Mula sa pagmamasid sa mga kapwa kandidata ay ibinalik ni Shirley ang tingin sa kanyang sketchpad. Drake's eyes were finished now. Gusto na lamang niyang patingkarin ang bawat detalye. Ngayong tapos na ito ay napa-isip siya. Bakit nga pala niya dino-drawing ito?
Napahinto siya sa pagguhit at tinignan iyon. Bakit ba ang galing niya minsan mang-kuwestiyon ng sariling kilos? Sa huli tuloy ay siya ang nalilito sa dahilan ng mga pinaggagagawa niya.
Napa-ikot siya ng mga mata saka nilipat sa ibang pahina ang sketchpad. Sa blangkong papel ay nagsimula muli siyang gumuhit. Pagkatapos ng labing-limang minutong break na ito ay mag-start na ulit ang practice. Gagabihin na naman yata sila. Kung sabagay, sa susunod na linggo na kasi ang Intrams kaya kailangan plantsado na ang lahat.
Mayroon na siyang susuotin. Ang sports attire, casual wear at long gown ay nakahanda na. Siya na lang yata ang hindi pa.
"Uy..."
Nabigla siya nang may biglang magsalita sa ibaba. Nasa may stage kasi sila kaya mataas itong kinauupuan niya. Nilingon niya si Drake. Galing na naman sa basketball practice nito. Mukhang pauwi na sila dahil nakabihis na ng t-shirt at ang mga kaibigan ay naka-abang na sa likod niya.
"Bakit?" tanong niya rito.
Mas lumapit si Drake sa hanggananan ng stage. Itinukod nito ang dalawang kamay doon upang hilahin ang sarili paakyat upang maka-upo sa kanyang gilid. Pasimple niyang sinipat ang mga naroon. Some of the candidates who noticed his presence kept on staring at him.
Madalas kapag kasama niya si Drake ay nakakalimutan niya kung gaano ito kasikat sa mga babae. Kung maka-tingin naman din kasi ang iba dito ay parang artista si Drake. When truth is, he's the most genuine, warm and friendly person that she knew.
Ibinalik niya ang tingin dito.
"Ba't mag-isa ka diyan? Break niyo?" tanong nito. Tinitignan ang sketchpad niya. Naku, mabuti pala at hindi na niya ginuguhit iyong mga mata nito! Kung sakali ay baka naabutan pa pala siya ni Drake!
"Oo, bakit? Uwian niyo na yata?" tinuro niya ang mga kasamahan ni Drake. "Umuwi ka na. Uh..." napa-iwas siya ng tingin. "Ingat." Binalik niya ang mga mata sa ginuguhit niya pero hindi niya na alam kung paano pa itutuloy iyon! Ang nangyari tuloy ay nag-kemeng shade na lamang siya!
"Hintayin na kita. Sabay na tayo," anito.
Binalingan niya ito'ng muli. "Ha? Bakit pa? Gagabihin kami ngayon!" alas-sais na at kung isang pasada pa ng practice ay baka alas-siyete na matapos.
"Kaya nga. Hintayin na lang kita. Delikado nga kung uuwi ka ng mag-isa," inilipat nito ang tingin sa harapan.
Nabigyan tuloy siya ng pagkakataong titigan si Drake. Isang tingin lang at makikita ang malaking kaibahan nila ni Drake sa ugali. Kung siya ay mukhang loko-loko, si Drake ay kitang-kita sa anyo ang pagiging matino. Iyong tipong makaka-salubong mo sa madilim na eskinita pero hindi mo pagtataguan ng cellphone.
Napa-ngisi siya sa naisip. Ganoon talaga? Ngunit nang maalala niya ang sinabi ni Drake na maghihintay ito sa pag-uwi niya ay unti-unting nalusaw ang kanyang ngiti. Masaya siya. Oo inaamin niya iyon. Nakakatuwa lang na nag-aalala ito para sa kanya.
She can fend for herself. Sigurado siya doon. But it just feels so nice that there's that somebody's who's willing to protect you. Who's concerned for your safety. Pinilig niya ang ulo upang ihinto ang linya ng pag-iisip.
May sasabihin pa sana siya nang may biglang nagsalita.
"Hi..."
Napalingon siya kay Barbie kasama ng dalawa pang kandidata. Joana and Kim. Si Barbie ang nagsalita. Bahagyang tinabingi ni Drake ang sarili para makita nito. Nakatalikod kasi ito kanila Barbie.
BINABASA MO ANG
Pakisabi Na Lang (A JaiLene Fanfiction)
FanfictionSa kabila ng pang-MMK na istorya ng kanyang buhay ay nanatiling kalog at maloko si Shirley. Ba't ba niya kailangang indain ang mga problema? Malulungkot lang siya. At wala na din namang magbabago kung iiyakan niya pa ang mga bagay na hindi niya na m...