DRAKE
Nasa practice siya ng basketball team ngayon ngunit ang utak niya ay lumilipad doon sa stage na nasa quad kung saan si Shirley at ang iba pang kandidata para sa Miss Intrams. Practice din ng mga ito ngayon para sa pageant na gaganapin sa susunod na linggo. Gagabihin na naman ito kaya kailangan niyang ihatid pauwi.
Nitong mga nakaraang araw ay ganoon ang kanyang ginagawa. Kahit na tuwing Friday lang ang practice ng basketball team ay naghahanap siya ng paraan para may mapagkaabalahan pa siya sa school at makasabay ito ng uwi sa hapon.
Para kasing may nagbago kay Shirley simula noong sumali ito sa Miss Intrams. She became more sultry and feminine. Siguro ay dahil kinakailangan para doon. O siguro ganoon na talaga si Shirley noon pa man at hindi niya lang napapansin.
No. Hindi iyon ganoon. Kahit maganda si Shirley ay may pagka-brusko ang dating nito. Naninindak ng mga lalaki at napaka-tigas ng kilos. Kaya nga hindi na nakapagtataka kung bakit kahit na may itsura ay walang naglalakas loob na mangligaw dito. Kung hindi nasisindak ay nai-intimidate naman dito.
But it's different now. Simula noong mapabilang si Shirley sa mga kandidata ng Miss Intrams at matuklasan ng lahat ang 'babaeng' side nito ay nakita niya ang pagkahumaling ng mga lalaking estudyante.
He would often hear them talk about her, see them stare at her and even feel their want to get her attention. Kaya nga siya nagbabantay kasi mahirap na. Ngayong paparami ng paparami ang admirers ni Shirley ng dahil sa pageant na iyon, baka kulitin ito ng kulitin at pormahan ng kung sino lang.
This is just normal, right? To be concerned about that? Parang sa kapatid niya lang. At dahil kaibigan niya si Shirley ay natural lamang na protektahan niya din ito. Tama?
"Who do you think will win the title as Miss Intrams?" Ryle asked no one in particular.
Pinunasan niya ng towel ang pawis na mukha saka tinungga ang kanyang Gatorade. Sa kanyang harapan ay si Coach habang ang mga mas nakababatang players ay naglalaro.
"Si Barbie siguro. Sanay na iyon, e," sagot ng isa nilang team mate.
"Iyong isang freshman? Maganda din iyon."
"Yeah. Kaso mukha pang nene."
"Ako kay Shirley. Maganda 'tsaka nakita niyo iyong balat, pare? Ang kinis tapos ang ganda pa ng korte ng katawan at ng legs. Sigurado ako panalo iyon."
Nangati ang kanyang kamay na ihagis kay Mak ang bote ng kanyang iniinom. Ngunit nagpigil siya at tahimik na nakinig habang ang ilang team mates niya'y napatango sa pag-sang-ayon sa sinabi ni Mak tungkol kay Shirley.
Oo. Alam niyang totoo ang mga sinabi nitong iyon! Pero kailangan pa ba'ng punain? Parang pakiramdam niya ay sa isip ni Mak hinuhubaran na nito si Shirley, e.
"Noon pa man maganda na talaga si Shirley. May pagka-tomboy nga lang pero maganda. Pero tignan niyo naman ngayon 'di ba? Shit. I think I'm falling for her again!" napahalakhak na sabi ni Red.
Noon pa man ay sinabi na nito ang panliligaw kay Shirley na naunsiyami dahil sa maka-ilang beses na pangba-basted dito ni Shirley. Somehow, the thought that Shirley isn't the easy to get type made him happy.
"Gago! Sumuko ka na! Ilang beses ka nang inayawan no'n! Siguro kasi hindi ka naman guwapo!" tukso ni Mak dito.
"Gago ka din, pare!" balik ni Red.
"O, bakit totoo naman, a? Ayaw ni Shirley sa'yo dahil siguro ay hanap no'n perpekto."
Binalingan niya ang dalawa, "Mak, Red, stop it. Mamaya magka-pikunan kayo diyan."
BINABASA MO ANG
Pakisabi Na Lang (A JaiLene Fanfiction)
FanfictionSa kabila ng pang-MMK na istorya ng kanyang buhay ay nanatiling kalog at maloko si Shirley. Ba't ba niya kailangang indain ang mga problema? Malulungkot lang siya. At wala na din namang magbabago kung iiyakan niya pa ang mga bagay na hindi niya na m...