DRAKE
"Sa susunod na pilitin mo ulit ako, susungalngalin ko na talaga 'yang nguso mo," galit na banta ni Shirley na nginisihan niya lang.
Hindi niya magawang seryosohin ang mga banta nito dahil alam niyang hindi nito gagawin. Well, except for that time that she really did punch him on the face. But this is Shirley Faye Lacsamana we are talking. Wala ito'ng hindi ginawa na hindi bumulaga sa kanya.
Umismid si Shirley saka taas noong naglakad palayo sa kanya. Kumapit siya sa strap ng kanyang backpack habang pinapanood itong umuwi. Hindi kasi ito pumayag na ihatid niya hanggang bahay nito.
Napa-ngiti siyang muli.
Nagsinungaling siya noong sabihin niyang hindi niya ito kilala.
He knew her.
Though, she's a lot different now than the last time he saw her. Hindi doon sa jeep. Noon, noon, noon pa. Mga elementary sila. Maaaring hindi na siya nito naaalala. Hindi naman kasi sila magka-klase. Pagkatapos niya ng Grade 4 ay umuwi sila ng probinsiya at nanatili doon hanggang mag-first year high school siya.
At siguro dahil ibang-iba na siya ngayon sa Drake na nakita nito noon.
He used to be so thin, like sickly thin, and very awkward. Siya iyong typical nerd na dine-describe sa ilang nobela at pino-project sa TV at pelikula na may malalking eyeglasses at palaging may librong hawak. Kaya hindi na nakapagtataka kung bakit paborito siya ng mga bullies noon sa school nila na pag-trip-an.
Wala yatang araw na walang naninindak sa kanya para kunin ang baon niya o para sapilitang maka-kopya sa mga assignments, quizzes at tests nila. There even came a time before that he stayed inside a locker so he could eat his lunch. Hindi siya makalaban. Ano'ng magagawa ng isang lampayatot na tulad niya sa naglalakihang mga bullies noon sa school nila?
He can't even tell his parents. His dad will be mad. Ayaw nito nang nakikita na pinanghihinaan siya. His mother would insist that he tell the teachers. Pero kahit mga guro ay walang magawa. Sa oras na tumalikod ang mga ito at hindi na nakatingin sa kanya, balik sa dating gawi ang mga naninindak sa kanya.
Halos ayaw niya nang pumasok noon pero pinipilit niya. Ayaw niyang isipin ng mga magulang niya na pinagsasawaan na niya ang school, na gusto niya ay maging tambay na lang at magbulakbol.
Until his own personal hero came and saved him.
"Saan na ang baon mo Lagdameo? At iyong assignment natin sa Math!" hawak pa ng isa sa mga kaklase niyang lalaking palaging nananakot sa kanya ang kuwelyo ng kanyang uniporme.
"U-Ubos k-ko na. I-Iyong a-assignment na-napasa k-ko n-na," pilit niyang inaalis ang kamay nito sa kanyang kuwelyo pero mas humigpit pa iyon. Napa-ubo siya. Nararamdaman niya ang pag-angat ng kanyang paa sa lupa.
He can't shout for help. Nasa likurang parte sila ng stage at wala masyadong guro na dumadaan doon.
"Ano?! Sabi ko pakopyahin mo muna kami! Bakit mo pinasa kaagad?!" sigaw nito sa kanyang mukha sabay amba ng kamao sa kanya. "Gusto mo talagang masaktan ano—aray!"
Nabitawan siya ni Jonas. Bumagsak siya sa lupa. Napa-ubo siya ng ilang beses dahil sa pagkakasakal ng kuwelyo niya sa leeg niya.
"Hoy, pangit! Tanga ka ba? Math lang 'di mo pa alam? Paano ka nakarating ng Grade 4?"
Boses iyon ng isang babae.
Ginagap niya ang salamin niya na bumagsak sa lupa at hinanap kung kanino nagmumula ang boses na 'yon. Nakita niya ang isang magandang babae na matapang ang tingin kay Jonas. May kaliitan ito, mas maliit pa nga ito kaysa sa kanya, pero puno ng determinasyon ang itsura.
BINABASA MO ANG
Pakisabi Na Lang (A JaiLene Fanfiction)
FanfictionSa kabila ng pang-MMK na istorya ng kanyang buhay ay nanatiling kalog at maloko si Shirley. Ba't ba niya kailangang indain ang mga problema? Malulungkot lang siya. At wala na din namang magbabago kung iiyakan niya pa ang mga bagay na hindi niya na m...