CHAPTER 13

984 35 2
                                    

Digital ang karma, iyon ang napatunayan niya.

Matapos kasi niyang magbihis ng school uniform nila ay naramdaman niya na ang pananakit ng puson niya. Hindi naman iyon ganoon kasakit para kailanganin na niya ng gamot. Pero habang dumadaan ang oras ay mas lalo lang niyang nararamdaman ang pamimigat doon.

Pinunasan niya ang pawis habang pilit na sinasagutan ang quiz nila sa Filipino. Kung bakit naman sa dinami-dami ng araw ay ngayon pa! Puwede namang bukas dahil Sabado at nasa bahay lang siya!

"Pinaka-mababang marka, ten over twenty five? Gaano ba kahirap ang quiz na ibinigay ko sa inyo?" sabi ng Filipino teacher nila matapos ma-check-an ang mga papel at mai-record.

Nasa kanya na kaagad ang atensiyon ng lahat. Siyempre, siya lang naman ang nakakuha ng ganoon kababa. Most of her classmates got an almost perfect score. Ang mga kaibigan ni Drake, kasama ito, ay nakakuha pa ng perpektong mga marka.

Of course, they're the alpha group in this section. Bukod sa mga sikat dahil pawang may mga itsura, silang lahat ay pawang mga achievers. Palaging nasa top ten. Laman ng mga recognition days at kung ano-ano pa'ng mga bagay na isinusuka niya.

Napa-irap na lang siya sa kawalan. 'Di pa kasi siya diretsahin nito. May patanong-tanong pa sa kanilang lahat.

"Sa susunod sana ay wala nang ganito. Mag-aral kayong mabuti. Magsisipag-tapos na kayo at sa susunod na taon ay mga kolehiyo na. Hindi puwede doon ang mga tatamad-tamad," nakatuon pa rin ang atensiyon nito sa kanya.

"Yes, ma'am," sabay-sabay nilang sabi. Sa kanya pa ang pinaka-malakas na boses kahit na siya talaga ang pinapatamaan nito.

Nailing lamang si Mrs. Francisco bago niligpit ang mga gamit at lumabas ng class room. Ito na ang huling subject nila. Lalo lamang niyang naramdaman ang pamimilipit sa kanyang puson. Kailangan niya nang umuwi.

"May problema ba, Shirley?"

Napabuntong-hininga siya nang madinig ang boses na iyon ni Drake sa kanyang likod habang naglalakad palabas ng school. Nakapatong pa ang dalawa niyang kamay sa ibabaw ng kanyang tiyan.

"Kanina ko pa kasi napapansin na parang namimilipit ka sa sakit. Kaya ba mababa score mo sa quiz dahil diyan? You should've told our teacher..." patuloy nito.

"Bakit hindi mo maisip na baka kaya mababa ako kasi hindi ako nag-aral?" pagtataray niya dito. "Lumayo-layo ka nga muna, Drake. Baka hindi talaga matantiya ngayon. Next week ka na ulit mang-asar."

"'Di pumayag ka na na maging tutor mo. Ayos lang naman sa'kin, e. Tara sa library."

Umiling siya. Nawawalan na siya ng lakas na makipag-talo pa dito. Naglakad na lang siya pero nadidinig niya iyong mga paghakbang nito sa likod niya. Sinusundan na naman siya ni Drake.

Ilang hakbang pa ang ginawa niya at hindi niya na talaga kinaya. Naramdaman niya ang paghawak ng kung sino sa kanyang braso at bewang. Hindi na siya nabigla nang malingunan si Drake.

"Ano ba'ng problema? Idadala na kita sa clinic!" seryoso nitong sabi.

Napabuga siya ng hangin. "I'm fine, okay? PMS lang 'to." mariin niyang sabi dito. It feels weird to talk about this to him!

Tinignan siya ni Drake na punong-puno ng pagtataka. "What's PMS?"

Finally...something that Drake Lagdameo doesn't know. Inirapan niya ito at binawi ang braso niyang hawak-hawak pa rin nito. "Huwag mo nang itanong ang meaning. Search mo na lang."

"Oh...PMS..."

Napa-ikot na lang siya ulit ng mga mata.

"Ngayon, puwede na ba ako'ng umalis?"

Pakisabi Na Lang (A JaiLene Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon