CHAPTER 27

956 40 22
                                    

DRAKE

Sumuko na sina Mikaylla sa paghihintay kay Shirley. Hindi na talaga ito pumasok. He'd been trying to call and text her but still no luck. Galit na galit si Mikaylla. Lalo na dahil ito pa ang napilit na kunin ang parte na dapat ay ire-report ni Shirley. Iyon pa naman ang pinaka-mahirap sa mga sub topics.

Sa oras ng reporting ay naging mahirap para kanila Benj ang lahat. The stress from waiting for Shirley Lacsamana racked their nerves. Tuloy ay puro mali ang mga nasasabi nila at naisasagot tuwing magtatanong si Miss Nolasco.

"Ma'am, Shirley Lacsamana is supposed to report this topic but she's absent. I'm sorry," ani Mikaylla nang mapuna ni Miss Nolasco.

"Where is Lacsamana?" tanong ng kanilang guro.

Walang makapagsabi dahil wala din sa kanila ang may alam. Ang iniisip ng lahat ay sadya talagang hindi pumasok si Shirley ngayon para maka-iwas sa reporting o 'di kaya ay para galitin si Mikaylla gaya ng palaging sinasabi ng huli.

Ayaw niyang maniwala. Nakikita niya ang unti-unting pagbabago ni Shirley kaya hindi siya naniniwalang sinadya nitong lumiban para lang buwisitin si Mikaylla.

"I'll give your group a score of 85. At dahil absent si Shirley at wala namang excuse letter, I'll not give her any grade for this activity."

Madilim pa rin ang anyo ni Mikaylla. Ngunit ang kaalaman marahil na walang makukuhang marka si Shirley para sa reporting ang siyang bahagyang nakapagpa-gaan ng loob nito.

"Kahit kailan talaga hindi na nagbago ang Lacsamana na 'yon," ani Erika. Ikalawang araw na na wala si Shirley sa klase. "I'm just lucky na hindi ko pa nagiging ka-grupo ang babaeng iyon sa kahit na ano'ng school work. Nakaka-stress siguro."

Tahimik siyang kumain habang nag-uusap ang mga ito ng tungkol kay Shirley. He's really worried. Hindi pa rin ito nagre-reply sa kanya kahit tuldok man lang o kahit ang mag-miss call lang. Iniisip niya nang baka may nangyari ditong masama.

He's been trying to talk to her uncle. Pero palaging busy ang Principal na hindi nito kayang humarap sa kanya ng kahit na isang segundo. Halos araw-araw din siyang pabalik-balik sa bahay kung saan niya hinatid si Shirley noon pero wala pa din. Hindi niya talaga ito nakikita.

Pinipigilan niya na nga lang ang sarili na kumatok sa bahay na 'yon at magtanong. He's sure Shirley won't appreciate that. Isa pa ayaw niya itong mapahamak. Baka akalain pa ng pamilya nito ay manliligaw siya ni Shirley o ano.

Not that he'll mind that, though. Hindi matutuwa si Shirley no'n.

Kaya naghintay siya. Bawat araw na pumapasok siya ay umaasang makikita na ito. Hanggang sa kahuli-hulihang period nga nila ay inaabangan niya pa rin ang biglaang pagsulpot ni Shirley.

But Shirley never did. She's been absent now for a week.

Pinupuntahan niya ang puno na tambayan nito sa likuran ng school. Paboritong lugar ni Shirley iyon para gumuhit. Pero hindi niya ito makita doon. Pumupunta siya sa arcade center, sa pag-asang baka naglalaro lang ito ng arcade, pero wala din doon. Maka-ilang beses siyang tumambay sa lugawan para kung sakaling kumain ito doon ay makikita niya pero wala pa ring Shirley ang nagpapa-kita.

It's frustrating.

"Drake, are you okay?" malambing na tanong ni Allie sa kanya habang hinahaplos ang kanyang mukha.

He tried to smile even though he doesn't really want to. "Of course, I am."

"Are you worried about Shirley?" ani Benj. "Magda-dalawang linggo na siyang hindi pumapasok. Ano kaya ang talagang nangyari?"

Pakisabi Na Lang (A JaiLene Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon