Kharu’s Corner:
Good evening! Salamat sa lahat ng nagbabasa up to this point ha? Sana hindi naman kayo naa-aburido sa flow nito. Bwaha!
I suddenly felt the need of inserting conflicts in this story. Siguro naman nafi-feel niyo kung ano yun. ..
Tanong lang kayo kung may tanong, Thank you po! Godbless. ^_____^
********************************************************************
[Chapter 28]
**Kim’s POV**
Pagka-tapos naming sa racing camp, sinabi k okay Popoy na umuwi na lang kami. Magla-lunch na rin kasi at may appointment pa nga kami after lunch.
Tahimik lang kami, ay ako pala. Palagi naman siyang nago-open ng topic pero tahimik lang akong naka-hawak sa kanya habang nasa motor kami, hanggang sa maka-rating na kami sa gate ng village.
”Oh, sige dito na ko. Thanks!” Binigay ko sa kanya yung helmet ko tapos tumakbo na ako papunta sa loob. Hay, di ko na alam ang ginagawa ko..
Di ko na lang namalayan na nasa tapat na pala ako ng bahay namin. Hiningal nga ako eh. Takbo ako nang takbo, wala namang humahabol sa’kin. Sobrang pakiramdam ko napagod ako kahit na hindi naman ganun kalayo ang natakbo ko. Pasaway.
”Oh, Kim! Bakit naman pawis na pawis ka? Masama sayong mapagod! Pumasok ka na at naka-handa na ang tanghalian sa loob.” Inalalayan ako ni Manang papunta sa loob.
Nag-bihis ulit ako ng damit, tapos nag-diretso na sa dining room. Pagka-tapos kasi nito diretso na kami kay Dra. Estrella.
~Popoye the sailorman..~
Tumingin sa’kin sina Mommy, Daddy at Manang.
Nakakahiya! Ang weird kasi ng ringing tone ko!! >_____<
”Uhmm.. Hehe, Excuse me lang po.” Umalis ako sa kitchen at nag-punta sa may pintuan para sagutin yung tawag. Alam ko na kung sino. Sa kanya lang naman naka-assign yung ring tone na yun eh.,
”Hello Popoye---- Este, Popoy?” Ooops.
”Uhh. Hehe! Nasa inyo ka na?”
”Yup!”
”Kumain ka na ha, ah, sige..”
”Ah, okay, thanks!”
”Uhmm.. Kim?”
BINABASA MO ANG
Now Should Be Forever
Novela JuvenilMeet two persons who met their love in the most unexpected time and way. This is Love Team's Sequel.