Mabilis na bumaba siya ng motorsiklo nang marating na ang sa kanila. Padarag na inalis niya ang helmet sa ulo at hinampas iyon sa braso ng ngingisi-ngising si Sebastian.
"Gago ka ba?! Muntik mo na ako'ng mapatay sa nerbiyos! Walanghiya ka talaga! Buwisit!" sigaw niya habang patuloy sa paghampas dito.
"Kung gusto mo ng mabagal doon ka sa karo ng patay sumakay huwag sa motorsiklo," anito.
"Namimilosopo ka pang buwisit ka! Akin na nga ang sapatos ko!"
Inalis nito ang helmet saka mabilis na hinawakan ang kanyang sapatos. Nilingon pa nito ang bahay ng kanyang tiyo na para bang pag-aari nito ang lahat ng oras sa buong mundo. This guy is really a pain in the ass!
"Dito ka nakatira?" tanong nito ng lingunin siya.
Umirap siya. "Malamang. Kaya ko nga dito itinuro 'di ba? My shoes please..." inilahad niya ang kanyang kamay para sa kanyang mga sapatos.
"You're living here with...?"
Pinagmasdan niya ang anyo ni Sebastian habang tinatanong siya. He really seemed interested. Hindi niya alam kung bakit. "Ano ba'ng pake mo?"
Napataas ang dalawang kilay nito. "You can just answer me, you know, kesa iyong pinapatagal mo pa."
"Bakit mo ba kasi gustong malaman?"
Nagkibit-balikat lang ito. Tumingin ito'ng muli sa kanya na tila nag-aabang pa din ng sagot. Gigil na gigil na siyang supalpalin ang mukha nito pero nanatili siyang kalmado. Nasa loob lamang ng bahay ang tiyo at tiya niya kaya ayaw niyang mapasabak sa away.
"Ang tito at tita ko lang. Ibalik mo na sa'kin ang sapatos ko at tantanan mo na ang pagtatanong sa'kin!"
"Bakit sila ang kasama mo?" tanong nitong muli.
That's it. Mabilis na hinablot niya ang sapatos mula dito. Ni hindi man lang ito nagulat sa nangyari. Para ngang hinayaan pa siya na makuha ang sapatos nito. Kinuha niya ang susi sa bag at binuksan ang padlock ng kanilang gate.
Sinipat niya pa ito ng isang beses. Mataman ito'ng nakatingin sa kanya. Ang sarap batuhin ng sapatos ulit kaso pinigilan niya. Umismid lang siya dito bago pumasok sa loob ng gate at isinara iyon.
Isinuot niya ang sapatos bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay.
"Oh, bakit ganyan ang mukha mo? Akala ko ba kasama mo sila Marj?" tanong ng tita niya nang lumitaw siya sa sala nang busangot ang mukha.
Naroon na ang kanyang tiyo. Tinignan siya nito mula sa rim ng suot nitong eyeglasses. "May ginawa na naman ba kayong kaolokohan na magkakaibigan?"
"Spencer!" sigaw ng kanyang tiya.
Napabuga lang siya ng hangin. "Wala. May...nakilala lang ako'ng buwisit."
Inayos ng tiyo niya ang suot na salamin saka tuluyang ibinaling ang atensiyon sa kanya. "Sino?"
"The transferee. Sebastian Agoncillo. Buwisit. Bakit mo ba pinayagan iyon na pumasok ng St. Thomas, tito Spencer? He has a tattoo!"
Mabilis itong bumaling sa laptop na nasa center table. "Wala namang batas sa St. Thomas ang nagsasabing bawal tumanggap ng estudyante na may tattoo. Isa pa ay hindi naman kita ang tattoo niya so I guess there's nothing wrong with my decision."
Napa-'ha?' siya sa kanyang isip. Sa pagkakatanda niya ay may batas na school na nagbabawal sa mga estudyante na may tattoo o 'di kaya'y piercing. Baka nakaligtaan ng tiyo niya? O baka mayaman iyong Sebastian kaya nakagawa ng paraan. Maraming kayang gawin ang pera sa mundong ito.
BINABASA MO ANG
Pakisabi Na Lang (A JaiLene Fanfiction)
FanfictionSa kabila ng pang-MMK na istorya ng kanyang buhay ay nanatiling kalog at maloko si Shirley. Ba't ba niya kailangang indain ang mga problema? Malulungkot lang siya. At wala na din namang magbabago kung iiyakan niya pa ang mga bagay na hindi niya na m...