CHAPTER 30

996 38 14
                                    

Kinabukasan ay walang regular classes. Nagbigay lang ng pointers to review o 'di kaya'y mabilisang backtrack ng mga lessons ang mga teachers nila. Nag-review siya kagabi para sa unang mga subjects na ite-test.

Nakakapanibago talaga ito'ng pagse-seryoso sa pag-aaral na ginagawa niya. Nararamdaman niya na ang unti-unting pagbabago sa kanya simula no'ng malipat siya sa pilot section. Simula no'ng maging kaibigan niya si Drake.

Hindi niya alam kung dapat ba siyang kabahan doon o matuwa.

"Shirley! Hindi ko alam na nandito ka pala," mahinang kausap ni Johanna sa kanya sa library. Kasalukuyan niyang tinatapos ang huling mga special quizzes para sa kanya.

Hinugot nito ang silya sa kanyang tabi at naupo doon.

"Nasa school ka pa pala?" nagtataka niyang tanong. Halos lahat ng mga kaklase nila ay nauwi na para makapag-aral.

Tinuro ni Johanna ang mga librong dala nito, "Hindi kasi kumpleto ang libro ko kaya dito ako sa library tatambay.Ikaw? Ano iyang ginagawa mo?"

"Special test para sa'kin," pagkikibit niya ng mga balikat.

"Ah, nakapag-aral ka na? Gusto mo ba tulungan kita diyan?"

"Hindi huwag na. Malapit na din naman ako matapos. Magre-review na din ako dito," naka-ngiti niyang sabi.

Madali lang sa kanya ang ngumiti at maging mabait kay Johanna dahil sa pagiging mabait nito. Idagdag pa na nalaman niyang si Mang Ariel pala ang ama na tinutukoy ni Kiray. Matagal na niyang kakilala si Mang Ariel at madalas ay napagti-trip-an pa nilang magka-kaibigan.

Nag-aral si Johanna habang siya ay tinatapos ang gawain niya. Pagkatapos maipasa ang mga iyon ay bumalik siya sa library para naman makapag-simula na din sa pag-aaral para sa exam. Mabuti na lang at wala dito sina Marj at Paul kung hindi asar ang abot niya sa mga iyon.

Siya na pasimuno ng pagbubulakbol at pagpapabaya sa Section F ay nakatambay sa Library para mag-aral? Baka isipin ng mga iyon na malapit na ang araw ng paghuhukom kaya nagpapakabuti na siya.

Hapon na sila natapos ni Kiray sa pag-aaral. Kung hindi pa sila sinabihan ng librarian na isasara na ang library anomang oras ay hindi pa nila mamalayan na alas-sais na pala.

Gaya ng dati ay sabay sila nitong naglakad pauwi.

"Nakita ko si Drake kanina sa pintuan ng library," ani Johanna.

Nabigla siya sa narinig dahil wala namang Drake ang nagpakita sa kanya. "Talaga?"

Nilingon siya nito, "Bakit? Hindi mo nakita?"

Umiling siya.

"Ang akala ko ay hinatid ka doon. Nitong mga nakaraang linggo ay napansin ko na kayo ang palaging magkasama ni Drake lalo na kapag uwian."

Napalunok siya ng malaki-laking laway sa sinabi ni Johanna sa kanya. "G-Gumagawa kasi kami ng research paper."

Ngumiti si Johanna bago bumaling sa harapan. "Ang suwerte mo nga, e."

"S-Suwerte?" nauutal niyang tanong. "Bakit naman? Dahil matalino si Drake?"

"Hindi. Kasi ang guwapo ng ka-partner at katabi mo sa upuan," humagikgik ito.

Halos mapanganga siya doon. Huwag sabihin sa'kin nito ni Kiray na... "May crush ka kay Drake?!" pakiramdam niya kailangan nilang huminto dalawa para mapag-usapan ito!

Namula ang pisngi ni Kiray ngunit hindi nawawala ang pag-ngiti, "Sino ba namang hindi? Guwapo naman talaga siya. Matalino at mabait pa. Palagi niya ako'ng nginingitian tuwing binabati o kaya bini-biro-biro. Sino'ng hindi mahuhulog?"

Pakisabi Na Lang (A JaiLene Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon