CHAPTER 57

1.1K 39 13
                                    

"Shirley," nag-aalalang tinig ni Johanna ang nagbalik sa kanya sa ngayon.

Hindi niya alam kung pang-ilang tawag ni Johanna iyon sa kanyang pangalan. Nagulat siya sa nakita at sa mga nangyari kaya pag-alis nina Benj ay nanatili siyang nakatulala sa kawalan.

"S-Sorry..." bulong niya kahit hindi niya alam kung bakit niya nasabi iyon. Unti-unti siyang tumayo. Naramdaman niya ang pananakit sa parteng tumama sa kanya kanina sa batong mesa. Siguro ay tumama iyon sa buto kaya ganoon.

"Ayos ka lang ba? Kaya mo ba talaga?" sunod-sunod na tanong ni Johanna sa kanya.

Tumango siya. "Ayos lang," sabi niya kahit hindi siya sigurado doon.

"Ano ba'ng nangyari, Shirley? B-Bakit hinahalikan ni Benj si Allie? 'Tsaka bakit ikaw ang tinuturong dahilan ni Allie?" kuryoso nitong mga tanong.

Umiling siya upang ipaalam dito na hindi pa siya handang sumagot ng mga tanong. Hindi na rin nagpumilit pa si Johanna. Naglakad sila paalis doon habang iniinda niya ang sakit na nagmumula sa kanyang bewang.

"Dapat siguro pumunta na tayo sa clinic, Shirley. Ihahatid na kita doon."

"Hindi na Johanna. Kaya ko na 'to. Pumasok ka na lang sa P.E. class natin, kanina pa nag-bell at baka hinahanap ka na doon," pagtataboy niya rito.

"Pero..."

Hinawakan niya sa braso si Johanna. Napahinto ito sa pagsasalita, "Basta huwag mo'ng sabihin ito kahit na kanino. Lalong-lalo na kay Drake."

"Ano? E, sinaktan ka ni Benj, Shirley! Dapat malaman—"

"Pabayaan mo na. H-Hindi naman 'to ganoon kalala. Basta mangako ka sa'kin na walang makakaalam maliban sa'ting dalawa. Ipangako mo."

Nag-aalangan ang ekspresyon ng mga mata ni Johanna ngunit sa huli ay nakumbinsi niya ding sumunod sa nais niyang mangyari. Naglakad siyang mag-isa patungo sa clinic. Nag-ingat siyang walang makakita sa kanya.

"Ano ang nangyari diyan?" nahihindik na sabi ng nurse nang itaas niya ang uniporme niya upang ipakita ang malaking pasa na nasa kanyang bewang.

Ngayon lang din niya iyon nakita kaya napangiwi siya. She didn't know that it was that big. Kaya pala ganoon na lamang ang sakit, "Bumangga ako, e."

"Paano? Ano'ng nangyari sa'yo?" usisa nito.

Tatarayan niya sana ngunit agad na nagbago ang isip niya. "Aksidente lang. Ano, magku-question and answer portion pa ba tayo? Ang sakit na 'te."

Umismid ito sa kanya. Tulad ng palaging ginagawa ng nurse na ito kapag sinasagot niya na.

"O, sige maghintay ka diyan. Maghahanda ako ng cold compress at hahanapan kita ng pain killer. Sobrang sakit ba?"

"Oo," sagot niya habang nauupo sa hospital bed na naroon.

Umalis din ito matapos siyang tanungin ng tungkol sa kanyang pangangailangan. Dahil tahimik ang clinic ay nabigyan siya ng pagkakataong isipin ang lahat ng nangyari.

How the hell did Benj and Allie end up kissing? May relasyon na ba ang mga ito? Kailan pa nagsimula? Pagkatapos no'ng tsismis na lumaganap na hiwalay na nga si Allie at Drake o noon pa bago 'yon?

Naalala niyang sinabi ni Benj sa kanya na nakaka-text nito si Allie noong araw ng pageant niya sa Miss Intrams. Iyon ba ang unang beses na nagkapalitan ng mga mensahe ang dalawa o noon pa?

Ang daming tanong sa kanyang isip kaya naguguluhan siya. All this time she thought that Allie loves Drake so much to the point that she would fight for him. Napaisip tuloy siya kung iyon ba ang dahilan kung bakit naririto si Drake sa kanya at humihingi ng pagmamahal? Dahil ba hindi na ito binalikan ni Allie? Dahil pinili ni Allie si Benj kaysa dito?

Pakisabi Na Lang (A JaiLene Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon