[Chapter 4]
**Kim’s POV**
Nagising ako nang may kumakatok sa pintuan. Nurse siguro. Haaaaay! Magda-dalawang linggo na akong confined, and I’m fine already! Tumataba na nga yata ako kasi masyado silang segurista sa pagpapa-kain sa’kin, at hindi naman ako nakakapag-exercise masyado.
“Pasok po.” Sagot ko sa kumakatok.
“Anak!!!” I gasped.
“Mommy??!!” Tumakbo papunta sa’kin si Mommy.
“Kyaaaaaaah!! I missed you baby, Sorry ngayon lang ako naka-dalaw ah? Alam mo naming busy sa work si Mommy. Inaalagaan ka ba nila nang maayos dito?”
Baby daw, 16 na kaya ako! Haha!
“Yup Mom, tumataba na nga ako oh!!”
“Haha! Okay lang yan! You’re still beautiful, mana ka sa’kin eh!” Yeah! Mana talaga ako sa Mommy ko. Kung titingnan nga parang kapatid ko lang siya. Hindi naman siya nagpapaayos ng mukha. Kyaaaah! Sana ganun din ako paglaki ko. Hoho!
“Haha! Eh, si Dad po pala?”
“Eh? Kanina lang katabi ko siya ah?”
Biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Daddy na mukhang haggard na haggard.
”Oh my gosh Siopee, what happened to you???” Siopee at Siomee ang tawagan nina Mommy at Daddy. Hindi nila sinasabi kung bakit huhu.. Pero sabi ng mga kaibigan nila, nakaka-inlove daw talaga ang love story nila.
”Kanina lang naka-sunod ako sa’yo, eh bigla na lang may humila sa’kin at pinagkaguluhan na ako.” Ang gwapo mo kasi Dad. Haha!
”Tsk. Kawawa ka naman. Haha!” Sabi ni Mommy.
Ang saya naman, family day kami! Haha! Solong anak lang ako kaya sa akin lahat ang attention nila. Ayaw na nila akong sundan, kasi mahirap mag-buntis si Mommy. Mabuti na nga lang at naka-survive kaming dalawa ni Mommy non.
Ay! May kuya pala ako, si Kuya Sio-Sio. Yung stuffed toy na binigay daw ni Daddy kay Mommy noon. They’re one weird couple, aren’t they?
At tungkol sa mga nasabi ko na hindi ako mahalaga sa kanila at palagi akong mag-isa, well.. Nagda-drama lang ako nun. Malngkot kaya masyado ang mag-isa sa hospital! Busy palagi sina Mommy at Daddy sa trabaho nila. Pero naiintindihan ko naman, immature lang talaga ako at times.
”Nga pala anak, may good news kami sayo!” Sabi ni Mommy.
“Really? Spill it Mom!”
“We’re going home!! Because you’ve been a good girl, makakalabas ka na! Kaya dali, mag-bihis ka na, ininvite namin ang mga close friends mo, maghahanda tayo ng konting celebration para sa’yo..”
“Talaga!! Kyaaaaaaah!! I’m really happy!!”
Sa wakas!! After two weeks, hello real world na ulit ako!!
Promise iwasan ko na talaga na maospital ulit, though hindi ko alam kung maiiwasan ko nga yun. Ayoko na sa hospital! I hate needles!
Ayoko rin na nagaalala silang lahat sa’kin. Ingat na ingat pa naman sila sa’kin. Kaya nga lahat ng gusto ko binibigay nila. Only child nga ako kaya gusto nila masaya ako palagi.
Si Mommy naman, ang bilis umiyak sa tuwing magfe-faint ako! I’m not that close to dying! Okay pa ako, nakakapang-bully pa nga ako eh! Oops. My bad. Haha!
They allow me in everything I want to do pero syempre, yung mga safe na bagay lang naman at yung hindi bad influence.
Hindi pa naman ako pinag-babawalan sa strenuous activities kaya pati yung mga activities na hindi karaniwang ginagawa ng typical girls eh pinapasok ko. My parents are proud of me!
Nakakatuwa rin na hinayaan nila akong matuto ng self-defense. Kaya ni minsan, hindi ako nagalaw ng mga nag-tangkang gumalaw sa’kin. They faced my fist and the heels of my feet instead. ^______^ Ang astig kaya! Pati nga yung bestfriend ko nai-inlove sa moves ko. Haha! Joke.
Marami pang bagay-bagay tungkol sa sarili ko na hindi alam ng marami. Well, lalabas at lalabas din yon.
For now, e-enjoyin ko muna ang feedom ko!! Horraaaaaaay!!
BINABASA MO ANG
Now Should Be Forever
Teen FictionMeet two persons who met their love in the most unexpected time and way. This is Love Team's Sequel.