[Chapter 57]
**Popoy’s POV**
Tinawag kami ni Dra. sa office niya. May sasabihin daw siya. Sana good news na.Pagka-pasok na pagka-pasok naming nina Tito Paolo, binigla kami ng isang magandang balita.
”We have a donor.” Naka-ngiting sabi ni Dra.
”Talaga po? Sino po? Gusto kong mag-pasalamat ng personal!” Sabi ni Tito.
”Unfortunately, ayaw niyang magpa-kilala. Ka-edad ni Mrs. Valenzuela yung donor..” Napa-tingin kami kay Tita Yna, kitang-kita na nagkaroon ulit siya ng pag-asa. ”Sa isang nurse siya nag-sabi at sinabi niya na kay Kim nga raw siya magdo-donate.. Ang sabi lang niya, gusto niyang sabay silang operahan ni Kim, at sa parehong kwarto rin. Yun nga lang, ayaw niyang magpakilala unless tapos na ang operation.. Tinest namin at ka-match naman siya..”
”Salamat talaga sa Diyos.. Ngayon, may pag-asa na talaga!” Sabi ni Tita Yna.
”Pero problema pa rin natin yung operation. Sana kayanin ni Kim ang operation. Habang ongoing ang operation, parehong nasa critical stage ang donor at recipient. All you can do is pray. Next week, gagawin na natin ang operation. Aayusin lang naming yung papers. Excuse me.” Umalis na si Dra.
Naiwan kaming naka-ngiti. Kahit papaano, may donor na. Kailangan mo lang maging matatag Kim.
Pag-uwi ko, ibinalita ko kaagad sa barkada yun. Tuwang-tuwa sila at pinangako nila na nandun sila sa araw ng operasyon. Aantayin namin hanggang sa matapos ang operasyon.
Pati pala si Ace, alam na rin ang sitwasyon ni Kim. Gusto niya ngang pumunta rito pero sabi ni Kim, kami na raw ang dadalaw pagka-gumaling na siya. Lakas ng fighting spirit ng bride ko.
Dumating si Mama, niyakap ko kaagad siya.
”Oh, masaya ka yata ha?” Tanong niya.
”Sobra, Ma. May donor na si Kim! May pag-asa nang makaka-ligtas siya!!” Napa-ngiti si Mama.. Pero parang.. may mali sa kanya eh..
”Ma, saan ka ba galing?”
”Ah, wala. Namili lang ng konti. Boring dito sa bahay natin. Haha! Sige, akyat na ’ko. Napagod ako eh.”
”Ma naman kasi. Alam mong bawal ka mag-pagod. Akala mo kasit teenager ka na walang sakit.”
”Yeah right Anak. Haha! Okay lang ako no! Asahan mong hanggang next week eh Sige..” Tapos umakyat na si Mama.
Buti na lang hindi sakitin ngayon si Mama. Kundi, mababaliw na ko kapag yung dalawang babae sa buhay ko parehong naka-ratay sa kama.
Na-alala ko, si Mama ang pumipilit sa’kin na balikan ko si Kim. Totoo nga yatang mother knows best. Kung di dahil kay Mama, hindi ako makikipag-bati kay Kim, hindi ko malalaman na may sakt siya at hindi ko siya makakasama sa pinaka-malaking pagsubok sa buhay niya. Pweh. Baduy ko.
Basta, masaya ako ngayon.
Mukhang pinapakinggan naman ang mga dasal ko. Masyado nang loaded ang utak ko sa mga nangyayari.
Gusto ko naman maging masaya ulit kami nang walang iniisip at ina-alalang problema.Sana magtuloy-tuloy na.
[A/N: Next chapter, the operation.]
BINABASA MO ANG
Now Should Be Forever
Fiksi RemajaMeet two persons who met their love in the most unexpected time and way. This is Love Team's Sequel.