa'kin noong first day of classes. Ano kayang puwedeng parusa para sa'yo?" she mocked him.
"B-Binabaliktad niyo naman na yata ang anak ko," giit ng ina ni Joaquin. "Kung tutuusin nga ay mas malala pa iyong ginawa mo sa Joaqy ko kaysa sa ginawa niya sa'yo!"
"Mrs, hindi po natin maaaring ituring na may sala si Shirley hangga't hindi napapatunayan iyon," malumanay ang boses ni Principal Spencer. "Pero pinapangako ko po sa inyo na masusi kaming magi-imbestiga para—"
"Magi-imbestiga pa kayo? Hindi pa ba sapat na ebidensiya ang records ni Shirley sa school na 'to, Principal Spencer?"
"Misis—"
"Hindi, e. Pakiramdam ko may kinikilingan kayo! Dahil ba pamangkin mo ang sangkot dito kaya hindi niyo siya ma-kick out sa school na 'to? Alam kong marami na ang naperwisyo ng batang iyan! Nasaan ba ang mga magulang niya? Nasisiguro kong napabayaan 'yan kaya ganyan!"
BINABASA MO ANG
Pakisabi Na Lang (A JaiLene Fanfiction)
FanfictionSa kabila ng pang-MMK na istorya ng kanyang buhay ay nanatiling kalog at maloko si Shirley. Ba't ba niya kailangang indain ang mga problema? Malulungkot lang siya. At wala na din namang magbabago kung iiyakan niya pa ang mga bagay na hindi niya na m...