Chapter 48

1.5K 16 2
                                    

Kharu's Note:

Mga Bebe!! I do, Really really do apologize kung palagi kayong nabibitin sa updates na late na nga, maikli pa.. Sorry talaga.. Malapit na naman po ang pasukan, I'll be back on track by January 4 ulit.. Sorry po talaga, etong update, isa lang ulit at maikli.. Kasi, nagka-WiFi nga ulit sa'min, andyan naman ang mga asungot kong kuya.. Alam niyo yung feeling? T__T Sorry talaga, PROMISE babawi ako sa January.

Salamat po sa lahat ng nagvo-vote at nagfa-fan. Love you all! Happy New Year! Godbless us and our families. :**

*************************************************************************************************************************

[Chapter 48]

**Kim’s POV**

Sunday.

“Anak, gusto kong ihanda mo ang sarili mo sa kung ano mang maririnig mo kay Dra. Okay?”

”Sure, Dad. Matagal na akong nakapag-prepare.. Besides.. Eto yung desisyon ko eh..”

”Nag-mature ka na talaga, Kim..” Mom hugged me.

”Just be strong..” Pumasok na kami sa kotse, papunta na kami sa hospital.

Habang nasa byahe, tahimik lang kami. Siguro pare-pareho kami ng ini-isip.. Kung ano na kaya ang lagay ko ngayon..

Mukha naman akong healthy sa labas eh.. Pero ramdam ko, may hindi na tama sa katawan ko..

Naka-rating na kami sa hospital after 30. mins.

”Dra. Estrella!!” Nag-beso sina Mommy at Dra.

Nagulat si Dra. Nung makita niya ako.

”KIIM!! Oh my gosh! Saan ka ba napunta? Mahigit isang taon kang hindi pumunta rito!! Naku ikaw na bata ka!!”

”Sorry, Dra.. Nag-punta po ako sa Korea. Doon ako nag-aral for a year.”

”Eh bakit hindi ka nag-sabi? Hindi ka man lang nag-baon ng medicines mo!! Natatakot na akong i-test ka ngayon!” Mangiyak-ngiyak na si Dra. Napamahal na kasi siya sakin.. Simula bata ako siya na yung doctor ko..

”Sorry po.. Handa na naman po ako sa kung anumang kapalit nung mga ginawa ko eh.. I’m willing to do therapies..” Ngumiti ako at nakita kong ngumiti rin siya.

“Talaga? At last!!! Halika na, start na tayo..” Kumaway ako kina Daddy. Nakikita kong malungkot talaga sila..

Kaya ayaw ko nito eh.. masyadong naga-alala yung mga mahal ko sa buhay..

”Ano bang naisip mo at umalis ka nang biglaan ha?” Sabi ni Dra. Habang hinahanda niya yung mga gagamitin sa blood test.

”May kailangan lang po akong pag-isipan.. Privately..”

“Tsk. Naku.. Basta, gagawin natin lahat ng magagawa natin ha? May mga treatment na naman na makakapag-pagaling sayo..” Nginitian ko lang si Dra.

Natapos kami sa blood test.. Kinabahan ako.. Nakita kong hindi ngumingiti si Dra. eh dati palagi siyang naka-ngiti..

”Kim, Tell me..”

”Po?”

”Nakaka-ramdam ka ba ng symtoms? Honest answer.” Kinilabutan ako sa tono ng pananalita ni Dra.

”O-opo? Nagka-karoon po ako ng pasa kahit wala namang nananakit sakin.. Nightsweats.. Fatigue..”

Tumayo si Dra., pero pa-balik na siya kina Mommy.

”Dra., kumusta po? Okay lang po ba ako? Bakit pabalik na tayo kina Mommy?” Hindi sumasagot si Dra.

Kinakabahan na ako..

Nung makarating kami sa inu-upuan nina Mommy, napatayo sila.

”Kumusta Dra.?”

Umiling si Dra.. Oh no..

”Worse. Really really worse.”

[A/n: Sabi ko sa inyo, maili. Really Sorry. Dapat may kasunod pa pero pinapa-layas na ko nina Kuya. T__T]

Now Should Be ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon