"Kill joy," bulong niya sa sarili habang pinagmamasdan si Drake na naglalakad kasama ni Joaquin pabalik doon sa shower area.
"Tara na Shirley! Baka may makakita pa sa atin dito!" sigaw ni Marj sa kanya.
Tumakbo na silang apat patungo sa likod ng school. May butas sa pader doon na lusutan din nila tuwing magkakayaang mag-arcade sa mall kapag nababagot na sa mga klase. Hinihingal pa sila ng makarating doon. Ninja moves kasi sila upang walang makakita sa kanilang apat.
"Grabe, success!" sigaw ni Marj. Nagtawanan ang tatlo habang siya ay hindi niya mawari ang problema.
She should be happy. Nakaganti na siya sa mayabang na Joaquin na 'yon at nasisiguro niyang natutunan na nito ang leksiyong nais niyang ituro. But she can't feel anything now. Not even happiness. Nagi-guilty ba siya?
Of course not.
Deserve ng Joaquin na 'yon ang nangyari dito. He's asking for it at ibinigay niya lamang dito ang nais nitong manyari. Isa pa, parang hindi naman nila ginagawa ito noon. Ganitong-ganito sila gumanti kapag may naninindak sa kanilang magka-kaibigan.
Pero hindi niya maiwasang makaramdam ng mali. Ng hindi tama. Is it because of that stupid Drake? Iyong sigaw nito na tila galit na galit kanina? Pakiramdam niya ba ay naka-direkta ang sigaw na 'yon para sa kanya kahit na hindi naman?
But why would she even care? As if his opinion matters! As if his reaction matters!
Stupid, Fredrick Reuel Lagdameo.
Isang tapik ang pumutol sa kanyang pag-iisip. Nilingon niya si Bianca, "Kanina ka pa tahimik diyan, a." Nangingisi nitong sabi.
Sumandal siya sa pader upang pansamantalang habulin ang kanyang hininga. Malayo-layo din ang tinakbo nila. Wala namang makaka-kita sa kanila dito dahil masyado na itong malayo sa kabihasnan. Kaya nga nagawa nilang makagawa ng butas sa pader ng walang faculty na nakaka-alam.
"Ah, wala. Nasaan sila Paul?" tanong niya upang hindi na pansinin ng mga ito ang biglaang pagbabago ng mood niya.
Nanatili ang mga mata ni Marj sa kanya. Her eyes were searching for something but she didn't give anything away.
"Nasa kitaan pa din."
Ang tinutukoy nitong kitaan ay ang bakanteng lote na ilang metro lamang ang layo mula sa school. May mataas na punong acacia doon kaya malilim kahit na tirik ang araw sa tanghaling tapat.
Naalis na nila Marj ang gulong at ilang baging na ginawa nilang pangtakip doon sa butas. Isa-isa silang lumusot doon dala ang kanya-kanya nilang mga gamit. Habang nagpapagpag ang mga ito ng uniporme ay siya namang hagilap niya sa cap niya na nasa kanyang bulsa.
Natigilan siya nang walang makapa doon. Sinubukan niya ulit dumukot sa bulsa niya kahit na sigurado siyang wala nang makakapa pa doon.
Dinampot niya ang bag na nananatili sa lupa. Tinignan niya kung naroon ang cap niya pero nasisiguro niya talagang nasa bulsa lang iyon ng palda niya.
"Shit..." bulalas niya nang walang makitang sombrero.
"Bakit?" tanong nina Gia, Bianca at Marj nang madinig siya.
"Nawawala 'yung cap ko."
"Ha? Tignan mo baka nandiyan lang," ani Marj.
Pero wala talaga. Akmang lulusot siya muli sa pader nang pigilan siya nito sa kanyang braso. Nilingon niya si Marj. "Kailangan ko'ng bumalik! Baka nahulog iyon sa likod ng gym!"
"Huwag na! Paano kung may makakita sa'yo doon? Paano kung nandoon na iyong tito Spencer mo?! Tara na!"
She has a point. Hindi siya maaaring basta na lamang bumalik doon sa loob. Nasisiguro siyang mahuhuli na siya kapag nagkataon.
BINABASA MO ANG
Pakisabi Na Lang (A JaiLene Fanfiction)
FanfictionSa kabila ng pang-MMK na istorya ng kanyang buhay ay nanatiling kalog at maloko si Shirley. Ba't ba niya kailangang indain ang mga problema? Malulungkot lang siya. At wala na din namang magbabago kung iiyakan niya pa ang mga bagay na hindi niya na m...