CHAPTER 16

1.1K 45 4
                                    

"Okay na ba 'tong introduction natin?" tanong ni Drake sa kanya bago pinakita ang printed draft ng kanilang introduction.

Sa halip na kunin ang inaabot nito sa kanya ay tinignan niya ito ng nagtataka, "Bakit ba tinatanong mo ako tungkol diyan? Ikaw na bahala. Ikaw naman ang mas may alam sa ating dalawa."

"Pero magka-partner tayo. Kaya dapat approved sa atin ang gawa ng isa't-isa, 'tsaka para magtuma ang mga ginagawa natin," ginalaw-galaw ni Drake ang papel sa tapat ng kanyang mukha kaya padarag na lang niyang hinablot iyon.

Ilang araw na nilang ginagawa ang unang tatlong parte ng kanilang research paper matapos ma-approve ang topic na kanilang pinasa. Kaya naman ilang araw na din silang magkasama ni Drake sa school maghapon.

Minsan kapag kailangan nitong mag-training o kaya kung pinapatawag para sa club activities, hinahayaan siya nitong umuwi ng maaga. Pero kapag ganitong libre sila pareho, tuloy ang paggawa nila sa research paper at ang pagtu-tutor nito sa kanya.

"Maganda," binalik niya kay Drake ang papel. "As expected from Mr. Lagdameo."

Nginisihan siya nito. Pinagmasdan niya si Drake habang nakasandal sa katawan ng puno sa likuran ng kanilang school at nagbabasa ng libro. They're both not in the mood to stay in the library so they just stayed outdoors. Mas masarap nga naman dito.

"Hinahanap ka ni Belle sa'kin," naka-ngiti nitong kuwento sa kanya.

Binalik niya ang tingin sa kanyang sketch na malapit nang matapos habang kinakausap ito. "Bakit naman?"

"Wala naman. She just likes you."

Napangisi siya. "Hindi ko alam kung paanong nagkaroon ng kuya iyon na kagaya mo. Magkaibang-magkaiba kayo."

Belle's like her. Free-spirited and rebel. Iyon ang nakikita niya sa pagkatao nito. While Drake always follow rules na para ba'ng ang lumabag sa kaliit-liitang patakaran ay magdadala dito sa kulungan. Paanong naging posible na nakapagpa-laki ang mga magulang nito ng dalawang magkaibang tao?

"Hindi ko alam."

Napataas siya ng tingin kay Drake nang marinig niya ang seryosong tono nito. Hawak pa din nito ang libro pero hindi na nakatuon doon ang atensiyon nito. Dinampot niya ang scratch paper na binilog niya kanina at hinagis iyon dito. Nasalo ni Drake iyon bago pa man tumama sa mukha nito.

Tsk, akala ko pa naman ubos na ang suwerte niya.

"Kung gusto mo'ng tanungin kung may problema ba ako, ask nicely," anito sa kanya.

"Bakit ko naman itatanong kung may problema ka?" Though, honestly, nangangati nga siyang itanong kung ano ang problema at bigla itong sumeryoso. "Wala ako'ng pakealam sa problema mo dahil madami din ako no'n."

Tumingin si Drake sa kanya. Makalipas ng ilang sandali ay basta na lang itong umiling ng nangingisi, "Thanks..."

"Pero kung ano man iyang pinagdadaanan mo..." tumikhim siya at nag-iwas ng tingin. "Alam ko namang kaya mo iyon, e. Ikaw pa ba?"

"Shirley..." tawag nito sa kanya.

Dahan-dahan siyang nagbalik ng tingin kay Drake. May kakaibang kinang na sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Kahit na seryoso ang anyo, sa likuran ng ekspresyon nito ay may nababasa siyang tuwa.

"That's so nice of you to say," sinsero nitong sabi sa kanya.

"Me? Nice?" nagpanggap siyang nasusuka sa sinabi nito. She's a lot of things but she's never nice.

Tumawa na si Drake. Pagkatapos ay basta na lang nitong hinablot ang sketchpad na nasa kandungan niya at tinitigan. "Ito ba iyong ilang araw mo nang dino-drawing?" tanong nito sa kanya. Ang mga mata nito na nananatili sa papel ay may bahid ng pagkamangha.

Pakisabi Na Lang (A JaiLene Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon