Kharu’s Corner:
Guys! Advance Merry Christmas and Happy New Year! Pasensya na, bihira lang talaga ako maka-hawak ng computer kapag bakasyon eh. Salamat! Godbless! Tell me if you have questions. ^____^
P.S: Pasensya na po kayo kung dalawang updates lang ito.. Sorry po talaga.. May aberya lang.. :’( Sorry talaga!!
********************************************************************
[Chapter 45]
(She’s… Back?)
**Popoy’s POV**
Ang aga naming na-dismiss ah! Tumawag ang tropa, magmeet daw kami ngayon. Ayos, walang riot ngayon eh.
2PM pa lang. Magpa-party kami ngayon sa clubhouse, sabay-sabay kaming na-dismiss eh. Bihira yun. Kami na-dismiss kasi hindi na dumating yung prof namin, sila ewan.
”Mga Bro!! Namiss ko ’tong clubhouse moments natin! Nung isang buwan pa tayo huling nakapag-party dito ah!” Sabi ni Louie pagka-pasok niya.
“Tsaka kaya nga pala ako nag-plano, kasi may sasabihin ako..” Sabi ni Christian. Siya kasi ang nagpa-tawag sa’ming lahat.
”Ano yun? Baka kalokohan na naman yan ha.” Sabi ko.”Hindi! Guys, seryoso ’to..” Lumapit naman kaming lahat sa kanya.
”Tuloy mo..”
”Kasi kanina, hindi ko sigurado pero.. may nakita akong babae..”
”Takte naman, babae lang pala!!!” Sabat ni Enzo”HEP!! Patapusin niyo muna ako!! Yung babae, pamilyar siya eh.. Maputi, mga hanggang balikat ni Popoy, sexy..”
”Oh tapos?”
”She looks like.. alot like.. Kim..” Mabagal na sabi ni Christian.“Seryoso??!!” Gulat na gulat sila.
”Oo!! Nakita ko siya sa building namin. Naka-ID siya! Mukhang bago pa siya kasi wala siyang kasama tsaka mukhang naliligaw siya kanina. Hindi ko siya malapitan.. Pero malakas ang kutob ko, siya talaga yun!”
Natahimik kaming lahat.
“Tss. Nonsense.” Tumayo ako. Aalis na ‘ko, wala nang kwentang usapan ‘to. Eh nasa Korea kaya yung babaeng yun!
“Oh, Poy!! Saan ka naman pupunta?”
”Aalis na ’ko dito. Walang kwenta yang topic niyo.. Alam niyo namang nagpapaka-sarap yun saKorea kasama yung lalaki niya ‘di ba?? Wag niyo na siyang hanapin. Imagination mo lang ‘yan Christian.”
“Eh paano kung siya nga yun?”“IMPOSIBLE! Kung nasan man siya ngayon, masaya siya dun! Kasama nung Ace na yun! Wag na siyang magkaka-maling umuwi dahil wala na siyang uuwian dito. Tsaka para saan pa at babalik siya? Tss.”
”’Tol naman.. Bitter ka eh.”
”Shut up!! Wag niyo ngang babanggitin ang pangalan niya. Wala na siyang lugar dito.”
Papalapit na ako sa pinto pero bago ko pa mabuksan, bumukas na yun..
There.. I saw her.. smiling at me.
”Ang sakit mo namang mag-salita.” Then she stormed inside the room.
BINABASA MO ANG
Now Should Be Forever
Teen FictionMeet two persons who met their love in the most unexpected time and way. This is Love Team's Sequel.