[Chapter 11]
**Kim’s POV**
“Kyaaaaaaaaaaaaaah!!! Really Mom? Ang saya!! Haha!!” Napa-talon ako sa tuwa at niyakap at ki-niss si Mike.
”Just be careful okay? Bawal ka pa ring mapagod ng sobra, pinag-bibigyan ka lang namin.” Sabi ni Mom.
Niyakap ko sina Mommy at Daddy.
“Thank you po!”
“Sige, mag-stroll ka na kung gusto mo. I know you missed Mike. Just be sure to be back at 3PM okay?”
“Yay! Sure thing Mom!” Sinuot ko yung helmet ko at sumakay kay Mike.
Ay! Meet Mike, my big bike. Haha! Kala niyo kung sino ‘no? Violet siya, fave color ko tapos may prints. Cool nga daw eh. XD
Gosh!! Sibrang na-miss ko mag-stroll gamit si Mike! Three weeks ko na siyang ‘di nahahawakan Waaaaaaaaaa!
Bawal ako lumayo ng sobra kasi limited lang naman ang kaya ng student’s license ko. Sa ngayon, sa buong subdivision pa lang ang naaabot ko. Pero minsan kapag pasaway talaga, nakakalabas ako. ;P
Saturday ngayon kaya easy-easy lang ako. Nahabol ko na rin naman lahat ng lessons kaya okay na ako.
Saan naman ako pupunta? 12PM pa lang, 3PM pa ang uwi ko.
Sa mall? Naaah.
Sa Park? Naaah. Ano namang gagawin ko dun. Psh.
Sa arcades? Ayaw ko rin! Loner ako today eh.
Bigla kong naisip yung mga bagay na madalas kong ginagawa bago ako ma-confine.
Gusto ko ulit gawin. Good girl na naman ako eh! *Q*
Gun Shooting or Car racing? O Archery studio kaya? Kyaaaaah, isa lang dapat! Ang hirap mamili!
Ampf. Sige, Car Racing muna. Na-miss ko eh! Nasimulan ko na naman sa motorcycling kaya okay din yun! Connected! Muhaha!
Tinext ko kina Mommy na pupunta ako sa Car Racing camp sa loob ng village. Weeeeeeeeeeeh! Na-miss ko ‘to!
5mins. lang at nandoon na ako.
Pi-nark ko muna si Mike tapos pumasok na ako.
Kumusta naman yun? Outfit na outfit ako, naka-skinny jeans tapos Fit na shirt. Syempre, nag-motor ako eh. Ang pangit tingnan kapag hindi naka-pants. Haha!
”Kim?” May tumawag sa’kin sa likod.
”Sir Gilbert!!!” Yumakap ako kay Sir. Siya yung nag-turo sa’kin magcar-racing.
BINABASA MO ANG
Now Should Be Forever
Genç KurguMeet two persons who met their love in the most unexpected time and way. This is Love Team's Sequel.