"From a troublemaker to a campus sweetheart..." inilahad pa ni Paul ang dalawa nitong palad sa kanya matapos sabihin iyon.
Hinipan niya ang ilang buhok na naligaw sa kanyang mukha. Ang buong akala niya pagkatapos ng Miss Intrams noong Biyernes ay babalik na sa normal ang buhay niya. Ngunit dahil sa pagkapanalo niya, na siyang ikinagulat ng lahat, ay hindi nga ganoon ang nangyari.
Sinalubong siya ng napakaraming pagbati mula sa kapwa niya estudyante, na karamihan ay mula sa mga lalaki, at mga guro. May iba pang nagbigay pa talaga sa kanya ng bulaklak at love letters. Kasama si Joaquin! Buwisit.
'Yun, nandoon lahat sa basurahan ang mga ibinigay ng mga ito sa kanya.
"Ang ganda mo talaga noong Biyernes, Shirley! Hindi ko inaasahan na may ganoong ganda ka palang itinatago," ani Marco.
"Heh! Tigilan niyo nga ako at kanina pa ako naba-bad trip." Oo at nagustuhan niya ang mainit na pagtanggap sa kanya ngayon ng lahat. Pero habang tumatagal ay nai-irita na talaga siya. Lalo na kapag may mga lalaking nangungulit sa kanya.
"Iyong libre namin?" ungot ni Paul.
"Kayo...kung kailan ba kayo available," kibit-balikat niya.
Dinampot niya ang baso ng iced tea mula sa mesa at sumimsim doon. Nakikita niya ang pagbaling sa gawi niya ng ilang estudyante. Hindi man niya nadidinig ay alam niyang siya ang topic ng usapan ng mga ito.
Ikinabigla nga naman ng lahat ang biglaang transformation niya noong Biyernes. Of course, she needed to do her part of the job. Bukod sa wala siyang balak na ipahiya ang sarili sa harapan ng lahat, siyempre at inaasahan siya ng kanyang Tiya at ng kanyang Sir Bautista na manalo no'ng araw na iyon.
"You know we're always available. Ikaw diyan ang dapat naming tinatanong kung kailan ka puwede," sabi ni Marj.
Tambak nga ng school works ngayon dahil sa isang linggong walang regular classes. May iba na sa susunod na araw pa ipapasa at hindi niya pa nagagawa. Trigo at Physics iyon. Papaturo na lang siya kay Drake bilang iyon naman ang mas maalam sa mga subjects na iyon.
Nag-ring bilang hudyat ng pagtatapos ng kanilang break time. Naghiwalay na sila ng kanyang mga kasamahan. Dumiretso siya sa building kung nasaan ang class room.
Nakasabay niya pa sa pag-akyat ng hagdanan si Benj. Ngumisi ito sa kanya at tumingin pa sa labi niya. Nabuwisit siya dito noong Biyernes dahil sa ginawa nitong paghalik sa kanya. Pero siguro dahil sa paglipas ng dalawang araw ay natunaw na lamang iyon.
Nabubuhay na lang ulit ngayon.
"Ano'ng nginingiti-ngiti mo diyan?" mariin niyang sabi dito. Kung wala lang teacher na naglalakad sa kanilang harapan ay baka sinapak niya na ito.
"Bukod ba sa dahil naaalala ko iyong paghalik ko sa'yo noong Biyernes? Well—"
Sinapak niya sa braso si Benj. Tumingin siya sa likod at sa harap. Iyong mga kasabayan nila ay hindi naman nila mga kaklase, "Gago ka talaga ano? And here I thought you really love Allie!"
"Why? Dahil ba doon ay bawal na ako'ng manghalik ng ibang babae? Technically speaking we're not together so—"
"You're an asshole," pangbabara niya sa sinasabi nito.
"And so is your Drake, Shirley," naka-ngiti nitong sinabi. "Gusto mo bang malaman kung bakit pa ako masaya? Allie told me na nag-away sila ulit ni Drake."
Napahinto siya sa paglalakad. Ganoon din si Benj. Wala ni isa sa kanila ang may pake na anomang oras ay magsisimula na ang klase. "U-Ulit?"
"Oh you didn't know?" bumakas kay Benj ang gulat. Hindi nga lang niya alam kung tunay iyon o pa-effect lang ng isang ito. "Nag-away sila noong araw na nag-amok si Drake at nakipag-suntukan kanila Joaquin. Ngayon naman ay nag-away sila ulit dahil nagpunta si Drake sa Miss Intrams noong Friday para lang mapanood ka kahit na pinagbawalan ni Allie. Drake is really a huge joke for me. Halata na pero pilit pa ring itinatago..."
BINABASA MO ANG
Pakisabi Na Lang (A JaiLene Fanfiction)
FanfictionSa kabila ng pang-MMK na istorya ng kanyang buhay ay nanatiling kalog at maloko si Shirley. Ba't ba niya kailangang indain ang mga problema? Malulungkot lang siya. At wala na din namang magbabago kung iiyakan niya pa ang mga bagay na hindi niya na m...