CHAPTER 61

1.5K 49 28
                                    


"Bakit hindi ka sa bus na designated para sa Section A sasakay?" tanong ng kanyang Tito Spencer sa kanya habang nasa harapan ito ng laptop nito. Bukas na ang kanilang field trip pero ngayon lamang niya ipinagpapaalam ang nais na mangyari.

"Last na field trip na kasi namin ito ng mga kaibigan ko bilang high school. I want to be with them," dahilan niya.

Napabuntong-hininga ito sa kanya. Inalis nito ang salamin at hinilot ang pagitan ng mga mata bago muli iyong ibinalik at hinarap siya. "The lists were already made. I can't just call the faculty in charge to change that."

Npanguso siya. "Tito naman. Siguro naman puwede iyang magawan ng paraan. Mabait naman na ako, e."

"And that's because you're dating Lagdameo."

Napamulagat siya sa sinabi ng kanyang tito. It's been two weeks since the last time Drake confessed his feelings for her to him pero ni minsan ay hindi ito nagbigay ng komento. Ngayon lang yata ito nagsalita tungkol doon.

"W-We're not...really...like that."

Pinaningkitan siya nito ng mga mata. "Hindi naman ako tutol kung sakali. Drake's a good guy and he's a good influence to you. Malaki nga ang itinaas ng iyong mga marka sa school. But you should know your limitations and your priorities—"

"Tito! Tigilan mo nga 'yan. Ang awkward!" reklamo niya. "Bumalik na tayo sa talagang pinag-uusapan dito."

"Si Drake ba ang dahilan kung bakit ayaw mo'ng sumabay sa bus ninyo?" tanong nito. "Nag-away ba kayo? Call him and I'll talk to him right now, Shirley."

"Hindi nga tito! Ang kulit!" Pero sa totoo lang ay iyon ang kalahating katotohanan. Ayaw niyang makatabi si Drake sa bus. She doesn't want to draw any attention. Sobrang awkward siguro no'n kapag nagkataon. "I just want to be with my friends. With Paul."

Ginamit niya na ang pangalan nito para mas makumbinsi ang kanyang tito. Alam nito na kapag hindi siya napagbigyan ay si Paul ang gagawa ng paraan sa pamamagitan ng papa nitong miyembro ng board. The perks of being his friend.

"Sige na, sige na," pagtataboy nito sa kanya.

Halos magsisigaw siya sa tuwa dahil doon. As much as she wanted to be with Drake, hindi pa rin niya talaga kayang i-expose ang kung ano mang mayroon sila sa madla. Sa tingin nga niya'y hindi pa nalalaman ni Erika dahil wala pa naman ito'ng ginagawang aksyon. But she's sure that once she finds out, baka kalbuhin siya nito sa sobrang inis. Or worse, si Drake pa ang mapag-initan.

Iyon naman talaga ang problema. Kung sa kanya lang di-direkta ang mga pangungutya ay wala siyang pakealam. Buong buhay niya ay iyon ang kinaharap niya. But Drake on the other hand doesn't deserve it. Baka mamaya pati iyong paghihiwalay nito at ni Allie ay dito pa ibunton kapag nalaman ng lahat na nililigawan siya ni Drake.

"I'm excited for tomorrow," kausap ni Drake sa kanya nang tumawag ito. He really sounds excited. Hindi niya alam kung paano sasabihin dito ang balita.

Humugot siya ng malalim na hininga at pinagmasdan ang sketchpad niya na drawing na naman ng mukha ni Drake ang nakaguhit. "Sa bus ako nila Marj sasakay."

Nakarinig siya ng mga pagbagsak sa kabilang linya. Sigurado siyang ang lego na naman ni Drake iyon. Naikuwento nito sa kanya na paborito nga nito iyon at sa katunayan niyan ay nangongolekta ito no'ng Lego minifigures.

She finds it cute.

"What?! Why?" bagsak na bagsak naman ngayon ang tinig nito.

"I...want to be with them. Ito na ang huling field trip na mga high school kami. Nami-miss ko din naman ang mga kaibigan ko," pagdadahilan niya. Na-realize niya lang na napakasama niyang kaibigan dahil palusot lang naman ang mga ito.

Pakisabi Na Lang (A JaiLene Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon