Kharu’s Corner:
Guys!! Sorry kung hindi ako nakapa-update ng ilang araw! Sorry talaga. Busy >__< Ngayon, mukhang malabong matapos ko ’to within the week. By January, tapos ’to. Salamat po. :***
********************************************************************
[Chapter 42]
**Popoy’s POV**
=__=
Kaka-bato sa bahay!
Magda-dalawang linggo na kaming bakasyon. Nami-miss ko asawa ko =__=
Pati sina Tita Yna at Tito Paolo, hindi na ako nakaka-balita. Para namang ang layo-layo ng village nila oh!
Aba oo nga no? Bakit ba hindi ko pinupuntahan? Kahit wala si Kim dun, atleast madadalaw ko magulang niya B’D
Nag-paalam si Kim sa’kin nung Grad Ball. Mawawala raw siya ng mga ilang linggo kasi maga-out of town daw sila nung mga pinsan niya. Hindi raw niya ako maco-contact habang nandun sila. Kung siguro di siya nag-paalam, suicidal na ’ko. Haha. Kaya pala mukha siyang malungkot nung pauwi kami.
”Ma! Punta ako kina Tita Yna. Sama ka?””Naku, hindi na. May aasikasuhin lang ako sa ospital..”
”Oh bakit? May masakit na naman sayo? Sumisikip na naman ba dibdib mo?”
”Haha! Naku, ang OA mo ha. May aasikasuhin lang akong papers. Hindi naman ako ooperahan dun ano! Sige, pumunta ka na dun. I-kumusta mo na lang ako kina Mare.”
”Geh.”
Takte. Kinabahan naman ako, kala ko may sakit na naman. I can say she’s close to being fragile. Bawal siya sa fatty foods, stress, bawal din siya magpa-opera o mag-donate ng kahit ano sa organs niya kasi delikado sa kanya. Baka hindi kayanin ng puso niya yung pressure.
Nag-bihis na ko. Doon sa bahay nina Kim, atleast mas mararamdaman ko naman yung presence niya.
Lalakarin ko na lang.
Habang nagla-lakad ako, parang may mabigat sa loob ko. Di ko alam. Dapat di na ’ko uminom ng kape kanina.
Mga ilang minuto lang naka-rating na ako. Nung kumatok ako, si Manang kaagad ang nag-bukas.
”Oh Popoy! Na-dalaw ka? Nasa loob sina Sir Paolo. Pasok ka!” Ang bait talaga ni Manang kahit kelan.”Sir! Ma’am! Andito po si Popoy!” Sigaw ni Manang sa kusina. Kumakain pa pala sila. Haha.
”Oh Popoy! Kumusta na! Kain ka!” Pina-upo nila ako. Nakakahiya namang tumanggi. B’DD”Ayos naman po ako. Kayo po? Kinukumusta rin kayo ni Mama.”
”Ayos din naman kami! Nami-miss lang yung only girl namin haha! Miss ko na rin Mama mo! Sabihin mo shopping naman kami minsan!”
”Haha! Sige po..” Pinag-handa ako ni Manang ng carbonara. Tahimik lang kaming kumakain.
Nung matapos kami, nagtanong na ako.
”Kumusta na po si Kim?””Naku. Ayos naman daw siya doon. Pasensya na kung masyado mo siyang nami-miss ha? Ang layo-layo naman kasi niya ngayon..” Nalungkot bigla si Tita Yna.
”Okay lang po.. Sana hindi pa masyadong malamig doon sa Baguio ngayon..”
Natahimik silang lahat at napa-tingin sa’kin.”Bakit po?” Tanong ko. Parang ang wirdo ko tingnan ah.
”Ah.. S-sinong nasa Baguio?” Tita Yna stammered.
”Ah, Si Kim po? Di po ba may out of town sila ng mga pinsan niya sa Baguio? Nag-paalam po siya sa’kin nung Grad Ball.. Ilang lingo daw po siya dun..”Nag-tinginan sina Tita Yna at Tito Paolo. Narinig ko pang bulong ni Tito Paolo, “Ano bang iniisip ng anak natin?”
“May problema po ba?” Tanong ko.“Popoy.. Wala sa Baguio si Kim..” Para siyang naga-apologize sa tono niya.
“Po? Eh nasan po siya?”
“She’s in Korea.. Doon na siya mag-aaral..” Para akong binuhusan ng nagye-yelong tubig nung marinig ko yun.**Ace’s POV**
”Ayun pa! Ang ganda dun oh!!” Tuwang-tuwa siya sa mga buildings dito sa Korea. Pinat ko lang ang ulo niya.”Nami-miss mo siya no?” NAwala yung ngiti niya.
“S-syempre naman.. Pero nandito na ‘ko.. Kailangang panindigan ko ‘to..”
“Sigurado ka na ba? Bukas pa naman tayo mage-enroll. Pwede ka pang bumalik. Ikaw naman kasi, nagbi-biro lang ako nun! Tinotoo mo!”
”Kasi.. Mas makaka-buti kay Popoy kung kakalimutan niya muna ako. He deserves to be happy forever. Now with some dying woman.”“You’re NOT dying. Tandaan mo yan. Arasso?” [Alright?]
“Err. Okay.”
“Bakit kasi ayaw mong magpa-therapy?”
“Ayoko! No way! Hindi pa naman ako grabe no! At tsaka…. Kung magpapa-opera man ako.. Gusto ko sa Pilipinas na lang.. Mas safe ang pakiramdam ko roon..”
”Basta sabihin mo lang kapag nag-bago na ang isip mo..””Pero Oppa.. Miss na miss ko na talaga siya..”
”Oh sige.. Let’s make a deal.” I offered.
”Deal...?”
”Kung mapa-pasa mo ang first year mo sa college dito sa Korea with high marks, ibig sabihin nun by that time focused ka na at may disiplina. Pwede ka nang bumalik sa Pilipinas at harapin lahat. Kung hindi mo kaya, habambuhay ka nang magiging ganyan. Mahina ang loob at iniwan ang taong mahal niya...”
”Hmm. I’d rather take that as a challenge. Game ako.”“Dapat lang humanda ka sa mga pagba-bagong mada-datnan mo pag-balik mo dun. For sure, nasaktan mo ng sobra si Popoy. He might even be cursing me now.”
“Sorry.. Nasira ko pa yung kabu-buo niyo pa lang na friendship. Para sa kanya rin naman kasi ‘to eh.. Tsaka, kasalanan ko ‘to. Dapat, ako rin ang maghanap ng solusyon sa tamang panahon. You shouldn’t be involved.” Ayos, nagma-mature na siya.“Okay. Good luck!” She smiled.
Sana lang pwede ako na ang magpa-galing sa kanya eh. Kahit na sinabi niyang hindi pa naman malala ang leukemia niya, naga-alala pa rin ako.
Marami na akong nakilala na hindi malala ang leukemia pero na-dehado rin sila sa huli. Incurable ang Chronic Leukemia. Hindi ka man nakikitaan ng sintomas ngayon, pwedeng ilang buwan lang.. Naka-ratay ka na sa kama.
Ayokong mang-yari sa kanya yun. Habang nandito ako, babantayan ko siya nang mabuti.Tutulungan ko rin siyang maging malakas at matatag para sa kanila ni Popoy. Hindi na rin naman kasi ako umaasa na magkaka-pag-asa kami. Kahit na ako lang ang kasama niya dito sa Korea..
Her heart is not with me.She left it with him.
BINABASA MO ANG
Now Should Be Forever
Teen FictionMeet two persons who met their love in the most unexpected time and way. This is Love Team's Sequel.