Kharu’s Corner:
Sorry talaga kung naputol ‘to kagabi.. Asungot kasi yung kuya ko. Haha! Pati wifi dito asungot din. Huhu. Minerge ko na po yung kadugtong ah?
Play niyo yung Take Me I’ll follow ni Toni G.kapag nandun na kayo sa song, kung gusto niyo lang. ^___^
Thank you po, Godbless!
********************************************************************
[Chapter 56]
**Popoy’s POV**
Pagod. Puyat. Sakit ng Katawan. Stress.
Yan ang nakukuha ko sa ilang linggong pabalik-balik ako sa school, bahay at ospital. Pero kapag nakikita kong masaya siya, nawawala lahat ’yan..
Matagal na siyang hindi nakakapasok.. Baka kapag nagtagal pa ’to, mag-repeat na siya ng sem..
Ang bilis ng panahon.. Kung wala lang siguro siyang sakit, masaya siguro kaming nagde-date ngayon..
20th monthsarry namin at hindi ko alam kung paano ko ice-celebrate ‘to..
Oo masaya ako at kasama ko pa rin siya ngayon.. Pero masakit pa rin kapag nakikita kong halos wala na siyang buhok.. Kahit itinigil na yung chemo niya, andun pa rin yung side effect na yun..
Pero kahit wala na siyang buhok, walang magbabago.. Mahal na mahal ko pa rin siya.. Mas lalo pang minamahal sa bawat araw na dumadaan.
Nawawalan ako ng oras sa barkada pero naiintindihan nila.. Yung gang.. Sinuko ko na yung trono ko kay Kurt..
Natatakot akong iwan si Kim eh. Hanggang ngayon, wala pa kaming nakukuhang donor.. Ganun ba kahirap na makahanap nun? Kung pwede lang sanang ako na lang, kaso hindi kami match ni Kim.. Mas advisable daw kung galing sa kapatid, pero wala namang kapatid si Kim..
Di ko na alam.. Mababaliw na ’ko..
”Sige Popoy, papayagan kita.. Pero wag mo siyang papagurin ng sobra! Kailangan 8PM maibalik mo na siya dito.” Sabi ni Dra. Estrella.
”Sige po, Salamat!” Binaba ko na yung telepono.
Pinag-paalam ko si Kim kay Dra.. Gusto kong ilabas naman si Kim sa ospital ngayong monthsarry namin. Matagal na siyang di nakakalabas.. Aalagaan ko naman siya eh..
Pagka-tapos nga ng klase ko, dumiretso na ako sa ospital.
Nakita kong naka-bihis na siya.. Kitang-kita mo na lumuwag ang mga damit niya..
”Uy, ganda mo ah.” Ngumiti ako.
”Hmp. Bola! Happy Monthsarry!” Kiniss niya ako sa pisngi.
BINABASA MO ANG
Now Should Be Forever
Teen FictionMeet two persons who met their love in the most unexpected time and way. This is Love Team's Sequel.