CHAPTER 52

1K 40 10
                                    

One am and she's still up. Dilat na dilat ang mga mata ni Shirley na nakatitig sa nakapatay na ilaw sa kanyang kisame. Damn Drake and his kiss that just can't make me sleep! Hanggang sa mga oras na ito kasi ay paulit-ulit na nagre-replay sa utak niya ang paghalik ni Drake sa kanya.

Why did he do that anyway? Ang buong akala niya ay gusto lang nitong kumain ng lugaw tapos uuwi na lang siya na hindi na 'virgin' ang mga labi niya? What a term.

Baliw na Drake talaga. Hindi niya maintindihan kung ano'ng trip nito sa buhay. Sawang-sawa na ba ito sa mga labi ni Allie kaya gusto nitong tumikim ng iba? At sa dinami-dami ng labing gugustuhin nitong halikan ay ang mga labi pa niya.

Bumango siya sa kama at binuksan ang ilaw. Tumayo siya sa tapat ng tukador niya kung saan nakadikit ang isang malaking salamin sa harapan. Tinitigan niya ang labi niya na walang kulay sa ngayon.

She touched it. Parang gusto niyang matunaw sa matinding kaba sa kanyang dibdib...at, oo na, kilig! Shet. Totoo ba'ng hiwalay na si Drake at si Allie? Kaya ba level up na si Drake at nanghahalik na? Kaya siya iyong panakip-butas gano'n?

Hay ewan! Gusto ko nang matulog!

Pero sa mga sumunod na araw ay ganoon pa din ang nangyari. Idagdag pa ang araw-araw na pagtawag ni Drake at pagte-text sa kanya. He wanted them to talk. Ano ba'ng pag-uusapan? For sure ay hihingi lang naman ng sorry iyon dahil sa nangyari dahil kesyo nabigla o ano.

Lintik na 'yan.

"Hi Shirley!"

Napalundag siya nang basta na lamang lumitaw si Marj sa pintuan ng bahay nila. Kakatapos niya lang maglinis ng bahay. Wala ang Tita MJ niya dito dahil nasa salon, ang Tito Spencer naman niya ay may trabaho na sa school para sa nalalapit na pasukan na naman sa Lunes.

Oh, damn it, she forgot. Pasukan na naman pala! Ang ibig sabihin niyan ay wala na naman siyang kawala kay Drake Lagdameo! Bullshit!

"O-Oh, Marj!" inayos niya ang magulong buhok. "Bakit bigla-bigla ka na lang dito? Hindi pa ako nakakaligo!"

Natawa si Marj. Siyempre, alas tres na kaya ng hapon. Late na naman kasi siya nakatulog kagabi dahil sa lintik na Drake na 'yan. After that kiss, he never left her mind! Ever!

"E, kasi po ilang araw ka nang walang paramdam. Akala namin pumasok ka na ng kumbento," natatawa nitong sabi saka naupo sa sofa nila ng nakataas pa ang mga paa.

"'Di ba nga busy ako? Tumutulong ako kay Tita," palusot niya pero totoo din naman. May mga araw na tumutulong siya sa salon. Naglilinis din siya doon.

"Maniwala ako sa'yo. If I know nandito ka sa bahay niyo magdamag at nakanganga!" irap nito sa kanya. "Sumama ka sa'kin ngayon. May game sina Paul sa isang indoor basketball court diyan lang sa malapit."

Napakamot siya ng ulo, "Sila Gia na lang ang yayain mo. Kita mo ngang walang tao sa bahay!"

"Wala din iyong mga iyon, e! Dali na. Ako lang ang babae doon kung sakali ano!"

"Wala ba iyong mga babae ni Paul? Madami kayo, a."

Hinagisan siya nito ng throw pillow, "Gagi! Subukan niya."

Napataas ang kilay niya dito at napangisi, "Wow. Girlfriend?"

"Oo," agaran nitong sagot.

Hindi na rin siya nagulat doon. Halata naman niya simula pa noong magsimula ang school year nila bilang fourth year high school. At kahit noon pa man ay hindi na taliwas sa lahat na may crush iyong si Paul kay Marj.

Pakisabi Na Lang (A JaiLene Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon