CHAPTER 38

798 40 2
                                    

Nagpa-init siya ng tubig para ipang-kape. Kumuha din siya ng bimpo at palanggana saka iyon pinuno ng tubig. Pagkatapos ay bumalik siya sa sala sa aktong nagsusuka ang kanyang ama sa sahig.

Binaba niya ang palanggana sa center table at dinaluhan ito. Tinapik-tapik niya ang likod ng ama habang patuloy ito sa pagsuka.

Sunod-sunod ang naging pag-ubo nito pagkatapos. Wala na kasing mailabas pa ito mula sa tiyan. Pulang-pula na ang mukha, leeg at tainga ng kanyang papa dahil sa pag-ubo.

Tumakbo siya sa kusina para kumuha ng tubig para dito. Mabilis din siyang bumalik upang pa-inumin ito. Pina-upo niya ito at inalalayang uminom habang nililinisan ang mukha ng tatay niya. He reeks of vomit and booze ngunit hindi siya nandiri.

Bahagya nitong iminulat ang mga bumabagsak na mga mata sa kanya. Nakaramdam siya ng kaunting takot sa mga matang iyon ngunit hindi siya nagpatinag.

"K-Kumain ka na ba, Pa?" kaswal niyang tanong. Na para bang normal na nandito siya. Na parang normal na inaalagan niya ito. Na parang normal ang lahat ng nangyayari sa mga buhay nila.

Tinabig ng papa niya ang kamay niyang may hawak ng baso kaya natapon ang tubig sa sahig. Bumalik ito sa pagkakasandal sa arm rest ng sofa at pumikit. Nang makita niyang mabagal na ang paghinga nito ay saka siya kumuha ng panglinis para malinisan ang suka sa sala.

Halos treinta minutos siyang naglinis doon. Nang matapos ay binihisan niya ito ng panibagong t-shirt at pinunasan muli ng binasang bimpo upang maginhawaan. Naghanda din siya ng kape at pagkain nito. Instant na sopas lang ang naroon kaya iyon na lang ang kanyang niluto para dito.

Bumalik siya sa sala para mapakain na ito.

"Pa...kain ka," tawag niya.

Ilang sandali ito'ng hindi nagsalita. Ang akala niya ay malalim talaga ang pagkakatulog nito nang bigla ito'ng magmulat ng mga mata. Malayo ang tingin nito at bumabagsak-bagsak pa ang mga talukap.

"Bakit ba nandito ka na naman, ha? Hindi ka ba talaga matuto-tutong bata ka?" anito sa kalmadong tono.

Tinignan niya ang mga daliri. Parang nais niyang maiyak dahil sa tanong na iyon. Bakit siya bumabalik dito? Kasi mahal niya ang tatay niya. Bakit siya hindi matuto-tuto sa mga pananakit nito sa kanya? Dahil ito ang bahay niya. Ito ang pamilya niya. Kung mayroon mang lugar sa mundong ito kung saan dapat siya ay dito iyon.

Kaya kahit ano'ng mangyari ay babalik at babalik siya. Isasantabi niya ang sakit at aaktong parang walang nangyari noong nakaraan. Na parang hindi siya nito halos patayin noong nakaraan.

"Kain—" nilingon niya ito ngunit naiwan sa bibig niya ang kanyang mga salita nang makita na tumutulo ang luha sa mga mata nito. "P-Pa..."

"Kaya ikaw...huwag na huwag kang tutulad sa'kin. Dapat ngayon pa lang ay matuto ka na, Shirley..."

Hindi niya maintindihan ang sinasabi ng kanyang ama ngunit nanatili siyang tahimik.

"Huwag na huwag mo'ng ipipilit ang pagmamahal mo sa isang tao. Kasi sa huli..." tumawa ito. Halatang lasing pa din. "Sa huli ikaw ang dehado't masasaktan. Tandaan mo iyan, ha? Huwag kang tanga. Huwag ka nang tumulad sa'kin. Kung hindi ka niya mahal...kahit kailan ay hindi niya tatanggapin ang pagmamahal mo. Kahit ano'ng ayos mo sa buhay mo, kahit ano'ng tino mo, kahit gaanong pagmamahal ang ibigay mo...wala iyon. Walang saysay. Kasi hindi ikaw ang mahal niya. Hindi ka mahalaga."

Is he talking about him and her mother? Ang nais ba nitong sabihin ay hindi ito mahal ng kanyang ina? He's not making any sense to her! Totoo ba ito? O kaya lang nasasabi ay dahil lango sa alak?

Pakisabi Na Lang (A JaiLene Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon