Kharu’s Corner:
Readers! Sorry po ulit kung ilang araw di nakapag-UD ha? Exams kasi namin eh, sorry talaga! Ayoko namang i-rush ang mga pangyayari kaya kung hindi ko man matapos before Christmas party edi itutuloy ko by January. Mas mabuti yun kesa naman sa rushed chappies di ba? Sorry po talaga. *luhod*
And besides, patapos na ‘to. I want to make the most and the BEST out of it. Bwaha! Pasensya, I’m a natural spoiler. >__<
Salamat pa rin sa mga patuloy na nagbabasa.. Godbless!!
********************************************************************
[Chapter 39]
**Kim’s POV**
Nung nagising ako, na-realize kong nasa clinic na pala ako. I was expecting to see my boyfriend beside me but instead, I saw Ace.
“San si Popoy?”
“Tumatawag sa parents mo..”
“A-ace.. Ano bang pinag-usapan niyo kanina?”
“Nothing, really. It’s a guy thing.”
“Hindi mo sinabi sa kanya yung sakit ko?”
“Nope.. Hindi PA.” Diniinan niya yung ‘PA’
“Paano yan.. I broke down. Sasabihin mo na ba sa kanya?”Please.. Wag..
”That would be good.”
There you go. Yun na ang sign ng pagtatapos ng maliligayang araw ko..
“But then I won’t tell him.” Nagulat ako sa sinabi niya.
“Talaga??”
“Yup. Napag-isip isip kong hindi dapat ako ang mag-sabi nun sa kanya. Ikaw yun Kim. Hindi na dapat ako maki-alam since aalis na rin naman ako..”
”A-ano? Aalis ka??”
”Yeah.”
”Saan ka naman pupunta??” Iiwan niya ko??!!
”Babalik na ako sa Korea. Dun na ako magka-college. Nandun naman ang pamilya ko eh..”
Kung nandun ang pamilya niya.. Mukhang hindi ko na siya mapipigilan..
”Kelan alis mo..?” Naiiyak na ’ko..
”A week pagkatapos ng Graduation..”
”Ang lapit na... Mawawalan na naman ako ng Kuya..”
”Hindi pa no. OA mo Dongsaeng.” Pinisil niya yung cheeks ko.. Dongsaeng is the Korean term for a younger sibling.
Nakaka-asar naman eh.. Mami-miss ko nang sobra si Ace!
”Pero tingin mo, bakit ka nahimatay kanina?”
”Hindi ko rin alam eh.. Basta bigla na lang akong naka-ramdam ng pagod at panghihina kahit na wala naman akong ginagawa..”
”Hindi kaya dahil sa....”
”No!! No, hindi naman siguro.. Kasi mainit nga kanina.. Baka dahil lang dun..”
Natahimik kaming dalawa.. Bakit nga ba ako nahimatay?
Biglang dumating si Popoy..
”Hey Bridey! Okay ka na ba? May masakit ba? Nahihilo ka pa? Gusto mo ng tubig? Or iuuwi na lang kita? Pwede ka na naman daw umuwi sabi ni Ma’am eh..” Sunod-sunod niyang sabi.
Natawa na lang kami ni Ace nun.
”Easy dude.. Haha!” Napa-kamot sa ulo si Popoy..
Yan.. Yan mismo ang dahilan kung bakit ayaw kong malaman ni Popoy eh..
Nahimatay nga lang ako eh sobrang nagpa-panic na siya.. Eh paano pa kapag nalaman niyang may leukemia ako? Edi suicidal na siya?
”Okay lang ako Poy.. Anong sabi nina Mommy?”
“Ah, sabi nila kung gusto mo nang umuwi, iuwi na kita. Ano gusto mo na ba?”
”Ah.. Sige, uwi na ako..” Maga-ayos pa ako ng gagamitin bukas, pati ngayon namin kukunin yung pinagawa naming gown para sa Grad Ball.. Umaga kasi ang graduation, tapos sa gabi yung Grad Ball. Kaya super mapapagod kami bukas for sure.
”Okay, sige Ace, hatid ko muna ’to..” Tumango lang si Ace at pumunta na kami sa kotse ni Popoy.
Tahimik ako buong byahe..
”Okay ka lang talaga?”
”Yeah..” Pinilit kong ngumiti.
Ilang minuto lang nasa bahay na kami.
”Thanks Groomy.. Ingat ka ha? I love you.” Kiniss ko siya sa cheeks. Niyakap niya naman ako.
”I love you more. Basta kung may problema ka, tawagan mo lang ako ha? Graduation na natin bukas. I’m so proud of you Bridey. Kita tayo bukas..” Kiniss niya ako sa lips tapos bumalik na siya sa kotse.
Nung maka-alis siya, napa-buntong hininga na lang ako. Hay, back to reality.
”Mom, Dad, Manang! Andito na ko!”
”Oh Kim! Anong nang-yari sayo? Sabi ni Popoy nahimatay ka raw?” tumakbo agad si Manang sa’kin, tapos bumaba na rin sina Daddy.
”Okay ka lang Kim?” Salubong ni Daddy.
”Nahihilo ka pa?” Tanong ni Mommy. Lahat silang mukhang nag-alala talaga.
”YEAH! I’m fine.. Tingnan niyo nga!? Okay lang po talaga. Nainitan lang ako kasi hindi kami sa covered court nag-practice kanina. Bukas naman po eh sa auditorium na kaya for sure di na yun mau-ulit. Akyat na po ako.” Iniwan ko na sila dun.
See? Lahat sila nagpa-panic dahil sa’kin. Ayoko nang ganun. Alam ko sa sarili ko na malakas ako. Kaya ko ang sarili ko.
Pero dahil sa sakit na to, tingin nila sa’kin mahina. Weak and fragile. Crap. Malakas nga siguro ako, ilang tao na ba ang napa-tumba ko?
Pero sa labang ’to, mukhang ako ang dehado.
BINABASA MO ANG
Now Should Be Forever
Fiksi RemajaMeet two persons who met their love in the most unexpected time and way. This is Love Team's Sequel.