CHAPTER 33

946 40 20
                                    

Hindi niya na pinayagan si Drake na ihatid siya hanggang sa kanyang bahay. May basketball practice pala ito ng ala-una kaya kailangan ding bumalik kaagad ng school. Kung ihahatid pa siya ay baka mas lalo lang ito'ng mahuli.

Pagkatapos kumain at makapag-pahinga sandali ay naligo at nagbihis na siya ng damit. Itim na v-neck shirt ang sinuot niya, faded jeans at itim ding rubber shoes. Ito ay para sa pagluluksa niya sa pagsali sa beauty pageant na 'yon.

"Ano ba 'yan, Shirley, at naka-itim ka!" sita ng tiya niya nang lumabas siya ng kuwarto.

"Ayos naman 'to, e." kinuha niya na ang sling bag niya saka sinuot ng pabaliktad ang cap.

"Hindi ka man lang ba magme-make up man lang ng kahit kaunti? Alam ko kahit na rehearsals ay dapat naka-ayos."

Napa-make face na lang siya sa hangin, "Grabe naman 'yun tita! Ano 'to? Binibining Pilipinas?"

"Sige na! Kahit lipstick lang!"

Bago pa man siya maka-angal muli ay pumasok na ito sa kuwarto para kunin ang ilang make-up kit doon na bigay nito sa kanya. Wala naman siyang nagagamit doon dahil bukod sa bawal ang naka-make up sa school ay hindi siya masyadong mahilig.

"Dali...kahit ito'ng pula lang."

Pina-upo siya nito sa sofa at sinimulang ayusan. Nai-irita nitong tinanggal ang cap niya dahil maka-ilang beses na daw nitong ipinaalala sa kanyang hindi iyon maganda para sa buhok.

Nilagyan siya nito ng pressed powder at lipstick. Inayos din nito ang kanyang buhok. Hindi pa kasi masyadong tuyo iyon kaya tinuyo ng blower saka plinantsa at nilagyan ng leave-on.

Ang dapat lipstick lang ay nauwi sa biglaang make-over.

"Tita! Late na ako!" tinuro niya ang orasan at nakitang 2:20 na doon.

"Ay, oo nga pala! O basta...huwag mo nang suotin ang cap na 'yan, Shirley!"

Ngunit habang inaayos nito ang mga ginamit sa kanya ay mabilis na inilagay niya ang cap sa loob ng bag. Sumabay na din ang kanyang Tiya sa kanya para tignan ang konstruksiyon ng salon na pinapatayo sa may kanto.

Two-thirty nang makarating siya sa school. Dahil kilala na siya ng mga guard ay hindi na kinailangan pa'ng tignan ang I.D. niya kahit naka-silbilyan. Ilang hakbang pa lang at nakikita niya na ang P.E. teacher niyang si Sir Mike Bautista na humahangos palapit.

"Shirley! Kanina ka pa hinihintay doon, ano ka ba! Ang akala ko ay nag-back out ka na!"

Gusto ko nga po. "Pasensiya na, Sir. Si Tita kasi ay inayusan pa ako."

Tumitig sa kanya si Sir Mike na parang ngayon lang nito napansin. Napa-ngiti ito at parang agad na nalimutan na na-late siya sa ensayo. "Hindi talaga ako nagkamali sa'yo, Shirley! Napakaganda mo'ng bata."

"Naku, napakaliit po'ng bagay," sarkastiko niyang sagot na hindi na nito pinansin.

Sa stage na nasa quadrangle siya dinala ng guro. Sa sementadong field ay nakikita niya ang ilang varsity ng baseball at volleyball na nag-e-ensayo. Mabuti at hindi sa gym dahil paniguradong naroon sina Drake.

Ayaw niyang may maka-kita sa kanyang kaklase o 'di kaya'y kakilala habang may make-up siya sa mukha. Pressed powder at lipstick lang iyon, oo, pero ang bigat sa pakiramdam. Siguro ay dahil hindi naman siya sanay.

"Nandito na iyong isa pa'ng pambato ng seniors," anunsiyo ng kanyang Sir Mike nang maka-akyat na sila ng stage.

May dalawa pa'ng lalaki ang naroon. Ngunit base sa asta nila ay nasisiguro niyang binabae ang mga ito. Sa harapan ng mga ito ay mga babaeng kalahok din. Pamilyar sa kanya ang mukha ng iba pero iyong ilan ay hindi na.

Pakisabi Na Lang (A JaiLene Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon