Nagsusulat na si Miss Velasco sa whiteboard sa harapan ng kanilang class schedule. Ang lahat ay nagsusulat na din sa kanya-kanyang kuwaderno ng mga ito maliban sa kanya. Nagdo-drawing pa rin siya sa likuran ng notebook niya.
"Is this yours? Napulot ko sa ilalim ng upuan mo," kausap ni Drake sa kanya.
Drake. Drake Lagdameo. Wait. Napatigil siya sa pagguhit ng may ma-realize. Tumingin siya dito ng may nagtatakang mukha. She remembered Gia and Bianca talking about some Drake Lagdameo from the pilot section. Ito 'yon? Si Drake at si Kuyang Weird ay iisa?
Napa-iling siya.
Ngumiti si Drake sa kanya. "Your pencil." Itinaas nito ang lapis niya sa kanyang mukha.
Hinablot niya sa kamay nito iyon at bumaling na muli sa kanyang notebook. Hinding-hindi niya talaga ito papansinin. Wala sa kahit sino'ng estudyante sa classroom na iyon ang papansinin niya. Sa mga mata niya, kaaway ang lahat ng ito.
Lalo na ang Joaquin Aquino na 'yon. She'll make him pay for what he did to her a while ago. Kating-kati na siyang mag-break time para makausap niya na sina Marj at kahit sino pa na maaaring makatulong sa kanya. Ang iba sa mga kaklase niya noon sa Section F ay alam niyang tutulong sa kanya.
Hindi lang dahil sa takot ng mga ito sa kanya but also because they live for this stuff too. Lagot ka sa'kin Joaquin.
"Shirley..."
Kumunot ang noo niya at bumaling muli kay Drake. "How did you know my name?"
Ngumiti ito bago itinuro ng hinlalaki ang babae na nasa katabi nitong upuan, "I asked her. Hindi kasi kita makausap."
"Maybe because I don't want to talk to you," she said as if he's an idiot. Pero alam niyang hindi.
Bukod sa kabilang si Drake sa section na ito, na napakahirap pasukin maliban na lang kung pamangkin ka ng principal at maraming kalokohan na nagawa kaya naisip ng board na ipasok ka sa section na puno ng mga matitino para magtino ka rin, ay Math Club President ito.
Tumabingi ang magandang ngiti ni Drake sa mukha, "May...nagawa ba ako sa'yo? Are you mad at me? Because the last time I checked I'm not the one who made fun at you before."
"Iyon na nga, e. Dapat magalit ka sa'kin ngayon. Dapat hindi mo na ako kinakausap."
"Hindi naman ako galit sa'yo," ngisi nito. "Actually, I want to be friends with you."
Ha. Ang joker ng isang ito. Ang sarap din nitong kurutin ng nail cutter sa pisngi. Hindi ba nito kilala ang kinakausap nito? Ang inaalok nito ng pagkakaibigan? She's Shirley Faye B. Lacsamana. Ang official bully at troublemaker ng school na 'to. Tanga ba ang isang ito o bobo lang?
Wait. Ano ba ang mas malala? Tanga o bobo?
"You do not know what you're asking me."
"I know. I'm asking you to be my friend," ngumiti ito. "Pwede ba?"
"Kapag sinabi ko'ng tumalon ka mula sa pinakamataas na palapag ng isang building pababa, tatalon ka ba?" tanong niya dito.
Kumunot ang noo nito sa tinanong niya. Mukhang naguguluhan. Pero sa huli ay sumagot din. "Siyempre, hindi."
"'Yan din ang sagot ko sa tanong mo." Bumaling na siya sa kanyang harap. Pero sa gilid ng mga mata niya ay nakita niya pa ang pagbungisngis nito. Kaya tuloy kahit labag sa loob niya ay nilingon niya itong muli.
His eyes were sparkling. Naiinis talaga siya dito. Hindi. Mas naiinis siya sa sarili niya kasi hindi niya kayang mairita sa isang ito. Kanina pa siya nito kinukulit. Kung ibang lalaki lang ito ay kanina niya pa nasapak. At hindi iyon sinabi ko lang.
BINABASA MO ANG
Pakisabi Na Lang (A JaiLene Fanfiction)
FanfictionSa kabila ng pang-MMK na istorya ng kanyang buhay ay nanatiling kalog at maloko si Shirley. Ba't ba niya kailangang indain ang mga problema? Malulungkot lang siya. At wala na din namang magbabago kung iiyakan niya pa ang mga bagay na hindi niya na m...