CHAPTER 20

851 39 1
                                    

F you, Benj. Just F you!

Hindi naman iyon ang gusto niyang mangyari kaya siya nag-aamok ngayon. Gusto niya lang sindakin ito'ng si Mikaylla. Gusto niyang ilagay ito sa tama nitong lugar. Dapat pala nanahimik na lang siya!

"Are you serious, Benj? Sa presenters magbe-base ng grade si Miss Nolasco!" depensa ni Mikaylla.

Gusto niyang pumanig dito pero nanatili siyang tahimik. She's still shocked with what Benj said. Pero hindi. Siya nga iyong leader 'di ba? Hindi dapat si Benj ang masunod dito!

"Yes, I'm serious. Sa totoo lang wala ako'ng pakealam sa magiging grade natin. Gusto ko lang na tulungan si Shirley. Kinuwestiyon mo ang kakayahan niya kaya dapat lang na patunayan niya sa'yo na nagkamali ka." Tumingin si Benj sa kanya. "Tatanggapin mo ba, Shirley? You're furious with Mikaylla for insulting you right? This is your chance to prove her wrong."

"Of course I'm not wrong! Totoo ang mga sinabi ko tungkol sa kanya!" giit ni Mikaylla sabay tingin sa kanya. "And I'm sure she won't accept that, Benj. Mayabang lang ang isang ito pero wala naman ibubuga."

Kamag-anak ba ang babaeng ito ni Joaquin?

Naipit siya sa sitwasyon. Kung hindi siya papayag sa gustong mangyari ni Benj nasisiguro niyang pagtatawanan siya ni Mikaylla. That's bad. Kung papayag naman siya na maging reporter ay para na rin niyang ipinasok ang sarili niya sa mas malaking kahihiyan. That's worse.

Pero mas mabuti na nga iyong huli kaysa naman doon sa una!

Nagkibit siya ng balikat at umaktong ayos lang iyon sa kanya. Pero letse lang, napa-subo talaga siya ngayon. Nag-drama pa kasi siya. Dapat ay pinabayaan niya na lang ang ma-papel na Mikaylla na ito na maglider-lider-an kanina.

"Okay," she said.

Lalong nagalit si Mikaylla dahil sa kanyang sinabi. "I'm sure you're just saying that for the sake of pissing me!"

Ngumiti siya dito ng matamis. "Tama." Pag-amin niya.

Halos sabunutan na ni Mikaylla ang sarili nito dahil doon. Baliw ang babaeng ito, sigurado niya. Napaka-OA. Ang akala naman nito ay katapusan na ng mundo bukas.

"Bahala ka dito, Benj. If we fail, this is gonna be your entire fault." Padarag na kinuha ni Mikaylla ang bag sa stone table at nag-walk out. Bumuntong-hininga si Paolo.

"Paolo!" sigaw ni Mikaylla sa malayo. Napahiya siguro dahil walang sumunod sa pag-alis nito.

Tumingin si Paolo sa kanya, "Shirley? Puwede na ba'ng umuwi?"

"Ba't tinatanong mo ako?"

"Because...you're the leader?"

Umirap siya at bumuntong-hininga. "Sige na. Umuwi na kayo."

Tumango si Paolo sa kanya bago nito dinampot ang gamit at sumunod kay Mikaylla. Paalis na din dapat siya nang pigilan siya ni Benj sa braso. Nilingon niya ito at mabilis na binawi ang braso mula dito.

"Ano na naman?" galit niyang tanong.

"Tayo nina Johanna ang magiging presenters," turo nito kay Johanna na tahimik lang na naka-tingin. "Simulan na nating hanapin ang topic at mai-summarize iyon para madali na lang aralin."

"Tsk, ngayon na ba talaga?"

Tumango ito. "May gusto kang patunayan hindi ba?" ngiti nito.

Pansin niya lang na parang ang bait na nito sa kanya ngayon. Maayos naman talaga ito si Benj pero iba ito ngayon, eh. Iyong parang gusto nitong makipag-kaibigan sa kanya.

Pakisabi Na Lang (A JaiLene Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon