CHAPTER 19

916 39 2
                                    

Pilit pa ring sinisipsip ni Shirley ang softdrinks sa large cup niya pero malamig na tubig na mula sa natunaw na yelo na lang ang nakakarating sa bibig niya. Inalog niya iyon. Puro yelo na lang talaga.

Sinipat niya ang sariling baso ng softdrinks ni Marj. Nasa sinehan sila ngayon dahil niyaya siya nitong manood ng movie pagkatapos ng klase. Wala naman silang review ni Drake dahil narinig niyang may 'date' ito kay Allie. Friday ngayon at may practice sana ito ng basketball pero siyempre iyong girlfriend ang inuna.

Kinunutan niya ng noo si Marj dahil sumi-singhot-singhot pa ang bruha. Romantic film kasi ang pinapalabas sa harapan. Tungkol iyon sa mag-syotang naghiwalay at gusto ngayong magka-balikan matapos nilang ma-realize na mahal pa pala nila ang isa't isa.

Bullshit. Kung maghihiwalay, maghiwalay. Wala nang bawian. Touch move na kumbaga. Kaya wala siyang bilib sa mga ganitong pelikula, eh. Ka-buwisit.

"Pahingi nga ng coke."

Umiiyak pa si Marj nang lingunin siya, "Ano ba, Shirley! Nanonood pa ako, oh!"

"Pahingi ng coke. Ubos na iyong akin. 'Tsaka popcorn na din."

"Tsk!" ibinigay niya sa'kin ang lahat ng kailangan ko. "Manahimik ka na diyan, ha!"

Binalik na ni Marj ang tingin nito sa screen at nagpatuloy muli sa pag-ngawa habang kinakain niya ang mga pagkaing hindi nito magalaw dahil sa panonood.

"Nakaka-iyak talaga iyong film! Hindi ko na kinaya. Gusto ko pa ngang pigilan ang luha ko kanina pero...wala, eh. Ang galing kasi talaga ng mga linyahan nila. Super, 'di ba?" kuwento ni Marj nang makalabas sila sa sinehan.

Wala nga siyang naintindihan, eh. Pero oo na lang siya dito.

"Teka, bakit nga ba bigla ka na lang nagyayaya ng sine diyan? Ano ba'ng meron? 'Tsaka sila Gia at Bianca? Nasaan na ang mga iyon?"

Biglang nagliwanag ang mukha nito sa kanyang tanong. Parang ngayon lang naalala ang tungkol doon. "Sila Gia at Bianca, 'yun, busy kasama no'ng mga lalaki nila. At ang dahilan ng pagyayaya ko sa'yo ngayon ay dahil gusto kitang maka-usap."

Kinabahan naman siya sa sinabi nito. "Bakit naman?"

Tumingin sa kanya si Marj ng nanunukso. Hindi niya rin nagugustuhan ang ngiti nito sa kanya ngayon na parang may nais ipahiwatig, "Iyong eksena mo no'ng sinabi ni Paul na pagti-trip-an niya si Drake kanina. Akala mo hindi ko iyon napansin ha!"

Nag-iwas kaagad siya ng tingin dito. Ayaw niyang makita ang biglaang pagba-blush dahil doon. Kung bakit nga ba naman siya nag-react ng ganoon! Ngayon niya lang naisip kung gaano siya ka-OA sa part na iyon!

"A-Ano'ng meron do'n?"

"Dinig na dinig ko lang naman iyong concern mo para kay Drake. Alam natin pareho kung paano mang-trip sila Paul kaya kitang-kita ko sa mukha mo ang pag-aalala no'ng banggitin niya ang pangalan ni Drake."

Binanat niya ang leeg at pumaling-paling sa paligid ng mall, "Nasaan na ba iyong Arcade dito?"

"Hoy! Huwag mo'ng binabago ang topic. Ano nga iyon, Shirley Faye? Sabihin mo sa'kin!"

Hinarap niya ito, "Wala! Masyado ka lang malisyosa!"

"Sus!" diskumpiyado siya nitong tinignan.

"Ginagamit ko lang ang isang iyon para makapasa ako sa mga tests ko. Nag...papaturo ako sa kanya," hindi niya na sinalubong ang mga mata nito.

"Nagpapa-tutor ka kay Drake Lagdameo? At kailan ka pa naging interesado sa pag-aaral?"

"Ngayon! Naisip ko lang kasi na kailangan ko'ng maka-graduate para matapos na ako sa letseng high school na 'to. Baka maiwanan niyo pa ako, hiyang-hiya naman ako sa talino ninyo nina Bianca."

Pakisabi Na Lang (A JaiLene Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon